Chapter 9

204 13 5
                                    

CHAPTER 9



"Hindi ka pa rin ba uuwi? kahit sa engagement party lang namin ni Luke" Pamimilit ni Adrian.



It's been six years since I left Philippines, I started over again. I took up business ad, my parents even asked me na ituloy ko nalang daw ang medicine dahil sayang naman daw at may naumpisahan na pero sabi ko ay ayos lang 'yun.



"I can't leave the business here,"



"Sir this need your sign," Saad ng secretary ko, I nod at her then signed the papers.



"As I was saying busy pa masyado dito, I might just attend your wedding." I said while still signing some papers. I gave it back to my secretary. Sumandal ako sa swivel chair at pinaikot ito sakan pinagmasdan ang view mula sa glass wall ng office ko.



After I graduated, Dad trained me immediately here in our company. Mabuti na lang at may company branch kami rito dahil ang main ay nasa Pinas pa kaya hindi ko na kailangang bumalik pa ng Pinas.



"Sinabi mo na 'yan noon, ilang parties na ba ang hindi mo napuntahan dahil lagi kang busy dyan sa States! Kulang na lang diyan ko na rin ganapin ang kasal namin ni Luke para siguradong makakapunta kana." I laughed at him.



"Kung puwede naman bakit hindi?" Pagbibiro ko.



"Sige na, kailangang nandito ka." 




"Si Mike?" Rinig ko sa kabilang linya, narinig ko namang sumagot ng oo si Adrian.



"Mike sige na pagbigyan mo na 'tong si Adrian kulang nalang bisitahin ka namin diyan para lang maaya ka ng personal." Rinig kong sabi ni Luke kaya napatawa ako. 



My secretary knock on my door kaya lumingon ako roon, sumenyas siyang malapit na mag start ang meeting.



"I'll talk to you guys later, I have an meeting I'll let you know if I can make it." I bid them goodbye before going to the company's conference room. 



For six years sila Ate ang nabisita sa akin rito never akong bumalik ng Manila since that day. Alam na din nila Mommy ang nangyari noon kaya hindi na rin nila nababanggit pa ang pangalan ng lalaking 'yun. Sila Adrian naman ay nabisita rin dito sa akin kapag libre sila, Isa ng ganap na CPA si Adrian at nagtatrabaho siya sa isang malaking kompanya. Si Luke naman ang nagpapatakbo ng negosyo ng family niya at engineer na rin, halos sa kanilang dalawa lang ako may balita. Si Ate Yesha naman ay ganoon pa rin ang buhay although she's now leading Mom's company ay patuloy pa rin ang pagv-vlog niya.




Matapos ang meeting sa company ay umuwi na rin ako agad dahil wala naman na ding gagawin sa office. Nagulat ako nang makitang bukas ang mga ilaw sa bahay which is unusual. Nandito ba sila Mommy? Bakit parang hindi naman sila nagsabi? Kinuha ko ang coat at bag ko mula sa front seat bago pumasok ng tuluyan sa loob.

Desiring Vince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon