Chapter 8: Flying without "WINGS"

3.4K 116 11
                                    

Medyo nahihilo pa si Rhodora ng magkaroon siya ng malay. Napansin niya na medyo lumiit ang kanyang kinalalagyan. Tila pakiramdam niya nasa storage room sila. Tama, nasa storage room sila, kasi nandun ang mga ilan nilang bulok at sirang mga computers. Kikilos sana siya ng mapansin niya na nakagapos ang mga kamay niya sa likod ganun din ang kanyang mga paa. Ang kanyang leeg ay may tali na tila parang magbibigti siya pero nakaapak naman ang kanyang mga paa sa sahig.

"Mabuti naman gising ka na MA'AM Rhodora," binati siya ng kanyang kausap.

"Si-sino ka?" tanong ni Rhodora, ramdam niya pa kasi ang sakit ng ulo mula sa pagkakapalo nito.

"Kira," diretsong sagot nito.

"SINO KA BA TALAGA?!" matapang na sigaw ni Rhodora.

"Hanggang ngayon, dala mo pa rin ba ang pagiging bossy mo!!" sigaw ng kanyang kausap at bigla na lang may naramdaman si Rhodora ng isang matalim na bagay na bumaon sa kanyang balikat.

"AHHH!"

"Opps, sorry Ma'am, namantsahan ko na ang puting damit mo oh," nag-uuyam na wika ng misteryosong tao sa kanyang harapan.

Tinutukoy niya ang dugong umaagos sa kanyang puting damit na may nakatatak na TEAM LEADER.

"Ikaw kasi, sinigawan mo ako, nagulat lang ako, yan tuloy nangyari," tila nang-aasar pa yung kausap niya. Medyo huminahon na ang kanyang boses.

"Tang-ina mo!! Pakawalan mo ako!!" galit pero naiiyak na wika ni Rhodora.

"Ano ako tanga! Nabingwit mo na ang isang isda, pakakawalan mo pa?! Ay, tanga ka ba ma'am? Team Leader ka pa naman!" 

"Isusumbong kita sa mga pulis. Hayop ka!" Tila namukhaan na ni Rhodora ang kanyang kausap.

"Eh di magsumbong ka, walang makakarinig sayo. Ang guard natin, tulog na. Ikaw kaya makaamoy ng pampatulog tapos sabayan mo pa ng malakas na ulan sa labas, di ba masarap matulog? " tila parang baliw na pinapaikutan niya ri Rhodora.

"Anong gagawin mo?" Medyo nanginginig na si Rhodora. Nanghihina na rin siya dahil sa tinamong saksak sa kanyang balikat.

"Gagawin ko?Hindi ko pa nga alam eh." Tila nag-isip muna siya sa anong gagawin niya kay Rhodora.

"Ah wait," wika nito at  may hinahalungkat sa kanyang dalang bag.

"I printed out yung email mo noon," sabay labas ng isang pirasong papel.

"Email?" maang tanong ni Rhodora.  Hindi niya alam kung anong meron sa email na sinasabi nito sa kanya.

"Yung email mo na sound's bossy," mabilis na sagot ito sa tanong ni Rhodora.

Binasa niya ulit ang email ni Rhodora kung saan nandun ang username at default password ni Rocco sa live account.

"NOTE:You will be suspended once Mr. Rodriguez makes mistake. Wow, pati ba naman sa e-mail, pinapamukha mo na mataas ka masyado. Pati sa TEAM LEADER , ay naka-CAPSLOCK pa! Hanep!" tila nang-uuyam na sambit ng killer.

Tahimik lang si Rhodora pero naiiyak na siya sa takot.

"Ayan, kaw na ang Team Leader!!" Biglang nilukot ng killer ang papel at sabay pinasubo niya sa bibig ni Rhodora ng puwersahan.

Umiling at dinura ni Rhodora ang papel sa harapan ng killer.

