Chapter 7

208 12 11
                                    

CHAPTER 7



"Mike can you help me, pakidala nitong  work books niyo sa faculty." I sighed hearing my name called by my english teacher.



Nauna siyang lumabas ng pinto, sinimulan ko nang dalhin ang work book namin sa subject niya. Medyo madami dahil kompleto kaming nagpasa at makapal pa ang work book namin dito sa subject na 'to. Hirap man sa pagbitbit ay pinilit ko pa rin.



Pag labas ko nang room namin ay narinig kong may nagsisitilian, siguro'y may bisita na naman ang LMU para sa nalalapit na event. Maraming tao ang nagsisitakbuhan sa daan at nagkalat din sila kaya hirap na hirap ako makisiksik sa kanila dahil sa bigat ng dala ko.



Nagulat ako nang may mabangga akong estudyante at nalaglag pa ang mga dala kong mga work book. 



"I'm sorry," Paumanhin ko sa nabangga ko dahil hindi ko rin nakita ang dinadaanan ko, nagsimula na akong yumuko para pulutin ang mga nalaglag na work books ng mga kaklase ko nang may kamay na tumulong sa aking pumulot ng mga work books.



"Saan mo ba 'to ihahatid? Tulungan na kita, hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko e." Ngumiti pa siya nang sabihin niya 'yun.



"Sa english faculty," Mahinang sambit ko rito, binawasan niya ang dala kong mga work books at tumingin sa akin.



"Sakto doon din ang punta ko e," Sagot niya kaya nagtaka ako dahil sa suot niya ay SHS student siya anong ginagawa niya sa JHS building? Nagsimula na siyang lumakad kaya sinundan ko siya at pinagmasdan ang likod niya, Siguro kilalang kilala siya sa building nila sa sobrang kisig ng pangangatawan niya at ang gwapo pa...



"Vince," tawag ng english teacher ko sa lalaking tumulong sa akin, lumingon sa akin si Miss at tumango. "Mike dito mo nalang ilagay, salamat ha."



Ngumiti ako at tumango kay Miss, nang ko ang ilapag work books ay ganoon din ang ginawa ng lalaki. Lumingon ako sa kaniya at nginitian siya, "Maraming salamat ulit, tsaka pasensya na sa kanina." He nodded at me.



After that incident with him lagi ko na siyang pinagmamasdan, he's well known dahil na rin sa swimming club siya. I even joined his fan club dahil crush na crush ko siya noon. I bet he can't recognize me now because it was three years ago. He's sporty, kind, talented, smart and handsome! Package na nga kung sabihin nila, walang rason para hindi ko siya magustuhan.



But the I stopped liking him when he announced his relationship with Chelsea, I tried to avoid him and I didn't have the courage to tell him that I like him. Ano namang kaibahan ko sa mga taong humahanga lang sa kaniya? But all of the doubt I've felt before changed when he suddenly said that he'll be hitting on me, that time gulong gulo ako. 

Desiring Vince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon