Chapter 3: Matchy-Matchy

4.5K 134 7
                                    

"ABA, Aba, Aba!" agaw pansin ni Cassandra sa kanila habang naglalakad sila patungo sa parahan ng mga jeep.

"Problema mo, girl?" tanong ni Solen.

"Same wallpaper kayo ni James, huh?" aniya. Abala si Rocco sa pagtetext nang mapansin ni Casssandra ang hawak niyang cellphone.

"Heto? 'Yung Death Note?" pagtatakang tanong ni Rocco.

"Yup. Super fan kasi 'yung pangit na iyon sa Death Note," sagot naman ni Cassandra at idiniin talaga ang salitang "PANGIT" sa likuran ni James.

"Sinong pangit?!" may halong inis na tanong naman ng binata.

"Si Tom! Hahaha!" Segundang sagot ni Matthew.

"Gago! Hindi ako Death Note fan," inis na tugon ni Tom kay Matthew.

"Ang astig kasi ng kuwento eh," sambit ni James. "Patingin nga 'yung wallpaper mo."

Inabot naman ni Rocco ang phone niya kay James.

"Naks! Astig!" puri ni James. Hindi niya inaasahan na pareho pala sila ng kinahihiligan na movie.

"Patingin naman 'yung iyo," sabi naman ni Rocco.

"OMG, hala!" sambit naman ni Matthew, kunwaring nabigla ito ay tinakpan pa ang bibig.

"I mean 'yung wallpaper ng phone mo," agad na sambit ni Rocco. Mukhang nakuha naman niya

ang ibig sabihin ni Matthew.

"Pervert ka kasi! Gago!" sambit ni Tom.

"Negi pa," halakhak na pahayag ni James.

"Wow James! Who you ka sa akin kapag pumuti ako gaya ni Rocco," nag-uuyam na wika ni Matthew.

"Haha! In your dreams!"

"Solen, daan tayo sa grocery mamaya, bibili ako ng isang dosenang glutathione.'Yung pang-

mayaman!"

"Duh! Asa ka Matthew. Hindi ka na puputi!" Inasar din ni Solen si Matthew.

"Grabe kayo mangbully! Hindi na kayo nakakatuwa," kunwaring tampo ng binata.

"Sana cosplay ang motif natin sa Christmas Party natin. Super bet ko kasi 'yung girl doon eh,"

wika ni Cassandra.

"Hindi mo bagay friend," nakakalokong sabi ni James sabay tawa nito.

"Why not, aber?" nakataas pa ang kilay ni Cassandra.

"Magmumukha ka lang na matrona!"

"I hate you!" Sabay sabunot sa buhok ni James.

"Aray!" Sigaw ni James. Masakit kasi manabunot ng buhok si Cassandra.

"Chararat ka!" inis na turan ni Cassandra.

Hindi naman mapigilan na mapatawa at mapangiti si Rocco sa inaasal ng mga bago niyang

kaibigan at officemates.

-----------------------------------------------------------------------

"SANA totoo 'yung Death Note," tugon ni James kina Tom, Rocco at Cassandra. Sila na lang ang

magkakasamang naiwan habang naghihintay ng kanya-kanyang masasakyan.

"Talagang tinotoo ni Matthew na bumili ng glutathione at sumama pa si Solen?" natatawang

tanong ni Tom kay Cassandra.

"Yata. Hahaha!" Natatawang sagot ni Cassandra.

"Paano kapag totoo ang Death Note, James? May gusto ka bang isulat na pangalan?" wala sa loob na naitanong ni Rocco.

"Of course. Isusulat ko si impaktitang Rhodora na iyan! Hahaha! Actually I have Death Note talaga!"natatawang sagot ni James. Alam naman niya na napakaimposible naman kasi na mangyari iyon dahil hindi naman totoo ito sa totoong buhay

"Same here, hahaha. Meron din ako ganoon na notebook," natatawang sambit ni Rocco. Hindi siya makapaniwala na meron din si James kagaya din sa kanya.

"'Yung Death Note mo?" tanong ni James kay Tom.

"Nakatengga sa bahay namin," sagot ni Tom.

"Meron ka rin bro?" tanong din ni Rocco kay Tom.

"Yup, sabay kami bumili ni James noon sa mall. Buy one take one kasi ang promo kaya ibinigay

niya sa akin 'yung isa. Ordinaryong notebook lang naman 'yun eh," turan ni Tom.

"Why not to try to write her name on your Death Note, para mamatay na 'yung bruha na iyon! Para mapalitan na ang TL natin. Nakakasuka na kasi ang ugali at ang mukha ni Rhodora na iyon e" biro na wika ni Cassandra. Kahit paano, alam din niya ang unang rule ng notebook.

"Nice idea. Char! Hahaha!" umayon naman sa biro si James kay Cassandra.

"Bakit kapag wala na siya, may mapropromote ba?" curious na tanong ni Rocco.

"Well I don't know. Siguro, I guess," sagot naman ni James.

"Adik kayo! Kung ano-anong kahibangan ang pinag-uusapan ninyo!" turan ni Tom, palibhasa wala siya alam sa nasabing pelikula na pinag-uusapan ng tatlo. Hindi kasi siya mahilig sa ganoong genre ng movie.

"Sige guys! Mauna na ako! Salamat sa inyo ha!" nakangiting paalam ni Rocco sa kanila

"Ingat Rocco!" Nakangiting paalam din nina James at Tom.

Natapos ang unang araw ni Rocco na masaya at kaba. Masaya, dahil nakatagpo siya ng kagaya nina James na madaling pakisamahan. Kaba, dahil nasaksihan niya kung paano makitungo ang kanilang Team Leader na si Rhodora.


===============

TO BE CONTINUED...

The Serial Killer's Diary [BOOK 1]Where stories live. Discover now