Chapter 6

228 12 8
                                    

CHAPTER 6


"Mike are you dating Vince?"



Napatingin ako sa likod ko kung sino ang nagsalita.



"Why are you here?" Tanong ko sa kaniya.



"I asked you first,"



"There's nothing wrong dating him now answer my question, why are you here Ben?"



"Nakalimutan ko kasing iabot to sayo kanina sa carpark," Inabot niya sa akin ang phone ko. "Naiwan mo kanina sa restaurant," Agad kong kinuha ang phone ko at inopen 'yun.



"Salamat," Tugon ko sa kaniya.



"Mike bakit nasa labas ka- hey Ben?" Naguguluhang tumingin sa akin si Ate.



"Magandang gabi Ate Yesha, Mike forgot his phone at the restaurant hinatid ko lang dito."



"Sabi ko sayo always check your things before leaving a place e, kaya madalas kang mawalan ng phone e." Bumaling naman si Ate kay Ben. "Gusto mo bang pumasok saglit sa loob?" Tanong ni Ate dito.



Umiling naman kaagad si Ben, " Hindi na Ate, aalis na din po ako." Tumingin sa akin si Ben saka tumango. Sabay kaming pumasok ni Ate sa loob pagkatapos non.






After the LMNU sports event ay midterm na namin, panay ang aral ko at bihira na lang din kami magkita ni Vince. Minsan ay naguusap kami sa gabi pero saglit lang, bumiibisita din si Vince sa bahay kapag alam niyang hindi ako lumalabas para mag aral magrereview nalang din siya kasama ako.



Katatapos lang ng midterm namin at kasalukuyan akong nakapikit sa mesa ko dahil wala talaga akong tulog kagabi kakareview. Idinilat ko ang mata ko ng maramdamang wala ng tao sa loob saka ko inayos ang mga gamit ko dahil gusto ko na talaga matulog. Habang palabas ng room ay nakatingin ako sa phone ko ata binasa ang message ni Adrian sa akin.



From: Adrian

Night pub mamaya? Celeb. lang kasi tapos na ang midterm.



Napailing na lang ako saka nagreply ng pass, nagulat ako nang may humablot ng phone ko.



"Hindi ka sasama mamaya?" Bungad ni Vince saka binalik ang phone ko.

Desiring Vince (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt