Chapter 18

10 0 0
                                    

****
Jastine

"San kayo ngayong undas?"

Nandito kami ngayon sa canteen para kumain nang snack. Kasama namin sa isang table sina Kirt dahil sya ang nagyaya kumain. Hindi naman s'ya tinanggihan nitong mga kaibigan ko dahil masarap daw kumain kapag libre. Hinihintay din namin si Dylan dahil sasabay din s'ya sa amin kumain.

Habang inaantay namin si Dylan, napag-usapan namin ang tungkol sa undas break. One week na lang kase ang pasok namin before undas break.

"Wala kaming pupuntahan, e." sagot ni Kayna. "Busy kase sila Mom sa business namin sa Europe, may problema daw, e." dugtong nya pa.

"Kami din. Sa November 1 kase, dadalaw lang kami sa puntod ng lola ko. And then, tutunganga na lang ako sa bahay. Wala kaming bisita, e." sagot din ni Jen.

"E, sino bang may pupuntahan sa ating lahat?" biglang tanong naman ni Darel.

"Wala akong pupuntahan. My parents have business in Macau kaya hindi kami pupunta doon. Sa Christmas pa siguro kami pupunta doon." sabi naman ni Kirt habang nakatingin sa akin. Magkatabi kami sa upuan at hindi na iyon big deal dahil alam naman ng mga barkada namin, maging classmates namin ang relasyon namin. We're not yet in a relationship but he's courting me.

"May pupuntahan ka ba?" tanong ni Kirt sa akin.

"Hindi ko alam. Siguro, pag umuwi dito ang lola ko na nasa province para bisitahin ang lolo ko. Sasamahan ko sya sa sementeryo sa November 1." sagot ko lang sa kanya at nginitian sya.

"Oy, anong pinag-uusapan nyo?" hinihingal na tanong ni Dylan sabay upo sa tabi ni Kayna.

"About sa undas break, love. May gagawin ka ba?" sweet na tanong ni Kayna dito. Ang landi ng bruha!

"Wala, love. Pupunta sina Mom sa sementeryo pero hindi ako sasama if ever na may pupuntahan tayo." sagot nito kay Kayna sabay kindat.

"E, ikaw ba Darel?" tanong ni Kayna dito na nakatingin kay Venice. Hmm..

"H-ha??" nabiglang tanong nito.

"Napaghahalataan ka, bro. Tinatanong namin kong may lakad ka ba ngayong undas." panunukso ni Matt sa kanya.

"Wala, bro. Pupuntang probinsya sina tita pero ayoko sumama. Alam mo naman diba?" seryosong sagot ni Darel. Parang ngayon ko lang s'ya nakitang seryoso.

"Yown! Kung ang iba ay may gagawin sa November 1, why not pumunta tayo sa Palawan? May resort kami doon, e." masayang pag-anyaya sa amin ni Dylan. "Ano, game?"

"Oo nga, love! Tara, tara!" masayang sabi rin ni Kayna.

Napatingin kami sa isa't-isa. Wala rin naman kaming ibang gagawin kaya why not diba?


Nandito na kami sa classroom para sa last subject namin. Nakakainis kase kung kelan kami excited papunta sa Palawan, saka naman itinambak sa amin ang gagawin! Lahat ng subject may kailangan ipasa after undas break. Akala ko makakapag relax na kami lahat.

"Guys! Wala daw si Sir Andez! Uwi na daw tayo." sigaw nang Lynn, kaklase namin. Syempre, dahil isa yung mabuting balita para sa aming lahat, kaya lahat kami ay nagtatalon sa saya.

Fix YouWhere stories live. Discover now