Chapter 6

1.6K 85 1
                                    

Jamie

" Mali! Hindi tama ang pagkaka execute ninyo "

" Balance! Proper posture sa pagsipa!"

" hindi ganiyan! Matutumba kayo pag pinagpatuloy niyo pa yan!"

" huwag sipain ng malakas. "

Ilan lamang 'yan sa mga sigaw ni Drake. Halatang halata sa napakagwapo nitong mukha na sobrang dismiyado siya.

" Break! I'll give you a Fifteen-minute break, drink your waters, pagbalik niyo ay dapat marunong na kayo, we've been doing this a week already yet simpleng execution lang ay di niyo alam!"

Pagalit na turan nito, kanina niya pa kasi kami tinuturu-an, specifically me dahil talaga namang walang ka sporty sporty na nananalantay sa dugo ko. Gosh! I was born to become a beauty queen not a SOCCER PLAYER pero nang dahil kay Drake ay sinubukan ko pa rin tong lecheng larong to.

" Are you alright? " tanong ni Leo sa'kin. Buti pa tong si Leo, marunong na kaagad kaya di niya na kailangan mag practice ng basics, naglalaro na kasi ito noon pang highschool kaya may alam na ito sa soccer.

" O-okay lang, medyo nakakapagod, isang oras ba namang patakbo takbo tapos pasipa-sipa ng bola, "
sabi ko dito na medyo hinihingal pa.

Jusko! Eh halos patayin na kasi kami ni Drake sa matindihang practice, wala na nga akong time para landiin siya kasi after ng practice ay sobrang lowbat na 'ko kaya derecho uwi na. Di na kami nagkaka-abutan dahil ang practice nila ay hanggang alas nueve habang kami ay hanggang alas siyete lang ng gabi.

" He's just being tough, alam mo naman sigurong sila yung nanalo last year diba? They put a lot of efforts para sa larong to dahil na rin sa pinepressure sila ng paaralan, kasama na rin ni coach. " sabi ni Leo.

Gustong-gusto kasi talaga nilang mag grand slam sa larong to.

Bilang team captain ay si Drake yung nagtuturo sa aming mga baguhan, sa kaso naman nila ay si coach Fred ang nagtuturo.

" Kaya dapat nating pag igihan ang pag eensayo" dugtong pa niya.

Napa-irap na lang ako.  Kung di lang talaga dahil kay Drake ay nakuuuuuu! Baka wala ako ngayon dito at nagliliwaliw na lang sa kung saan saan.

Pagkatapos ng fifteen minutes break namin ay agaran kaming bumalik sa soccer field. Tuloy-tuloy pa rin ang matindihang pag eensayo, kahit lupaypay na ang katawan ko ay pinipilit ko pa ring mag ensayo sa kadahilanang ayaw kong ma dissapoint sa'kin si Drake. Papatunayan ko na isa akong matiyaga at hardworking na tao, baka sakaling mapaibig ko siya sa ganitong pag-uugali.

Sa kalagitnaan ng laro ay bigla akong tinamaan ng lintek na bola sa mukha.

Napatumba ako't hilong-hilo hanggang sa maaninagan kong napapunta silang lahat sa kinalalagyan ko. At tuluyan na nga akong sinakop ng dilim at nawalan ng ulirat.

***

Pagkagising ko ay tumambad sa akin ang puting kisame na sa tingin ko ay pagaari ng isang klinika..

Medyo nahihilo pa 'ko noong bumangon ako sa kamang hinihigaan ko.

" Oy! Gising ka na pala, maayos na ba ang pakiramdam mo? " tanong sa akin ni Leo na nandidito lang pala sa aking tabi. Siguro siya yung nagbantay sa'kin habang natutulog ako dito.

Na touch naman ako, sino ba namang di ma ta-touch e sobrang pogi ng nakabantay sakin plus alalang alala talaga yung mukha niya, naku! Baka crush n'ko neto, ayaw lang aminin. Hahaha

" ahh , oo medyo nahihilo lang ako, teka anong oras na ba?  "Tanong ko dito, baka kasi di pa tapos yung practice at baka ma sermunan kami ni Drake.

