Chapter 13

11 1 0
                                    

****
Jastine

"

1,500 pesos po lahat ma'am"

Nandito ako sa isang convenient store dahil ako ang nautusang bumili ng soju at mga jankfoods dahil nag aakit uminom sina Kayna.   Sa condo ni Dona kami mag-iinom dahil doon nila gusto.  Labag sa loob kong inabot ko ang card ko para bayaran iyon.

"Thank you po ma'am" ngumiti pang ako at kinuha na ang pinamili ko.

Kinuha ko ang phone ko at nakitang nagmessage si Venice sakin.

From: Venice

[ Boi! Ano na nakabili ka na ba? Walang stock dito sa condo ni Dona eh.]

From: Venice

[Sis be ready na. Were preparing na kase. Susunduin ka namin jan.]

Napatawa ako sa message ni Venice. Mga walwalera talaga!

To: Venice

[ Letche kayo! Tatakaw nyo maginom eh nawalan tuloy ---

"Aray!" daing ko habang hawak ang noo ko.  Ang tigas naman ng nabangga kong pader! Huhu

"Are you okay??"

Huh? Bakit ganun?

Dahan dahan akong tumingala para makita kong saan ako nabangga. Si Kirt nanaman.

"Are you okay?" ulit nyang tanong sakin.

"Ba't ba lagi kitang nakikita?" tanong ko sa kanya.

"Bakit? Akala mo ba sinusundan kita?" sabi nya habang lalakad sa papalapit sakin habang ako ay paatras ng paatras.

"B-bakit hindi b-ba?" naiilang kong sabi sa kanya. He stop and smiled like crazy. His expression is filled up with amusement.

"Siguro destiny tayo no?" nakangiting sabi nya at naglakad ulit palapit sakin.

"H-hoy nababaliw ka na ba?" naiilang kong tanong sa kanya dahil nakatingin sya sakin.

Pinaglalaruan nya ba ako???

" Siguro nga baliw na ako. Kaso sayo." natatawang sabi nya sakin.  Ano bang problema nya?

"W-wag ka ngang lumapit! Ano ka ba?!" sigaw ko sa kanya dahil ayoko ng ginagawa nya.

"Bakit ka nauutal? Ha?" natatawa pa rin nyang tanong sakin.

"Tigilan mo nga ako? Wag mokong paglaruan!" sigaw ko sa kanya.

Natigilan sya sa sinabi ko kaya napatigil din ako.

"Hoy tabiiiii!!" narinig kong sigaw ng isang lalaki pero nakatingin lang ako kay Kirt.

Napatingin ako dun sa mamang naka bike na malapit na akong mabangga at napatingin din ako kay Kirt pero bigla na lang nya akong hinatak ng mabilis kaya napayakap ako sa kanya at ganun dun sya sakin.

Hindi ko agad na process ang nangyari dahil nagulat din ako.

"Hoy! Kung magliligawan kayo wag dyan sa daan! Mamamatay ako dahil sa inyo! Mga letche!!" sigaw nung mama at agad tumayo. Lumapit naman kami agad sa kanya.

Fix YouWhere stories live. Discover now