Chapter 11

19 7 10
                                    

***
Jastine

"Oh?  Anyare sayo? Tulala nanaman ang peg?" tanong ni Dona sabay siko sakin. Nalaglag muka ko sa pagkakahalumbaba.

Andito kami ngayon sa canteen para maglunch. Wala pa yung order namin kaya nakatanga lang kami dito sa table.

Hindi ko sila pinansin at ipinatong ko ang ulo ko sa table. Gumugulo sa isip ko na paano kung magkita kami ni Dale. Anong muka ang ihaharap ko sa kanya??

Naramdaman kong may nag pat sa likod ko para damayan ako.  Hindi ko alam kung hindi ba nila talaga alam o nag papanggap lang silang walang alam.

"Are you okay? May problema ka ba? " tanong ni Venice.

Inayos ko ang upo ko at humarap sa kanila.  Nakita kong nakatingin silang lahat sakin. They look worried. 

"W-were already b-broke up," nakatingin kong sagot sa kanila.  Naramdaman kong pinahid ni Venice ang luhang pumatak sa muka ko.  Hindi ko alam na umiiyak na ako.

"What happened?" pigil na galit ni Kayna. 

"Hmm a-ano kahapon kase diba nagpa-iwan ako sa i-inyo kase m-magkikita kami sana sa garden. Tapos,  dahil medyo maaga pa kesa sa u-usapang oras, n-naisip kong sundan sya sa gym. Naisip kong baka tapos na ang p-practice nila k-kase wala ng tao at patay na ang ilaw. P-paalis na sana ako ng makita kong m-magkasama sila ni Anika palabas ng l-locker room. T-they making out." gumagaralgal ang boses ko habang nagku-kwento sa kanila.  Naalala ko nanaman kung gaano kasakit.

Tumingin ako sa kanila. Halong halong emosyon ang nakita ko sa kanila.  Natatakot ako sa aura nila lalo na ni Kayna at Venice.

"Whattttt?!" sigaw ni Kayna. "That jerk!"

Napatingin ako sa mga ibang studyante na kumakain. Tumingin sila samin dahil sa malakas na sigaw ni Kayna.

"Sumusobra na sya Tine!" gigil na sabi naman ni Jen.

"Ano pang nangyari?!" galit na tanong naman ni Venice.

"H-hmm narinig ko lahat.  He said that he d-doesn't hmm l-love me.  C-crush ko daw kase s-sya kaya jinowa nya ako." humihikbing sagot ko sa kanila.

"Ang sakit kase akala ko kahit konte minahal nya ko pero tangina naman kase! Kaya pala hindi nag-eeffort kase hindi nya manlang ako minahal!" naiyak kong sabi sa kanila.  Nakakaramdam ako ng galit pero mas lamang ang sakit.

Tumungo na lang ako dahil maraming tao.  Yung iba tumitingin na.  Nahihiya ako at naawa sa sarili dahil sa itsura ko ngayon.

Nakita kong tumayo si Kayna at dali daling lumabas ng canteen.  Agad naman kaming sumunod sa kanya. Bigla akong kinabahan. 

Sa pagsunod namin kay Kayna,  napadpad kami sa hallway. Huminto sya sa may locker at nakita kung sinong papalapit sa kanya.  Si Dale.  Kasama nya si Anika. They laughing and holding each other hand together.  I dont see that smile when he's with me.

Naka talikod kami ng locker naming mga senior. Tumabi kami at nakasandal dito habang hinihintay dumaan sa harapan namin sina Dale at Anika.

"Kayna, let's go please." yaya ko kay Kayna dahil alam ko nasa isip nito.

"No. Not this time Tine. Not this time." mahinahong sabi nya sakin pero ramdam ko yung galit nya.

Fix YouWhere stories live. Discover now