"ROCCO, forward ko sa'yo 'yung live log-in account mo. May live account ka na," masayang sabi ni James. After one week of training, nabigyan na siya ng sarili niyang log-in sa naturang account.
"Wow! Thanks! May e-mail bang dumating sa'yo na galing kay Ma'am Rhodora?" tanong ni Rocco.
"Yeah. Pero look naman kung paano siya mag-email sa akin. Medyo threatening ah," May inis na tono sa boses ni James.
"Bakit? Paano ba?" singit ni Solen. Medyo nacurious din ito base kasi sa sinabi ng binata.
"Look at my e-mail." Pinabasa ni James ang e-mail ni Rhodora.
Give this username and default password to Rocco Rodriguez as he will be using his live
account starting today.
Account Name: crmrodriguez
Password: crm12345
NOTE:You will be suspended once Mr. Rodriguez makes mistake. 3 Days suspension will be
served automatically.
Rhodora Alonzo
TEAM LEADER
"Hala! Scary ha!" sambit ni Tom.
"Bitch talaga siya! Akala mo kung sino! Bwisit!" Hindi maiwasan mainis si Cassandra nang
mabasa niya din ang e-mail ni Rhodora kay James.
"Given na talaga ang pagka-bitchy niya," tugon na lang ni James.
"Parang nakakatakot na mag-live," kinakabahang sambit ni Rocco. Natatakot kasi na baka
masuspend ang kanyang mentor kung may mali siyang magawa.
"Naku, naku, hindi iyan mangyayari. Hayaan mo siya," tugon naman ni James kay Rocco." Pero ayos lang na magkamali ka, medyo magiging pabor din sa akin. Gusto ko rin magbakasyon kagaya ni Cedie, char! Hahaha!" dugtong pa niya na pabiro.
"Ipabasa mo kaya sa HR 'yan, James. It sounds unprofessional," sabi ni Tom.
"Hayaan mo na. Ayaw ko ng gulo," tugon ni James habang tina-type niya ang email account ni
Rocco para iforward na lang ito ang nilalaman ng email ni Rhodora.
"Oh well!" buntung-hininga na lang ni Tom.
"Wooh! May newbie tayo guys!" Agaw pansin na sigaw ni Matthew. Pinalakpakan pa niya ito nang pumunta ang isang lalaki sa isang computer station. Tumabi ito sa station ni Cassandra.
"Fuck you!" Nagdirty-finger ang lalaki kay Matthew.
"Ako ang mentor mo, tae! Halika ka dito sa aking tabi! Mag-shadow ka!" nakakalokong pang-aasar ni Matthew.
"Tae ka rin!" ganting asar din ng lalaking na tila kakilala na nila at matagal na empleyado sa
kanilang opisina
.
"Welcome back Cedie!" bati ni Cassandra sa lalaking kinantiyawan ni Matthew.
"Hahaha, Thanks Babe!" nakangiting sambit ni Cedie Diaz na may kasamang kindat nito sa
dalaga.
"Tse! Babe ka diyan," asik agad ni Cassandra.
"How's your vacation?" sarkastikong tanong ni Tom.
"Sira-ulo! Bakasyon ka diyan! Buwisit kasi 'yung mga sipsip dito sa office, 'yan tuloy nasuspend ako," natatawang tugon ni Cedie.
"Push mo 'yan bro! Para masuspend ka ulit! Hahaha!" pang-aasar ni Matthew.
YOU ARE READING
The Serial Killer's Diary [BOOK 1]
Horror(COMPLETED) Alamin, tuklasin at buksan ang mga pahina ng DEATH NOTE. Mag-ingat lang baka ang pangalan mo ay nakasulat na pala. Matatakasan mo ba si Kamatayan kung nasa likod mo na siya?