Chapter 7

37 16 21
                                    

***
Jastine

"Hoy Kirt!  Ano bang sinasabi mo jan? Anong it's time to take an action ang pinagsasabi mo?" sigaw kong tanong sa kanya sabay lingon sa paligid.

Baka kase may makakita sakin tapos sabihin kay Dale na may kinakausap akong lalaki, magselos pa yun.

Assuming....

Uwian na kaya paniguradong wala ng ibang tao dito. Ano kayang ginagawa nito dito? Pwede naman siguro syang mag cr sa kanila diba?

Baka jebs na jebs na.  Hmmm...

"I know what you're thinking. Hindi ako natatae. May kukunin lang ako sa classroom at iihi lang ako kaya nandito ako." paliwanag nya.

"I didn't asked you to explain." mataray kong sabi dito.

" You didn't asked but your look does. Tss." sabi nya

"Eh ano nga muna yung sinasabi mo d'yan!?" tanong ko.

He just shrugged and go to the male's room. Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak nito.  Kung ano-ano pinagsasabi. Kabwisit! Ano ba kasing sinasabi nya!?

Dahil hindi nya naman ako sinagot,  umalis na ako.  Bahala sya. Wala naman akong pakealam sa mga sinasabi nya. Kailangan ko lang magfocus ngayon kay Dale dahil monthsary namin ngayon.

Dahil katabi ng garden ang gymnasium, sa hallway na lang ako dumaan. Ang ganda kase ng view dito eh.  Pagkalabas mo ng hallway,  may makikita kang arch na made of bricks na may nakasulat na welcome.  Pagkapasok mo sa arch, may pathway dun na magiging way mo papuntang garden at gym. Sa magkabilang side naman ng pathway,  makikita mo ang green na gree na damo na may maliliit na assorted color na flower. Ang gandang pagmasdan.  Sunset na at malamig ang simoy ng hangin kaya ang sarap sa feeling. Plus yung sweet moment namin ni Dale mamaya!

Dito naman sa garden ay paikot ang bench kung saan pwede mag group study ang mga studyante. Pero pagka-circle nya ay parang maze style to give each bench privacy. Sa gitna nito ay may malaking fountain.

Dahil 5:00 pm pa naman ang usapan namin ni Dale,  naupo lang ako sa bench. 4:45 pa lang naman kaya okay lang.  May training na yata sila dahil nga tapos na ang midterms. May laban yata sila next month.  Kinuha ko lang phone ko at nag facebook. Nag scroll lang ako dun sa news feed ko.


Shane Lapuz shared a post.

Tweets Page:
THE BOAT IS SINKING,GROUP YOURSELVES INTO;
x²-62,if the value of x is 8

>_<

Imagine mo ganyan ang palaro tuwing fiesta or christmas party,  sasali ka pa ba?  Nag scroll lang ulit ako. Natatawa ako sa ibang nababasa ko dahil mga shitpost tungkol sa crush nila hahaha. Yung iba pinost ko din para naman may bago sa account ko.

2 minutes na lang before 5:00 ng maisip ko na maglakad-lakad papuntang gym.  Baka kase nandun si Dale kaya mabuti pang puntahan ko sya.

Pumasok ako sa gym at nakitang walang tao roon. Nakapatay na ang ibang ilaw dito at tanging sa isang kwarto lang ang may ilaw roon.  Tapos na siguro ang practice nila.  Pinagmasdan ko ang loob ng gym.  Sa sobrang laki nito, siguradong kakasya ang 3,000 na tao dito tuwing may event ang school. 

Nasan na kaya sya?

Palabas na sana ako ng gym ng may narinig akong nagbukas ng pinto.  Yun yung pinto ng locker ng mga player. Agad akong nagtago sa front door ng gym. Hindi ko nakita yung muka ng babae dahil nakatalikod sya sakin.  Siguro may kasama syang player na lalaki at kung ano ang ginawa nila sa loob. Mga bata nga naman.

Fix YouWhere stories live. Discover now