"Aba't! Bastos ka rin anu!" Sabay sampal at sabunot sa mahabang buhok ni Rhodora.

"AHH!" ramdam kasi ni Rhodora ang sakit ng pagkakahila niya sa kanyang buhok. Pakiramdam niya masasama ang kanyang mga balat sa ulo.

"Iba rin kapag naging Team Leader ang isang tao sa isang company anu? Yumayabang! Masyadong mataas! Kung tutuusin pareho lang naman tayong employee dito. Nagkataon nga lang may posisyon ka na pinanghahawakan," nag-uuyam na wika sabay hawak nito sa baba ni Rhodora habang kinakausap.

"Nasa hands-out na ba ninyo ang pagbabastos ng isang agent??!" tanong niya kay Rhodora.

Hindi sumasagot si Rhodora. Gusto niya na makawala dito. Alam niya na may masamang mangyayari sa kanya kapag tumagal pa siya dito sa kanilang kinalalagyan.

"SAGOT!!! TINATANONG KITA!!!" galit sigaw ng killer.

"Please lang, pakawalan mo na ako," pakiusap ni Rhodora.

"HAHAHA!, Himala! You know the word PLEASE??" natatawang wika ng killer ng marinig niya ang pakiusap nito.

"Parang-awa mo na!" patuloy pa rin sa pakikiusap ni Rhodora.

Biglang sinampal ng killer si Rhodora dahilan para dumugo ang bibig nito.

"AWA??! Pasensya na, di ko alam ang ibig sabihin yun. Wala akong awa eh," nangingiting sambit nito kay Rhodora.

"Ngayon, magtatanong ulit ako sayo." Umupo ang killer sa harapan ni Rhodora.

"Tama na.. " nanghihinang wika ni Rhodora. Marami  na kasing dugo ang kumawala sa kanyang mula sa pagkakasaksak ng kanyang balikat.

"Sa gusto ko magtanong pa eh! Wala kang karapatan para pigilin mo ako sa itatanong ko!!"Sipa niya sa bandang puson ni Rhodora.

Rinig ng killer ang pag-igik ni Rhodora ng tamaan niya ito sa kanyang puson.

"Anong pakiramdam ngayon ang inaapi? Masakit di ba? "muling tanong ng killer.

"Feeling mo kasi isa kang bituin na mahirap abutin. Pero sabi sa isang pelikula. BUKAS LULUHOD DIN ANG MGA TALA." Sabay tayo nito at may kinuha sa kanyang bag.

Nagulantang si Rhodora na may hawak itong kutsilyo na ginagamit sa pangkatay ng mga baboy.

"Huwag mong gawin yan... please.. itigil mo na ito,"naiiyak na wika ni Rhodora.

"Ang mga tulad mong masyadong mataas ay ibinabagsak ng pababa!!!" sigaw nito at sabay putol nito sa dalawa nitong mga paa. Kita sa mga mata ng killer ang galit at poot niya kay Rhodora Alonzo.

"AAHHHHHHH!!!!" sigaw ni Rhodora at bigla siyang nabigti dahil sa taling nakapulupot sa kanyang leeg pagkatapos matanggal ang dalawa niyang paa na nakaapak sa sahig.

Pagkatapos iyon, hinila niya ang isang mesa at kinuha niya ang kanyang DEATH NOTE sa kanyang bag at isinulat ang :

"Kawawang Rhodora Alonzo, namatay sa ere  ng wala naman pakpak.  

Time of Death: 10:15 pm"

Pagkatapos masulat ang mga katagang iyon, muli niyang tinago sa kanyang dalang bag at muli niyang nilapitan ang katawan ni Rhodora na wala ng buhay.

"Doon mo ipakita ang pagiging TEAM LEADER mo sa impyerno." Sabay dura ito sa mukha ni Rhodora.

Agad niyang nilisan ang storage room na parang walang nangyari.








The Serial Killer's Diary [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon