Chapter 32

1.9K 88 23
                                    

Jamie





" And do you think having a date is a valid reason to skip the practice? Where is the professionalism in there? " Drake told us. Napayuko na lamang ako at pinabayaan na si Leo ang sumagot tutal siya naman itong nagsimula.






I don't know what's running on Leo's mind right now pero hinayaan ko na lamang ito 'cause I cannot even look at Drake at this moment, ang sumagot pa kaya sa kaniya?






" We are celebrating our first day as a couple captain, and we asked coach doug kung pwede ba kaming lumiban muna sa practice to enjoy our day, sakto at napadaan ka na lang din naman dito at dahil may respeto naman po kami sa iyo captain ay mas mabuting personal kaming makakapagpaalam sa 'yo. " Jusko! Ano ba naman itong mga pinagsasabi ni Leo! My ghad!






Ilang segundo atang natahimik si Drake bago ito muling magsalita.





" The hell I care. Go enjoy your day faggots. " ang dinig kong sambi nito bago pinagpatuloy ang paglalakad. Mukhang na offend naman si Leo at akmang hahabulin ito pero pinigilan ko na lang at baka kung ano pa ang gawin niya. Ramdam ko kasing kanina pa ito nanggigigil kay Drake.







Pero bago pa man makalayo si captain ay may sinabi pa si Leo na ikinatigil niya.





" Well, thank you captain for letting us ENJOY our day. At magpapaalam na rin kami para bukas. Baka hindi makakapagpractice si Jamie, mukhang papagurin ko kasi ito mamaya eh, and don't worry captain, papanagutan ko naman si Jamie like a REAL MAN should do. " Ang sabi ni Leo bago ako nito hinila paalis.








Nang makalabas kami ng school ay isang malakas na hampas sa braso agad ang pinadapo ko dito.








" Walangya ka! Anong ka kornihan at kapunyetahan ang sinabi mo kanina ha? Jusmiyo Leo! Nakakahiya ka! Baka sabihin non mag-jowa tayo! " inis kong singhal sa kaniya. My ghad! Baka sabihin ni Drake na sobrang landi ko at nagka-boyfriend agad ako pagkatapos ako nitong magalaw.






" Iyan nga ang plano ko! Hindi mo kasi tiningnan ang expression ng mukha ni captain nang sinabi kong magde-date tayo! Para akong kakainin ng buhay haha! " tumatawang sambit nito habang hinihimas ang brasong hinampas ko kanina.






" At sa tingin mo magkaka-pake 'yon sa akin? Ayaw kong umasa Leo. " sagot ko naman sa kaniya.







" Tsk! Pinamukha ko lang naman sa gagong 'yun ang katarantaduhang ginawa niya sa 'yo and besides, hindi magiging ganoon ang tingin niya sa akin kung wala rin itong nararamdaman para sa 'yo. Trust me Jamie, alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin na 'yon. He saw me as a threat! " anong kapunyetahan ang pinagsasabi nito?







" Please, stop na Leo. Ayoko nang umasa pa. Titigil na 'ko sa paghahabol sa kaniya. " hay! Mabigat pa rin pala sa loob 'pag sinabi kong titigil na 'ko sa paghahabol kay Drake. Mukhang ang hirap, pero dapat kayanin. Kinaya ko nga nota niya eh! Char! Ayan bakla! Kaya ka napapahamak eh!






" Just trust me with this one Jamie, please? Just one week. Diba binigyan ka ni coach ng one week na pahinga? Bakit hindi natin gawing makabuluhan 'yan? " nagtaas baba pa ito ng kaniyang kilay habang nakangiti sa akin. Ano na naman bang pakulo ang gusto nitong mangyari?








" Ano ba'ng gusto mong mangyari ha? Diretsuhin mo nga 'ko! " andami pang kuda eh!






" Let's pretend to be a couple. Tingnan lang natin kung hanggang saan dadalhin ng selos si captain. " ang seryosong sagot nito sa akin. Bigla naman ako napahalagapak ng tawa dahil sa biro nito.









Chasing Drake MontecilloWhere stories live. Discover now