Chapter 14

1.5K 81 7
                                    

Jamie

" Jamie sige naaaa! Pumayag ka na please? Para naman 'to sa club natin eh, alam mo namang tayo ang inaasahan ng mga seniors para sa darating na Foundation Week diba?kaya sige na! " pagpupumilit ni Rose, kasama siya namin sa soccer team at newbie rin siya katulad ko, and siya ang naatasang mag facilitate ng aming booth this coming Foundation Week. Ang mga baguhan sa soccer team talaga ang pinagpa-facilitate nitong aming booth, kasama na rin daw ito sa initiation ng team.





" Eh? Ayaw ko ng theme! Hindi ako nagsusuot ng mga pambabaeng damit! Like, okay, I admit, I AM GAY but I don't do Crossdressing! Kayo na lang kasi! " kanina pa kasi ito nagpupumilit na isali ako as one of the waitresses para sa booth namin, it was inspired by the Japanese anime ' Maid Cafè ' . Like duh? I know that I am cute and irresistable but I cannot deny the fact that I am still a man! And I am not comfortable of wearing Feminine outfits for God sake!!





" Jamie naman eh! Alam mo namang lima lang kaming babae sa soccer team diba? Ayaw pa sumali ng tatlo kasi mga tibo! Kahit anong pilit ko sa mga 'yon ay ayaw talaga sumali, you are my last resort jamie! We are doomed pag di ito natuloy. " pagmamakaawa pa ni Rose sa akin, naiiyak na rin ito dahil sa pressure na inihabilin sa kaniya.


" Bakit ba kasi ito yung napili niyon concept eh alam niyo namang kulang na kulang tayo sa babae? " inis kong tanong dito. Pwede namang kissing booth? Or photo booth? Marami namang good looking sa team so magiging mabenta talaga ang mga ganoong pakulo.



" Actually I suggested already a lot of themes to our seniors, pero dahil daw parang common na lang 'yung mga recommendations ko ay sila ang pumili ng magiging theme ng ating booth, and they have decided to do a Cafè booth, marami kasing mahilig mag kape na estudyante, and they put some twist and that is to reinact the anime series ' Maid Cafè ' by wearing cute maid outfits, hindi na rin ako nakipagtalo kasi nginitian ako ni captain at napa oo na lang ako. " Ay ganun! Nadala pala sa landi ang gaga kaya wala nang nagawa. PWES! Ibahin niya ako, kahit pa si Drake mismo ang pumilit sa akin ay di ko pa rin ito gagawin.



" Any problem in here? " Rinig kong sambit ng isang baritonong boses.




Napalunok kaagad ako ng tingnan ko kung sino ang nagmamay-ari nito.





Gosh! Hampogi talaga ni drake...hihihi.





" Ahh, kasi captain pinipilit ko pong sumali si Jamie para sa booth natin, kinulang po kasi tayo sa babae kaya kailangang kailangan namin ng pandagdag, kahit isa lang, di kasi namin kaya kung dalawa lang kami, pero mukhang ayaw po ni J-- " Hindi ko na ito pinatapos nang takpan ko ang kaniyang bibig. Nyeta! Mababad-shot pa ako sa bebeloves ko ng dahil sa bunganga ng Rose na to e!




" Ahhh, Napa-OO nga agad ako captain ng tinanong ako ni Rose eh! Alam mo na, para sa Team ay gagawin ko talaga ang lahat, hehhe, gustong gusto ko nga 'to e, pangarap ko rin kasing maging isang maid kahit isang linggo lang.. he he he " Mabilis kong saad dito, napatingin naman sa akin si Rose na parang di makapaniwala sa kaniyang narinig. Kahit nga ako eh! Kanina lang ay halos isumpa kong hindi ako sasali sa pakulong ito, pero dahil sa Taglay kong landi ay masasabi ko na lang na ' Wala nang atrasan to! '





" Good to hear that, this will serve as our fund raising as well, so I hope that all of you will do your Job effectively, we need to Accumulate enough money para meron tayong fund sa team, okay? Malapit na rin kasi ang competition." Drake said bago tumalikod at bumalik sa practice nila. tengene..mukhang mapapasubo ako ngayon aah! Buti sana kung yung kay drake ang maisusubo ko, charot.





