13 : Polymaths

20 5 0
                                        

Austin Alderdice

"What are you planning Seymour?" I whispered. Nasa harapan namin ngayon si Tatay Andres. Walang bakas ng kaba o anumang reaksiyon ang mukha niya, that I'm even suspecting if he's truly involved.

Nginitian lang ako ni Seymour bago humarap kay Tatay Andres. Gamit ang ngiti na pinapakita niya sa mga customer namin, inabot niya sa maliit na center table ang card niya.

Kinuha ni Tatay Andres ang card. "Arcanum?"

Nakangiting tumango si Seymour at itinuro kami ni Annika. "Kaming tatlo ay parte ng Arcanum. Nagtatrabaho kami para lutasin ang mga problemang kinakaharap ng mga kagaya mo," he said full of bravado.

Tipid na ngumiti si Tatay Andres at tinuro ang sarili. "Kagaya ko? Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ka normal na tao, Andres." Naglalaro ang mga ngiti ni Seymour nung ibinalandra niya ang litrato na pinahiram ko sa kanya, "Matagal ng naninilbihan ang pamilya mo sa pamilya nila. I have contacts on all types of family, and the Altamirano's are not the craziest out of all of them. Your family served their family for years, we're not stupid to believe na wala kang alam sa nangyayari."

Arcanum's connection to creatures and elementals are amazing. Dahil sa talino ni Seymour at lakas ni Annika nagagawa nilang utuin ang mga kliyente para pagkatiwalaan sila. Dabbling with families like those would put you under a time traveler's radar. Kailangan ko lang malaman kung sino sa mga tauhan ng Arcanum ang nakita at nakausap ni Abraham.

"Sabihin na nating totoo ang sinasabi mo. Ano ba ang gusto mong mangyari?"

Lumawak ang ngiti ni Seymour at sumandal sa sofa na inuupuan. "Trabaho. Gusto lang naman namin kumita ng pera sa legal na paraan."

"Wala akong kapangyarihan at pera para kunin kayo para sa trabaho."

"Oo, pero si Tatay Gus meron." Mas tumindi ang kunot sa noo ni Tatay Andres.

"Sinasabi mo ba na magnanakaw ako ng pera sa aking amo para kunin kayo sa trabaho? Nahihibang ka na ba?"

"Tatay Andres naman," natatawang tawag ni Seymour. "Nandito ako para solusyunan ang kung anong problema na kinakaharap mo. Ikaw na mismo ang nagsabi kay Austin na lagi kayong nagbabago ng mga kasambahay."

"Normal lang iyon sa malalaking hacienda gaya nito."

"Pero hindi normal sa pamilyang gaya nila." Mas naging sigurado ang pananalita ni Seymour, umalis siya sa pagkakasandal at inilapit ang mukha kay Tatay Andres. "Mataas ang sweldo at mababait ang mga amo. Wala silang dahilan para umalis dito. So tell me," he said with a smirk,
"Anong trabaho ang ibibigay mo sa amin? Not to brag but we solve a lot of problems brought by time travel. You could call us the polymaths of time or whatever."

Napailing ako sa ginagawa ni Seymour. Where did he get that kind of confidence? Isang bagay lang ang sinabi ko sa kanya bakit parang mas may alam pa siya sa akin?

Napatingin ako kay Annika na kumakain ng lollipop at nakatingin sa kawalan. Hindi imposible na lumaki si Annika na walang modo dahil kay Seymour. Siguro hanggang ngayon sasagot sagot pa rin siya sa matatanda kung hindi lang naturuan ng ayos.

"I thought we came here dahil sa bad luck ko?" Bulong ko ulit sa kanya. "Akala ko nagmamadali ka dahil nag-aalala ka?"

"Malilimutan ko na yung idea ko kung hindi tayo nagpunta agad dito." Bulong niya pabalik. "At isa pa, kung hindi ko gagawin to baka bayaran ka lang niya ng magkanong halaga para patahimikin."

"San mo naman nakuha 'yan?" Imbes na sagutin ako kinindatan lang ako ng hunghang at mas itinuon ang atensyon sa nag-iisip na si Tatay Andres.

"Bueno. Ayos lang ba na magsimula kayo at hindi kasama ang ibang miyembro ng inyong grupo?"

Arcanum: Polymaths of TimeWhere stories live. Discover now