Chapter 7: One Message Received

3.2K 112 20
                                    

"Hindi ako ipinanganak sa mundo para hamakin at saktan ng mga ibang tao. Sino ba sila para ako'y saktan ? Nakakabuwisit sila. Dapat ang mga ganitong tao, binubura sa mundo!!"

"Rhodora Alonzo" - arogante, bossy, mayabang, at demonyo. Marami na siyang naapakan na tao sa pagiging bossy niya. Masyado na mataas ang kanyang lipad, siguro naman puwede na siyang ibagsak para maramdaman niya kung ano ang pakiramdam yung nasa ibaba. Down to Earth ba.. pero mas maganda kapag DOWN TO HELL......"

Pagkatapos niya isulat sa DEATH NOTE niyang notebook ang pangalan ni Rhodora ay agad niya tinago sa kanyang drawer ng study table sabay pinatay ang kanyang lamp shade at humiga na ito sa kanyang malambot na kama.

------------------------------

"Buwisit! Super Bobo!" pagmamaktol ni Rhodora sa kanyang station. Kailangan niya kasi pumasok kahit holiday dahil iyon ang inutos ng kanilang boss para maayos ang ipapasa niyang report.

"Nang dahil sa kanya, nacancel tuloy yung pagpunta ko sa Derma Clinic," kausap ni Rhodora ang kanyang sarili.

"Buwist! Buwist! Mga bobo sila!!" sigaw ni Rhodora. Wala kasi siyang pakialam dahil wala naman puwedeng makarinig sa kanya dahil nakabakasyon lahat ang mga empleyado liban sa isang security guard sa ibaba ng kanilang building na pinagtratrabahuan niya.

"Magkamali pa siya ulit, 3 days suspension ang ibibigay ko sa kanya." Si Rocco ang kanyang tinutukoy.

------------------------------

6:30 pm

"Sa wakas, natapos ko na rin!" masayang sambit ni Rhodora sa kanyang sarili at sabay unat sa kanyang mga paa.

"Mga walang-hiya! Dahil sa kabobohan nilang lahat, ginabi na ako dito sa office.Nakakairita. Makapag-Facebook nga muna, pagtanggal ng stress," sabi ni ni Rhodora habang tina-type niya ang kanyang username at password sa Facebook site.

"Dami ko naman notifications, hihihi," natutuwang sambit niya sa mga nag-like sa latest pictures niya na pinost niya kagabi.

"PWE!! Mga social-climber!" Napansin niya kasi yung mga latest picture na ipinost ni Solen na nasa starbucks sila hawak ang iniinom nilang mga kape.

"Makapagpose wagas! Tse, ang landi mo teh!" patuloy pa rin siya sa paglalait sa mga pictures na nakapost.

Tila napansin niya na may message siya sa kanyang MESSAGE tab.

"Sino naman kaya ang nagmessage sa akin at sa FB pa. Poor , baka wala siyang load. hahaha."

Itinapat niya ang pointer ng mouse niya at sabay click sa Message tab.

"K-Kira?" kunot- noong tanong ni Rhodora sa kanyang sarili.

"Who the hell is this??? At ano ito?? D-Death note??"

Patuloy pa rin siya sa pagbrobrowse ng makita niya ang kanyang pangalan sa tinutukoy niyang Death Note na may kalakip na:

"The human whose name is written in this note shall die."

"Damn! At gusto pa ninyo ako takutin ha!! May death note pa kayong nalalaman. Mga idiot kayo! Buwisit! Makauwi na nga!" Sabay log-out sa kanyang Facebook account.

Habang inaayos niya ang mga ilan niyang gamit, may narinig siyang mga kaluskos.

"Shit! May tao ba diyan?!" tanong ni Rhodora.

" Manong guard, huwag na huwag mo akong tatakutin kung gusto mo may trabaho ka pa. Isusumbong kita sa boss namin," pagbabanta niya sa pag-aakalang ang guard ng building ang nandoon.

Mabilis niyang kinuha ang kanyang bag at nagmamadali niyang tinungo ang pintuan palabas ng kanilang department.

Pagbukas niya ng pintuan, isang nakasuot ng itim na jacket na may hood ang biglang sumulpot sa kanyang harapan at bigla itong pinalo sa ulo bago man siya nakasigaw.


The Serial Killer's Diary [BOOK 1]Where stories live. Discover now