" Hoy! Ano yun bakla? Kulang na lang lumuhod ako sa asin at lumuha ng dugo mapa OO ka lang , pero nang nagsalita na si captain ay walang kemeng umoo ka, take note, ang pabebe pa ng OO mo! Malantod ka bakla! CRUSH mo si captain noh? " mahabang sabi nito sa akin. Ang daldal, hablutin ko dila mo eh! Di naman kami close, tsk. Asan na kasi ang Leo na yun, napasubo tuloy ako dito.





" Eh wala eh! Alangan namang humindi ako! Eh baka paalisin pa ako ni captain sa team, atleast umoo na ako diba? So what's the big deal? Maging masaya ka na lang pwede? " kunwaring inis kong turan dito, dzuh! Ganyan talaga pag nagmamahal, gagawin mo ang lahat kahit pa na labag sa loob mo, hay!





" Well, Thank you bakla, for sure magugustuhan mo 'tong theme natin, hahahah " sabi nito sabay yakap sa akin. Napairap na lang ako.





" Whatever "









***

Di nagtagal ay dumating na rin si Leo na may dalang Snacks, may 30 minutes na break kasi kami, sana pala sumama na lang ako sa pagbili niya kanina, napuntusan pa tuloy ako ni Rose.




Kinuwento ko naman dito ang nangyaring paguusap namin ni rose kanina, at ang hinayupak ay grabe kung tumawa. Saksakin ko lungs mo ng straw eh!





" Gago ka, ba't kasi antagal mo, 'yan tuloy ako ang napagdiskitahan, ehhh! Pano ba yan! Next week na 'yon! Nahihiya pa naman din ako! Sumali ka na rin kaya? Ang daya mo! Newbie ka rin naman ah? " inis kong turan dito sabay hampas sa braso nito, well , chansing chansing muna pag may time, antigas eh..hahah





" Alam mo namang isasali ako sa laro diba? Kaya mo 'yan, bibisitahin na lang kita pagkatapos ng laro namin, first and second day lang naman yon ng foundation week, and I can't wait to see you wearing a cute Japanese maid outfit. Hahaha, ano kaya ang magiging hitsura mo? Hahahaha, just imagining on how you look like wearing one with a smug look on your face really makes me laugh so hard! Hahahhahah " pang-aasar nito sa akin, punyeta talaga nito! Kinurot ko nga sa tagiliran, ayon napa araw ang gago! Buti nga. May magaganap rin kasing laro ang soccer team, friendly game lang sa tatlong karatig na schools at dahil sa taglay na galing nitong si Leo ay exempted ito sa initiation dahil isasali siya sa laro.





" Ang sadista mo talaga " sabi nito sa akin habang hinihimas ang tagilirang kinurot ko.





" Eh sa mapang-asar ka eh! Alam mo namang napilitan lang ako.. " nanlulumo kong sambit sa kaniya. Bakit pa kasi lumapit si Drake sa amin eh!






" Cheer up! Enjoyin mo na lang, atleast diba? Drake can count on you para sa darating na foundation week? At magiging good shot ka talaga kay Drake dahil tumulong ka para sa fund raising ng Club. Just think of the Pro's of this thing okay? " pagpapalakas loob nito sa akin, sus! Alam ko namang ineechos lang ako nito!




Para tama nga naman siya, maybe I'll just think positive about this coming foundation week, well, baka ito na rin ang way para mapansin ako ni Drake and he will not see me as his stalker but a cute and Pretty genie who will do everything just for his own good.









Ehhhhh! Hirap magmahal pag one sided love!









Itutuloy...

************************************

PLEASE VOTE AND COMMENT GUYS!
Thank you!.

I'm going to update the chapter 15 later..  hehe .pambawi sa matagal na bakante hahaha

Chasing Drake MontecilloWhere stories live. Discover now