Chapter 17

7 0 0
                                    

****
Jastine

"Arggggh! Ang ingay!" sigaw ko dahil panay ang ring nang phone ko.

Napatingin ako sa orasan na nasa side table ko at nakitang 2 o'clock na ng hapon. Inaantok pa ako dahil sa party ni Kayna kagabi.

Kahit inaantok ako, kinuha ko pa rin ang phone ko at sinagot kung sino man ang istorbong ito.

"Hello?" sagot ko habang panay ang hikab. Kinusot ko ang mga mata ko dahil hindi ko maimulat ng maayos.

[Hoy boi! May hindi ka sinasabi samin ha?!"] si Kayna pala.

"Ikaw pala boi. Bakit ba tawag ka ng tawag? Inaantok pa ko,e." sagot ko sabay higa ulit.

[Napatawag ako dahil sa kalandian mo, gaga!] sigaw nito dahilan para ilayo ko ang ang phone ko sa tenga ko.

Kalandian daw? Ano kaya sinasabi nya?

"Anong sinasabi mo d'yan?" curious na tanong ko sa kanya.

[Check mo yung IG, Twitter at Facebook page ng school natin. Bilis!] sabi nya sabay patay sa tawag.

Napakunot noo ako pero agad kong ginawa ang sinasabi ni Kayna. Una kong binuksan ang IG ko habang kumuha at umiinom nang tubig. Sunod-sunod na lumabas ang notification ko.

Naibuga ko ang tubig na iniinom ko dahil sa bumungad sa akin sa newsfeed ng IG ko. Fuck! It was a photo of mine and Kirt kagabi. Yung picture namin na nasa dance floor kami! Yung picture na sya ng kumuha! He posted it with a caption of "You" and a heart emoticon.

Kumabog ang puso ko dahil sa post na yun. It melt my heart. First time na may nag post ng picture ko sa social media. I was amaze but at the same time nervous. I don't know but it make my heart flutter.

I tap the comment section at binasa ang comment doon ng mga kaibigan ko, kaibigan nya, mga kaklase namin pati schoolmates. Jusko! Nakakahiya!

MattmeowXD: ayown! sa wakas, naging binata ka rin, bro! HAHAAHA.

DreyAsigurado: awww! So sweet papa kirt! Selos me huhu.

Kirt: shut it. Both of you!

Natawa ako sa comment ng mga kaibigan ni Kirt. Ang bading tingnan. Kasunod ko naman nabasa ang comment ng mga kaibigan ko.

VennLabrador: myghad! So sweet of you Kirt! Wala akong alam promise!

VennLabrador: hindi kase namin alam na nagde-date kayo.

Kirt: we're not yet dating.

Jen_DeGuzman: arte nyo ni @Jas_tine. HAHAHAHAHA.

Kayyyyy: Omg! Naglilihim kayo samin?

DonnaDeVera: Shout out kay @Jas_tine congrats boi! May nag-flex sayo. Sana all!!

Napasapo na lang ako ng noo dahil sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko. Nabasa ko rin ang comment ng ibang classmates namin at schoolmates. Kesyo bagay daw kami, sana all daw, nakita daw nila kami noong party ni Kayna at sweet daw kami. Susko!

Fix YouWhere stories live. Discover now