Chapter 9: Kira

3.4K 113 11
                                    

KIRA--who kills evil people for punishment for their sins. Heto po ung term na nagamit sa Death Movie. Sana po makarelate kayo! :)

============================================================

"OH MY GOD!! Is it real???" tanong ni Solen kay Matthew ng malaman nila ang nangyari kay Rhodora.

"Dalandan lang? Is it real, is it real, dan-dan-dan dalandan," asar na sagot ni Matthew kay Solen. Kinanta niya kasi yung commercial ng Nesfruta.

"Bullshit! Lumayo ka sa akin kung gusto mo pa mabuhay," naiinis na sambit ni Solen dahil sa pang-aasar ni Matthew.

"Hala ang bilis naman mapikon nito," turan ni Matthew at umupo na ito sa kanyang station.

"Seryosong tanong yun Matthew Valencia, tapos mapipilosopo ka lang? "taray na sambit ni Solen. Halata pa rin sa boses niya ang pagkainis niya kay Matthew.

Hindi na sumagot si Matthew  at umayos na lamang siya sa kanyang pagkakaupo sa kanyang station. Baka kasi tuluyan mainis at magalit sa kanya si Solen. Ayaw niya kasi mablock ulit sa Facebook dahil pinikon niya ng husto si Solen noon.Nablocked siya at hindi kinausap ng mahigit isang buwan. Mabuti na lang nagkaayos sila sa tulong nina James at Tom.

"Katakot ha. Dito pa mismo sa office natin nangyari yung pagkamatay ni Rhodora," sambit ni Rocco.

"Buti nga sa kanya," nakangiting turan naman ni Cassandra. "For sure, nakikipagsalamuha na siya sa mga demonyong tulad niya sa impyerno ngayon."

"You're so bad," sambit naman ni Cedie.

"So what? Karma niya yun," taray na sagot ni Cassandra.

"Ano naman masasabi mo James?" tanong ni Tom, pansin niya kasi ang pananahimik ni James.

Agad din napansin iyon ni Rocco.

"May problema ba bro?" tanong ni Rocco.

"Ah-wala. nashocked lang ako sa nangyari," sagot ni James.

"Talaga! Biruin mo, parang pelikula lang ang peg, lalo na ung pagkamatay niya, hiwalay ang mga paa pero natagpuan na nabigti siya sa storage room." turan ni Tom.

"Back to work na tayo guys," sambit ni James para maputol na ang kanilang pinag-uusapan.

Napansin agad ni Solen ang pananahimik ni James.

"What's wrong with him?" bulong na tanong ni Solen kay Cassandra.

"I dont know," sagot ni Cassandra.

Nagtinginan na lang sina Rocco at Tom sa kakaibang mood ni James.

"Behave na, nandiyan na si HR," sambit ni Cedie. Nakita niya  kasi na lumalapit na ang kanilang HR.

"Guys, I know aware na kayo sa nangyari kay Ms. Rhodora Alonzo," panimula ni Ms. Bernadette Alonzo.

"At alam ko rin na dito sa department na ito, maraming galit sa kanya."

"Si James po ang galit kay Ma'am Rhodora." Sumingit si Mike habang nagsasalita si Ms. Acosta.

Tumayo at nagalit si James sa pahayag ni Mike.

"Pinagbibintangan mo ba ako?!" galit na tanong ni James kay Mike.

Ngumiti lang si Mike na parang nang-iinsulto.

Nakita iyon nina Matthew, Cedie at Rocco kung paano ngumiti na parang tila nang-aasar si Mike.

"Hoy Mike, parang may gusto ka palabasin ha." Tumayo si Tom na parang nainis sa pahayag ni Mike.

"Wala naman ako sinasabi ah. Alam naman natin na galit si James kay Ma'am Rhodora." Tumayo na rin si Mike.

"May problema ka ba?" tanong ni Cedie na tila napikon din sa pahayag ni Mike.

"Enough!" medyo naiinis na rin si Ms. Acosta sa sagutan na nangyayari sa opisina.

"Mr. Franco, mag-usap tayo sa aking opisina," turan ni Ms. Acosta.

Biglang nagtinginan ang lahat ng mga agents na tila parang lumalabas na involve si James sa pagkamatay ni Rhodora.

"See, siya ang killer," bulong ni Mike kay Onyx na katabi niya sa station.

Bigla naman nadulas si Onyx at sinabi niya ito kay James.

"Bro, ikaw daw ang killer sabi ni Mike," diretsong wika ni Onyx.

"Gago ka pala eh!" biglang sumugod si James kay Mike at sinuntok.

Nagkagulo lahat ang mga agents dahil sa pag-aaway nina James at Mike. Agad naman umawat sina Rocco para awatin sina James.

"Mag-ingat ka sa sinasabi mo bro," matalim na tingin ni Rocco matapos niya mahila si James.

"Wala kang pakialam!" sabay tulak ni Mike kay Rocco.

Natumba si Rocco sa ginawa ni Mike. Susugurin din sana niya ito ng biglang sinigawan na sila ng HR nila.

"Tumigil na kayo!!!" sigaw ng HR. Medyo nagpapanic na rin si Ms. Acosta sa kaguluhan na nangyayari.

"Lahat kayo ay involved dito dahil iisa lang ang department ninyo! " turan ni Ms. Acosta sa lahat ng mga agents.

Biglang tumahimik ang mga agents sa pahayag ni Ms. Acosta.

"Ay, wala akong kinalaman diyan," sabi ng isa sa mga agents.

"Me too," ganun din yung isang agent.

"Sumunod ka sa akin Mr. Franco."Sabay talikod ni Ms. Acosta. "Umayos kayong lahat kung ayaw ninyo magbakasyon ng tatlong araw na walang bayad," dugtong nito sa mga agents.

-------------------------------------------------

"Mr. Franco, I know galit ka kay Ms. Alonzo," panimula ni Ms. Acosta.

"Opo ma'am, I admit that ,pero wala po akong kinalaman sa pagkamatay ni Ma'am Rhodora," turan naman ni James.

" Based from the investigation, may natagpuan na papel doon sa krimen."

"Papel? Ano po iyon?" tanong ni James.

Kinuha ng HR ang papel na pinasubo ng killer kay Rhodora.

"Email sa akin ni Ma'am Rhodora ito ma'am. Pero ma'am, wala akong alam dito. Galit ako kay Rhodora pero ang pagpatay ng tao ay hindi ko kayang gawin ma'am." Medyo naiiyak na sambit ni James, tila kasi pinapalabas na siya ang pumatay sa Team Leader nila.

"I know, alam ko James," mabait na turan ni Ms. Acosta.

"Ma'am, maniwala kayo, hindi ko siya pinatay."

"Hindi ko naman sinasabi sayo na ikaw ang pumatay Mr. Franco," turan naman ni Ms. Acosta.

"Ma'am-"

"Lalabas din ang katotohanan. Huwag kang mag-alala. Malalaman din natin iyon."

===============

Sino kaya ang killer??

DURUGTUNGAN



The Serial Killer's Diary [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon