𝐭𝐰𝐞𝐧𝐭𝐲-𝐧𝐢𝐧𝐞

520 14 8
                                    

NARRATION 003
LISA | SA KOTSE NI JUNGKOOK
12:45 PM

Nandito kami ngayon sa kotse ni JK, kahit ayoko. Wala na akong choice kundi ang sumabay sakanya dahil na rin kay Irene unnie na nasa backseat ngayon at nagpophone lang. Makikisabay na nga lang kailangang siya pa mamimili ng maghahatid sa amin, pabida rin talaga e.

"Okay ka lang?" Nagising naman ang diwa ko nung biglang magsalita yung nasa driver's seat which is si Jungkook.

Tumango lang ako bilang sagot sakanya. "Tingin sa daan, huwag sakin," pagtataray ko naman sakanya at umayos ng upo.

"Ikaw nga dyan yung nakatingin sa akin," nakangising sagot niya kaya napatingin ako ulet sakanya.

"Ang kapal mo naman banda dyan," umirap naman ako at inayos yung seatbelt ko at hinayaan ko na lang siyang magdrive.

Kung hindi lang talaga dahil kay Irene unnie, hindi ako sasabay sa manlolokong 'to. Bakit ba kasi bukas pa darating yung kotse ko, bwisit naman.

Dinala kasi ni Bambam yung kotse ko sa autoshop nung isang araw at bukas pa nga ang balik 'non. Kaya si Rosé yung naging driver ko kapag wala yung kotse ko, kaya lang may harot ang loka kaya wala siya.

Sana naman maganda muna siya bago humarot, nakakaloka.

"Nakabusangot ka dyan ang ganda ganda ng araw oh," hindi ko naman mapigilan na mapairap nung marinig ko ang boses na 'yon. "Pero mas maganda ka."

"Mag drive ka na lang dyan pwede ba?" Pagtataray ko sakanya.

Bwisit talaga, porket cute siya ng ¼ pwede na niya ganyanin? Kapal din ng mukha ng manlolokong 'to akala naman niya mabibilog niya ulet ang utak ko. Tss, hindi na 'no! Never.

"Ay, masungit," rinig kong sabi niya na may pang aasar na tono.

"Pakelam mo ba ha?" singhal ko sakanya at tumawa pa nga ang loko. "Anong tinatawa tawa mo dyan?!"

Pinapataas talaga ng hayop na 'to ang altapresyon ko! Nakakapang gigil sobra.

"Bawal na ba ako tumawa ngayon?" tanong niya habang nagdadrive. "Di ba yung tawa ko yung favorite mo sakin maliban sa mga mata ko?"

Putangina.

"Atsaka di ba sabi mo mas gusto mong nakikita akong nakangiti at tumatawa dahil you always feel comfortable and safe?"

"Di na ikaw yung favorite ko!" Inis na sabi ko sakanya. "Kung hindi mo sana ako niloko edi sana ikaw pa rin yung favorite ko," mahinang sabi ko at hindi na lang siya pinansin.

Bwisit!

"Kahit galit ka sakin, ikaw pa rin ang favorite ko," napatingin naman ako sakanya at binigyan lang niya ako ng isang ngiti bago mag focus ulit sa daan.

Iyon yung ngiti na gustong gusto ko dati. Kasi yun yung assurance ko na totoo yung mga sinasabi niya, yun yung ngiting sa akin niya lang ipinakikita. Ano ba talaga Jungkook? Bakit ginaganito mo nanaman ako?

Hindi ko na alam, puta.

Tangina, focus naman tayo dito Lisa. Galit dapat tayo. Hindi dapat tayo nagpapadala sa mga ngiting ganyan. Ano naman kung sakin lang siya ngumingiti ng ganon? Ikakaganda ko ba 'yan? Jusko naman, focus tayo guys. Huwag marupok please lang.

Argh! Bwisit talaga. Bakit ba ang tagal ng byaheng 'to? Wala na bang ibibilis 'to? Feeling ko tatlong oras na akong nakaupo sa loob ng kotseng 'to. Nasasakal na ako sa atmosphere dito.

Kinuha ko naman sa purse ko yung phone ko nung maramdaman kong nagvibrate 'to. Napatingin naman ako kay Irene unnie dahil sakanya galing yung text.

status: vloggerWhere stories live. Discover now