Chapter 8

203 13 15
                                    

CHAPTER 8


After hearing all of those lies, sinabi ko sa kanilang dalawa na kung maaari ay 'wag na muna nila sabihin kay Vince na may nalalaman ako. Nung una ay ayaw pa ni Adrian pumayag pero napilit naman siya.



"Saan ka mamaya? Tambay ka muna sa condo ko! Wala si Luke e, busy pa tapusin mga plates niya." Adrian said. Napatingin naman ako sa kaniya, nandito kami ngayon sa student lounge ng department ko. Pinuntahan niya ako dito dahil mas malamig daw dito sa amin kesa sa kanila na crowded pa raw ng students.



"Ayoko nga maging third wheel sa inyo," Pagbibiro ko rito. Everything are going back to normal, iniiisip ko nalang na hindi nangyari ang araw na nalaman kong pasimple palang nagkikita silang dalawa. Maging si Luke at Adrian ay umaarte rin na parang walang nangyari. Nag start na din ang second sem sa LMU at medyo dumadami na ang gawain.



"Sus! Wala nga si Luke, gusto mo kain na lang tayo sa labas or baka may gusto kang bilhin na book samahan kita!" He said while smiling widely at me. Simula noon ay naging ganito na si Adrian sa akin which I think is hindi normal, he always asked to go with him sa condo man niya o sa mall.



"Tigilan mo nga ako, pupunta ako sa condo ni Vince mamaya." I answered. Bigla namang nabura ang ngiti sa mukha niya.



"Ayan lagi na lang si Vince gusto mong kasama minsan iniisip ko na kung kaibigan mo pa ba ako." May halong tampo niya pang tugon habang nakasimangot kaya napakunot ako ng noo sa kaniya.



"'Di bagay sayo,"



"Hindi? Sabi ni Luke okay naman daw, cute ko nga daw e." Umarte ako na parang nasusuka sa sinabi niya.



"Kadiri," I commented.



"O sige ganito na lang, lets go together sa condo nila. Puntahan ko nalang din si Luke." Tumango ako sa kaniya.



Nag convoy kaming dalawa since pareho naming dala ang sasakyan namin. Sabay naman kaming umakyat ni Adrian pero nauna akong bumaba dahil sa 8th floor lang ang condo niya samantalang kay Luke ay sa 9th floor pa. Dumaan din kami ni Adrian kanina sa isang cake shop para sa kanila, hindi ko alam pero parang kinakabahan ako ngayon. Palagay ko'y hindi tamang nandito ako ngayon, Vince doesn't know that I'm coming since I want to surprise him.



Pinindot ko ang door bell ng condo pero walang nasagot o nagbubukas, siguro nakatulog siya, nilabas ko ang key card para sa condo ni Vince para makatulog pa siya ng mas mahaba. Pag bukas ko ng condo niya ay madilim sa loob at tanging ang lampshade lang sa maliit na lamesa ang bukas. Nakasara ang mga kurtina at patay ang mga ilaw.



Binaba ko ang pinamili ko sa coffee table niya at nagtungo sa kwarto niya, I was humming a song silently while walking to his room. Hindi nakasarang mabuti ang pinto niya kaya natawa ako ng mahina dahil lagi niya akong pinapaalalahanan na mag lock ng pinto kahit sa kwarto ko lang at ang sliding door sa veranda ko pero isa rin naman siyang tamad mag lock. 

Desiring Vince (Completed)Where stories live. Discover now