Chapter 2

275 14 25
                                    

CHAPTER 2

It's 4 pm now and my last subject just ended. Gaya nga ng  sinabi ni Adrian kahapon nakisit-in nga ito sa klase ko. Inaayos ko ang gamit ko nang lapitan niya ako.


"It's weekend tomorrow Mike!" Panimula nito habang nakangisi sa akin.


"Uh-huh..." Sagot ko rito, pustahan mag-aaya 'tong magpunta sa bar, tsk.


"Let's go sa bar mamaya dali!" Excited niyang sabi sa akin. Hindi ko siya nilingon at pinagpatuloy ang ginagawa.


"No, magbabasa ako mamaya." Pagtanggi ko agad dito, magbabasa nalang ako ng mga lessons namin kesa pumarty.


"Come on! Just this one, tsaka bawasan mo nga kakalibro mo sige ka baka yan na makasama mo hanggang pagtanda!"


Tinignan ko ang kaibigan bago pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko. As if namang magkakajowa pa ako lalo na't ito ang kursong kinuha ko.


"Better then." I nonchalantly said. Nakita ko pa ang pagsimangot niya sa 'kin.


"Sige na pleaseeee, I promise you mageenjoy ka sige na sagot ko!" Tinignan ko ito at mariing umiling, kahit naman ilibre niya ako ay hindi ko rin naman maeenjoy lalo na't ang dami ko pang kailangang tapusin.


"What will I get kapag sumama ako?" Tanong ko rito, mabilis na nagliwanag ang mukha niya at parang tutang nakangiti sa amo niya. Siraulo talaga.


"I'll pay for the book you'll buy next time!" Magsiglang tugon nito pero umiling ako kaagad.


"Nah, I can pay for myself," Pangbabara ko agad.


"Aww come on! Ngayon lang naman e, sige na Mike! Hinahanap kana rin nila Luke!" Nang banggitin niya ang pangalan ni Luke ay wala na akong nagawa, he's a good friend of my Ate at matagal ko na rin itong hindi nakikita.


"Sige, you'll pay for me ha!" Sabi ko rito. Ngiting-ngiti naman si gago kahit pa sinabi kong siya ang magbabayad.


Bumalik muna ako sa bahay para magpalit ng damit, I'm wearing a white simple shirt at black na ripped jeans. Usapan namin ni Adrian ay magkikita kami sa tapat ng Night Pub malapit lang sa LMU.


Pagkarating ko roon ay nandoon na si Adrian kasama ang mga kaklase nito at ang iba ay namukhaan kong taga swimming club.


"Hey, sorry am I late?" Bungad ko sa kanila.


Binati naman ako ng mga kasama ni Adrian, kilala ko rin naman sila dahil minsan ko na silang nakasama sa inuman din noon.


"Mike! I thought you'll ditch me, tatawagan na sana kita eh!" Bungad ni Adrian, kaya tinawanan siya ng mga kasama namin.


"May mga kulang pa naman! Tara sa loob na natin sila hintayin." Saad ni Isaac, kaklase ni Adrian. Inakbayan naman ako ni Simon.


Desiring Vince (Completed)Where stories live. Discover now