Chapter 19: The Revelation ( PRE FINALE )

3.4K 107 33
                                    

This is it my beloved readers ,for sure , masasagot na ang kaisa-isang tanong ng kuwento nito, kung sino ba ang killer. Please read it with feelings, lalo na po yung naka-ITALIC. hehehe. May mga foul words po dito, so slight SPG na rin. Enjoy! ^___^

=========================================

"Wow!! Ang ganda at ang linis ng rest house ninyo!" manghang sabi ni Matthew sa rest house nina Rocco.

"Siyempre, pinalinis ko pa ito sa care-take namin," nakangiting sagot naman ni Rocco.

"Nasaan pala siya?" tanong ni Cassandra.

"Nasa bahay nila. Malayo dito. Tumawag ako sa kanya para ipalinis at ipag-grocery niya tayo kasi malayo ang bayan sa amin," agad na sagot ni Rocco.

"Yung mga parents mo? Where are they?" si Solen ang nagtanong.

"Nasa kabilang bayan. Doon kasi yung family house namin eh," sambit ni Rocco.

"Big time ka pala!!" tugon ni Tom kay Rocco.

Ngumit lang si Rocco sa pahayag ni Tom.

"Siyanga pala, may apat na kuwarto dito, bahala na kayo pumili kung saan kayo matutulog," tugon ni Rocco sabay turo sa mga kuwartong tinutukoy niya.

"Ako doon sa gitna!" turo ni Matthew sa gitnang kuwarto.

"Iisa lang ang room ninyo na boys," tugon naman ni Cassandra. "Kami ni Solen sa kanan."

"Sa gusto ko yung gitna eh," pamimilit ni Matthew na parang bata sa kanyang asal.

"Sapak, gusto mo? Choosy ka ah," wikang biro ni Solen.

"Doon muna natin ilagay yung mga gamit natin sa isang kuwarto, mamaya muna tayo mag-ayos. Doon muna tayo sa living room at ipagtitimpla ko muna kayo ng Iced Tea sa kusina," sambit ni Rocco sabay turo sa isang kuwarto na paglalagyan nila ng gamit.

"Tulungan kita, gusto mo?" tanong ni Cassandra kay Rocco.

"Huwag na. Kaya ko naman eh," nakangiting wika ni Rocco. "Tulungan mo na lang ako magluto mamaya."

"Sige,"sang-ayon na sambit ni Cassandra.

"Maganda sana kung dadaan tayo pag-uwi sa lugar nina Matthew, since nasa part naman tayo ng Norte eh," suhestiyon ni Rocco.

"Oo nga, namimiss ko na rin mga magulang ko. Naku masarap magluto ng nanay ko ng pinakbet na may bagnet. Miss ko na sina mama,"pagmamayabang ni Matthew. Nasiyahan din siya sa suggestion ni Rocco at hindi niya inakala na kay Rocco pa mismo manggagaling.

"Aba, tanungin natin sa guwapo nating driver," ngiting wika ni Cassandra kay Cedie.

"Ok lang, sulitin natin ang bakasyon. Basta share-share tayo sa gasolina ha," sagot naman ni Cedie.

"Yeahh, i love you Cedie!" sabay akap ni Matthew kay Cedie. Masayang-masaya si Matthew kahit paano makikita niya rin ang kanyang hometown.

"Pare, mahal mo raw ako.." sabay kanta ni James sa kantang pinasikat ni Michael Pangilinan.

Tawanan sila dahil sa bromance na eksena ni Cedie at Matthew. Pilit na lumalayo si Cedie pero hindi siya makapalag dahil sa mahigpit na yakap ni Matthew.

"Oh siya, doon muna ako sa kusina, magtitimpla ako ng juice," pamamaalam ni Rocco sa kanila. "Ilagay na lang ninyo yung mga gamit ninyo doon sa kuwarto," dugtong pa nito

Muli nilang binuhat at nilagay sa tinurong kuwarto ni Rocco ang mga gamit nila. Abala ang lahat sa kuwentuhan sa sala maliban si Rocco dahil abala ito sa pagtitimpla ng Iced Tea sa kusina. Pumasok si Cedie sa kuwarto at hinanglungkat niya ang bag ni Rocco para hiramin ang charger nito. Kanina pa kasi nagwawarning sign ang phone niya dahil lowbat na siya.

The Serial Killer's Diary [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon