Chapter 12

1.5K 80 30
                                    

Jamie


" Pucha? Seryoso yan besh? Magkasama kayo ni drake sa kotse? Aba't sinabi ko na noon pa sa 'yo na masama ang panggagayuma! Bakit mo pa rin tinuloy? " eksaheradang sambit ng walangya kong beshie na si erica, pagkatapos kong bigyan ng sandals? Aba, walanghiyang to ! Wala man lang utang na loob! Palihim kasi akong kumuha ng litrato namin ni drake habang nag da-drive ito, buti na lang at di niya napansin haha.

" Hoy gaga! Hindi ko siya ginayuma ano, ganda lang puhunan ko diyan besh!hihi" sabi ko sa kaniya. Niloloko ko kasi ito na nag date kami ni drake, hindi ko sinabi na sinabay lang ako nito pabalik ng maynila..hahaha

" lokohin mo neknek ko! 'Yung totoo? Eh never ka namang pinansin non? " aray naman. Di talaga supportive 'tong gagang to sa lovelife ko.

" Oo na! Sinabay lang ako pabalik ng maynila, mukhang magiging business partners kasi mga parens namin at siya 'yung pinaasikaso ng mga papeles. Don rin siya natulog sa mansion." Pagpapaliwanag ko dito.

" Di mo naman siya siguro ginapang besh no? " may pagdududang tanong nito.

" Gaga! Malandi lang ako pero hindi ko siya pinagsamantalahan no, baka mabugbog ako or worse ay baka sipain ako ni mom at dad palabas" naisip ko rin namang gapangin siya habang natutulog pero may konsensiya pa naman ako,kaya baka next time na lang.chos..hahahha

" Oh? Ngayon bakla? Sabihin mo sa akin? May improvement na ba sa relasyon niyo? You know, from being stalker ay naging friend ka na ba niya? " tanong nito sa akin.

" 'yon na nga friend, Ganon pa rin ang pakikitungo sa akin, cold pa siya sa north pole, ayaw naman akong gamitin pampainit, hayyy!" Dismayado kong sagot sa kaniya.

Wala naman kasing pinagbago sa ugali niya noong andon kami sa villa,masungit pa rin ito sa akin at parang nandidiri. Gosh! Sobrang ganda at sexy kong bakla para pandirihan ano! Ewan ko, di talaga gumagana ang taglay kong ganda sa straight na si Drake.

" Okay lang 'yan baks, marami pa namang time, at least nagka-moment naman kayo kaya okay nang panimula 'yon" pampalaks loob niyang sambit sa akin, naikuwento ko rin kasi 'yung nangyari sa falls.

" Hay, sana nga. " ang nasabi ko na lang.

Pagka-time ay sabay na rin kaming pumasok ni erica para sa susunod naming subject.

***

Shit.

Dali dali akong lumabas ng room noong makita kong 5:30 na ng hapon.

Papunta ako ngayon sa soccer field para sa gaganaping practice at late na ako ng tatlumpong minuto! Nyeta kasing guro namin, sa dinami rami ng kaniyang studyante ay sa akin pa humingi ng tulong para sa ginagawa niyang power point presentation, buti sana kung may plus sa grades pero wala!

Parang mauubusan ako ng hininga nang marating ko ang kinaroroonan ng soccer team.

Napahinto ang lahat sa kanilang ginagawa at malamlam na tumingin sa akin. Pero isang pares ng mga mata lamang naka tuon ang atensiyon ko. Mababanaag ang disgusto sa nagbabagang mata nito.


Patay.


Ayaw na ayaw niya pa naman sa mga late. Di rin valid ang reason ko kasi pwede naman akong humindi doon sa guro para sabihing may practice kami. Gooooosh! Mukhang galit na galit ang bebequoh..

Takot na takot akong humakbang papunta sa captain namin habang nakayuko.

Noong makarating na ako sa puwesto niya ay nagsalita ito kaagad.

Chasing Drake MontecilloWhere stories live. Discover now