Chapter 12: Group Date

3.2K 102 8
                                    

Naalimpungatan si James sa tunog ng kanyang cellphone dahil may tumatawag sa kanya. Medyo naaantok pa siya dahil madaling araw na siyang natulog dahil nag-movie marathon siyang mag-isa. Gawain niya ito kapag off niya o wala siyang pasok kinabukasan.

"Oh?" sagot nito sa kabilang linya. Si Tom ang nasa kabilang linya.

"Kanina pa ako tumatawag sayo, hindi ka kasi nagrereply sa mga text ko," tugon ni Tom.

"Bakit ka napatawag?" tanong ni James, umupo na ito sa gilid ng kanyang kama.

"Kagigisng mo lang anu?! Past 10 am na ah!" sambit ni Tom.

Tiningnan ni James ang kanyang maliit na orasan sa study table na katabi ng kanyang kama at tama nga si Tom, 10:15 na ng umaga.

"Ah nanood kasi ako kagabi eh," sambit ni James at sinabayan pa ng paghikab nito.

"Alam ko, nanood ka ng porn kagabi," turan ni Tom na sinabayan pa ng malutong na tawa.

"Gago! Hindi ako nanood ng porn. Bakit ka ba napatawag?" muling tanong ni James.

"Labas tayo mamayang gabi, nood tayo ng free concert," tugon ni Tom sa kabilang linya.

"Kaninong concert?" tanong ni James.

"Hindi ko alam," natatawang sagot ni Tom.

"Anu ba yan, bakit hindi mo alam, baka pangit yung concert na sinasabi mo ah," inis na turan ni James.

"Eh basta, labas tayo, as a group, tayo nina Cedie, Cassandra, Solen at Matthew," pamimilit ni Tom kay James.

"Si Rocco?" tanong ni James dahil hindi nabanggit ni Tom ang pangalan ni Rocco.

"Hindi ko alam number niya eh, alam mo ba?" pabalik na tanong ni Tom.

"Hindi rin eh," sagot ni James.

"Ganito, i-pm ko na lang siya sa Facebook para sumama sa atin, paki-pm na rin siya para aware siya na lalabas tayo as a group, sumama ka ah!" sambit ni Tom.

"Sige."

"Oh siya, mag-ayos ka na diyan, baka kasi may gawin ka pang kakaiba diyan," biro ni Tom na sinabayan pa ito ng nakakainis na halakhak.

"Gago ka talaga! Hindi ko gawain yun." Mukhang nakuha ni James ang gustong ipahayag ni Tom at pinindot na niya ang end-call ng kanyang cellphone. Dito nakita niya lahat na may sampung text messages siya. Karamihan dito ay text ni Tom tungkol sa free concert.

Maya-maya pa muling tumunog ang kanyang phone habang inaayos niya ang kanyang higaan. Galing kay Tom yung text.


"May amoy zonrox. HAHAHA!"


"Tang-ina mo Tom! Buwisit ka!" ngiting sambit ni James sa kanyang sarili. Hindi na siya nagreply dahil alam niyang naka-unlimited call and text si Tom. Ganun siya kapag weekend para daw masulit niya ang promong unlimited call and text. Kung magrereply siya, tiyak uulanin siya ng pang-aasar na text galing kay Tom.

 

-----------------------------

8:00 pm

"Hi Solen!" bati ni Cassandra ng makita niya si Solen. Simple lang ang damit ni Solen, naka 3-4th na checkerd na kulay itim at pula at nakashort siya na may kunting tastas. Sa McDonald kasi ang usapan nila na magkikita. Kasama na ni Cassandra si Cedie ng oras na iyon na abala siya sa paglalaro ng kanyang Ipod touch na 5th gen.

"Hello," bati rin ni Solen. "Wala pa ba yung mga iba?" dugtong niyang tanong.

"Wala pa  nga eh, sabi ni Tom, 7:30 yung call time, dahil kakain pa tayo dito," medyo inis na turan ni Cedie.

The Serial Killer's Diary [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon