5 : A Strange Case of Hotel Zombies

36 6 0
                                        

Austin Alderdice

"Annika?" The long haired child looked at me forlornly. "Tara na."

She looked back at the tall gates where Lycans lived before entering the car. Lumuhod si Annika sa upuan at malungkot na tumingin sa labas. 

I chuckled to myself as I entered the shotgun seat. Naiintindihan ko na ang mood ni Annika despite the fact that nothing shows on her face. 

"What are you sad about? Pwede mo pa namang bisitahin si Philo?" She ignored what I said at tumuloy sa ginagawa niya. 

"Annika umayos ka ng upo. Hindi kita papayagan bumisita sa kanila sige ka." Mabilis na umayos ng upo si Annika at kinandong ang mahiwagang suitcase ni Seymour.

"May kotse ka pala?" Ngumiti si Seymour sa'kin mula sa passenger seat bago ipinakita ang blackberry niya.

"I got paid kid."

"Asan ang sweldo ko?"

"What's your bank account?" Ibinigay ko sa kanya ang bank account ko at nagulat sa biniga niyang pera.

"Shocked?" 

"Very! 5 figures sa isang trabaho?"

He chuckled before parking on the street. Napatingin ako sa labas at nagulat na nasa harap na kami ng arcanum.

I saw werewolves, witches, shapeshifters just yesterday dapat hindi na ako magulat. Damn it Abraham. Ano bang ginawa mo sa mundo?

"At pinaghatian pa natin yang tatlo. You made good choices on your career, young Austin. That reminds me," Tumigil siya sa pagbukas ng pinto ng arcanum at humarap sa akin. "Anong trabaho mo before?"

"That's a secret."

"Ang boring mo naman."

"Then tell me about Annika. Bakit ganyan mukha niya?"

"Wow parang wala ako dito ah." Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya at ginulo ang buhok nito.

"Facial paralysis," mabilis na sabi ni Seymour. 

Iniwanan niya kami at dumiretso sa collection room niya. Umupo si Annika sa upuan niya sa counter at ipinatong ang ulo sa mga braso niya.

"Namiss mo na si Philo?"

"Hindi ka sure?" Maarteng tanong niya.

I chuckled at her answer, "You want something to hug?"

Napaisip siya bago tumango. She's been doing nothing but hug Philo for weeks. 

Philo and Ingrid are doing better. Maari nang mahawakan ni Ingrid ang anak niya pero ang kapalit noon ay ang pagkamatay ng kapatid niya. Their pack had troubles after what happened yesterday. Magkakaroon sila ng kompetisyon para alamin kung sino ang susunod na magiging alpha. 

On the part of the witch, Violet, they let bygones be bygones. Ipinabasa namin ang parte ng kwaderno ni Abraham sa kanya. Ang alam namin ay balak niyang bumalik sa Salem, Massachusetts kasama ang panther niya na si Gavan. 

Arcanum: Polymaths of TimeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant