Chapter 9

1.4K 90 1
                                    

Jamie


Nagising ako ng may mabigat na dinadala sa aking dibdib. Parang naubos 'yung energy ko kagabi noong mag-usap kami ni Drake at kahit ang pagtulog ay walang nagawa para bumalik ang sigla ko. Ikaw ba naman harap harapang e-reject? Siya lang yung taong paulit-ulit akong nirereject at ako naman si tangang biniyayaan ng makapal na mukha at talagang ayaw mag give up.

Pinag-isipan ko ring mabuti kung ipagpapatuloy ko pa ba ang paghahabol kay drake at dahil nga sa likas akong tanga at marupok pagdating sa kaniya, gagawin kong paraan itong pananatili niya sa hacienda para mapalapit sa kaniya, baka sakaling mahulog siya sa akin.. hihihi. By just thinking about it, bigla akong na excite kung ano ang pwedeng gawin habang nandidito siya.

Pababa ako ng hagdan nang maabutan ko si yaya na naghahanda ng almusal. Maaga kasi akong nagising, early bird ika nga. Niyakap ko si yaya at binati ito.

" goodmorning ya, asan sila Mom? " tanong ko kay yaya belen.

" Pumuntang tubohan iho, kasama nila ang bisita nyo, 'yung pogi? " naku ya! Lantod ha, akin na 'yang si drake, huwag ka ng sumawsaw pa hmpp.

" Ahh ganon po ba? Tulungan na kita diyan ya"pagpepresinta ko, marami rin naman silang nagluluto pero nakagawian ko na atang tumulong sa mga gawain dito sa mansion.

Mukhang maagang umalis si drake. Nakalimutan kong hindi pala bakasyon ang punta niya dito ahhaha. Siguro mamaya ko na lang siyang aayain na mag liwaliw sa villa. For sure sasang-ayon rin naman sila mom na aliwin ko ang bisita.

Pagkatapos kong mag almusal ay pumunta muna ako ng rancho para paliguan si Bob.

Pagkarating ko ay pinapaliguan na pala ito ni Terry, nakahubad ito at tanging pantalon na kupas lang ang suot. Nangingintab ang katawan nito sa pawis at tubig dulot ng pagpapaligo kay Bob. Actually hot rin naman 'tong si terry, ang kaso nga lang ay parang kapatid na ang turing ko sa kaniya, nakakatandang kuya na kaya akong ipagtanggol sa mga mang-aapi sa'kin.

Pagkarating ko sa kinaroroonan niya ay binatukan ko ito kaagad.

" Papaliguan ko sana 'yang si Bob e! Inunahan mo'ko, bonding na sana namin 'yang pagliligo.. " inis kong sabi sa kaniya.

" hahaha sorry , nakasanayan ko lang na paligu-an si Bob tuwing umaga. Teka, nakakain ka na ba? May pagkain don sa mesa , tara samahan mo 'kong kumain, tapos na rin naman 'tong pagpapaligo ko sa alaga mo. "

" tapos na 'kong kumain, samahan na lang kita, wala na rin naman akong gagawin. " at hinila na niya 'ko papuntang hapag.

Kakain na sana ito ng bigla ko siyang sita-in.

" Oh? Kakain ka ng nakahubad? Magsuot ka nga ng damit, " nababastusan kasi ako sa mga taong kumakain ng nakahubad.

" heto na po, susuotin na. " sabay suot niya ng kaniyang sando.

"Pagkatapos mo diyan maligo ka, samahan mo'ko sa bayan, may mga bibilhin lang ako."

" Okay , pero mabilis lang tayo aa? May trabaho pa kasi ako mamaya, alam mo na, sabado " tumutulong kasi ito tuwing weekends sa rancho. Biniyayaan kasi ito ng taglay na kasipagan na tiyak ko ay namana niya sa kaniyang ama.

Pagkatapos mag-ayos ni Terry ay agad kaming pumunta sa bayan. Bibilhan ko kasi ang bruhang si erica ng regalo, birthday na kasi nito sa lunes eh inaapura na ako kesyo dapat daw maganda ang ireregalo ko sa kaniya,kung pwede lang daw ay ilagay ko sa kahon 'yung mga paborito niyang kpop idols.. tsk.

Pagkarating namin sa bayan ay nakita ko kaagad ang isang pares ng sandals. Maganda yung disensyo at mukhang high quality, tanyag kasi ang bayan namin sa paggawa ng nga sapatos, sandals, at tsinelas na magaganda ang disenyo at matitibay.

" Kuha ka ng gusto mong bilhin Terry, sagot ko na "  sabi ko kay terry. Mukha kasing natitipuhan niya 'yung isang tsinelas kaso may kamahalan ito, alam ko naman kasing nagtitipid ito kaya nagtitiis na lang ito sa butas butas niyang tsinelas.

" n-naku, huwag na, wala naman akong natipuhan sa mga binibenta dito. " kung hindi ko pa talaga to kilala. Sus nahihiya lang to sa akin. Kaya dinampot ko 'yung isang pares ng tsinelas at pinasuot sa kaniya.

" Oh , sukatin mo, baka magkasya yan sayo "

" Naku, Jamjam huwag na, maayos pa naman 'tong tsinelas ko , di ko pa kakailanganin ng bago " pangangatwiran nito.

" Terry pag ako mainis ha! Nakuu.. isusuot mo o kokonyotan kita ng malakas sa noo? "  at wala na nga siyang nagawa at sinuot na niya ito.
Binayaran ko na rin yung mga pinamili namin at saka umuwi na ng hacienda.

" salamat pala dito Jamjam aa,di bale pag nagkapera na ako ay babayaran kita, "

" Shut up na okay? Tinutulungan kita dahil kaibigan kita, di ako naghihintay ng kapalit, simpleng tsinelas lang yan naku! " at tumahimik na nga ito haha.

Sa tagal na kasi naming magkakilala nitong si Terry ay alam ko kung gaano kahirap ang kanilang pamumuhay. Hindi naman ako mapagmata kaya kahit malayo ang estado ng aming pamumuhay ay kinaibigan ko pa rin ito. Sinasabi pa nga ng mga batang kalaro ko noon na baka daw pineperahan lang ako ni Terry , nagalit ako sa kanila kasi di naman nila kilala si Terry ng lubusan, kaya hindi na rin ako nakipagkaibigan sa kanila. Kahit isa lang ang maituturing kong kaibigan dito ay sapat na para sa akin 'yon basta ba't tunay na kaibigan.

Nang makauwi na kami ay sinalubong ako kaagad nila Mom.

" Jamjam, samahan mo nga itong si drake maglibot-libot sa villa, pumunta kayo sa mga mgagandang pasyalan dito, para at least bago man lang umuwi itong anak ni kumpare ay makakapag unwind muna siya dito sa atin. "

OmO, ayan na nga, sinasabi ko na nga ba. Hahahah.. mukhang magkakaroon kami ng quality time ng soon to be boyfie ko aa..

" Sige po mom, " sabay flash ng sobrang laking ngiti. Wala na rin nagawa si drake at sumang-ayon na lang kay mudra marahil ay nahihiya ito.

" Isama niyo na lang si terry kung gusto niyo " dagdag ni papa..

" naku tito, nakakahiya namn pong tumanggi pero tutulungan ko pa po kasi si tatay mamaya, baka di po ako makasama sa kanila " kaya bestfriend kami nitong si Terry e! Marunong makiramdam, chos! Hahaha

" Okay lang dad, alam ko naman po ang pasikot-sikot dito sa villa, uuwi rin kami kaagad bago pa magdilim."
Sabi ko kay dad na ikinatango niya lang.

Chance ko na 'to para makapag moment moment kay baby Drake ko, kahit anong pilit mong pagtaboy sa akin ay babalik at babalik pa rin ako saiyo. Tadhana na ang naglalapit sa atin baby boy ko hihihihihi.



Itutuloy...

************************************

PLEASE VOTE AND COMMENT GUYS!
Thank you!!

Also check my new story entitled "Wild Heat" it is an R-18+ story, and if you're into reading erotic m2m then maybe wild heat is your cup of tea.

Chasing Drake MontecilloWhere stories live. Discover now