" alas otso na ng gabi, pinapasabi na rin ni captain na bantayan na lang kita dito at huwag na munang bumalik sa practice. Napagalitan na rin yung nakatama sa'yo sa mukha. Siya rin pala yung bumuhat sa'yo papuntang clinic.  Ayieeee, alam mo bang alalang alala kanina si captain habang nakatingin sa bulagta mong katawan?" Sabi nito na talagang nakapagpagulat sa akin.

" weh? Totoo? Di nga? Baka ikaw yung nagdala sakin dito? Sinabi mo lang na si captain para kuno kiligin ako?" Alam na rin kasi ni Leo ang pagka gusto ko kay Drake kaya di na'to lingid sa kaniya.

"Seryoso! Peksman, mamatay ka man hahahah.. oh kiligin ka muna diyan, tatawagin ko lang yung nurse para makalabas ka na dito , sabay na rin tayong kumain, nagugutom na'ko e, libre mo'ko ha, ang tagal ko kayang nagbantay sa iyo dito. Ginutom mo ako ng matindi tsk2. " sabi neto bago lumabas.




Oh em geeee.



Kung totoo talagang si Drake yung nagbuhat sa akin papuntang clinic.



Waaaaaaaaaah! I kennaaaaaaaat!


Like wtf??

Para akong damsel in distress na iniligtas ng kaniyang Knight in shining armour. 

Pwede na'kong mamatay. Charot di pa pala pwede, di dapat ako mamamatay na virgin.

Pagkarating ng nurse ay pina-inom niya muna ako ng pain killer at saka hinaayan ng makalabas ng clinic. Sabi ko naman kay Leo ay hintayin na lamang ako sa Cafeteria dahil gusto kong magpasalamat muna kay Drake ng personal bago umuwi.

Pagkarating ko sa Field ay saktong sakto, katatapos lang nila mag practice at naghahabilin na lang si coach Fred ng mga kung anong puwedeng gawin bukas.

Pagkatapos nila mag meeting ay hinintay ko munang umalis lahat bago humarap sa prince charming ko. Hihihi.

Pagkakita niya sa akin ay aalis na sana kaagad ito ng bigla ko siyang harangin.

" a-ah s-sandali. " nauutal kong pagpigil sa kaniya.

Tiningnan niya lang ako ng may pagtatanong na tila ba hinihintay niya kung ano man ang nais kong sabihin.

" G-gusto k-ko lang p-palang magpasalamat sa p-pagdala sa-kin sa clinic. " nauutal at nahihiya kong sambit dito

Gosh, ngayon pa talaga ako nahiya sa kaniya sa kabila ng mga walang-hiyang pagpapapansin ko sa kaniya noon.

" 'Yon lang ba? Obligasyon ko kayong lahat ng mga miyembro, kaya pag may masaktan o madisgrasya sa inyo ay responsibilidad ko. " sabi niya.

Okay, ako lang talaga yung nag assume na tinulungan niya ako baka ay dahil may gusto na rin ito sa akin. Di naman masiyadong masakit, slight lang.

" ahh, g-ganon ba, but still I am really thankful kasi napaka responsable mong team captain, at huwag kang mag-alala, responsibilidad ko ring alagaan ka pag tayo'y maging mag-asawa na" pabulong kong sinabi yung huli na mukhang di niya rin naman narinig.

" Tinatanggap ko na ang pasasalamat mo, pwede ka nang umuwi at marami pa akong aasikasuhin. " sabay talikod nito sa akin at umalis na.

Napaka suplado talaga sakin ng baby ko. Huhu.

Hay, blessing in disguise rin pala yung pagkakatama ng bola sakin kanina . Magpatama kaya ulit ako bukas? Hahaha

Umalis na rin ako ng field para puntahan sa cafeteria ang damuhong si Leo. Nakalimutan ko  palang magpasalamat sa kaniya kanina dahil sadyang na overwhelm lang ako sa katotohanang binuhat ako ni Drake..

Aaaaah.  Sana pinicturan man lang kami ni Leo! Tsk2

Mukhang magiging maganda ang tulog ko mamaya at baka mapanaginipan ko pa yung nangyari kanina samin ni baby Drake ko..hihihi.

Magiisip na rin ako ng pwede kong ibigay sa kaniya bukas. Pagpapasalamat na rin sa pagtulong na ginawa niya sa akin kanina.





Itutuloy...

************************************

PLEASE VOTE AND COMMENT GUYS!
Thank you!!

Chasing Drake MontecilloWhere stories live. Discover now