Chapter 5

44 22 12
                                    

***
Jastine

"You' okay? Kanina ka pa tulala." nag-aalalang tanong ni Kayna.


We're on our way pauwe after namin mag-shopping. After ng nangyari sa shoe stores, di na ako namili.  Hindi ko alam kong bakit pero nagulat ako sa sinabi ni Kirt.  Hindi lang sinabi nya kanina pero sa lahat ng sinabi nya sakin nitong mga nakaraan.  Ano bang ibig nyang sabihin?  Nakakalito sya.


"Hoy! Jastine Salvador!!" sigaw ni Kayna.


"Bakit ba?" tanong ko.


"Tinatanong ko kung okay ka lang? Ang tahimik mo kase at hindi ako sanay." tanong naman nya.


"Si Kirt kase, kung ano-ano sinasabi sakin. Para kaseng may alam syang hindi ko alam." sagot ko habang nakatingin sa daan.


"Huh? Tulad ng ano??" curious nyang tanong sakin.


"Naalala mo ba yung nangyari sa canteen? Yung nag-away tayo dahil kay Dale? Nung time na pumunta ako sa garden, narinig nya akong kausap si Dale. Narinig nyang inaaway ko si Dale pero nagsorry agad ako. Naka loudspeaker kase phone ko nun." sabi ko.


"Oh? Tapos? "


"Ang sabi nya sakin,  ang bilis ko daw maniwala. Ang dali ko daw maloko. Tapos kanina naman sa shoe store, nakikipag agawan sya sa sapatos tas diba nahulog kami? Sabi nya, sa kanya pa rin daw mapapapunta yung sapatos. At ako pa daw mismo ang magbibigay sa kanya." patuloy ko.


"Ehh!? Baka type ka nya girl?" singit ni Jen.  Akala ko tulog to kanina? Tulog pa yung dalawa eh.


"Tae ka! Ginulat mo ko! " inis na sigaw ni Kayna.


"HAAHAH ganda ko namang tae. Tulog nga ako kanina pero naalimpungatan ako." sabi nya kay Kayna sabay baling sakin. " baka type ka nya! "


"Impossible sis.  Di kami close! " sabi ko sa kanya. Impossible naman talaga diba?


"Gaga! Hindi naman purket magka close kayo magkakagustuhan na kayo. Ikaw nga kay Dale diba? Hindi naman kayo close nung una pero nagustuhan mo sya. And heller! Naalala mo yung sinabi nya sa room nung nakaraan? Yung "kung ako si Dale, hindi kita sasaktan." pangagaya nito sa boses ni Kirt.


"Pero possible din na kaya nya sinabi yun dahil inaasar nya lang si Tine. You know obvious na super tanga nya kay Dale!" gigil na sambit ni Kayna.


"Then why the hell did he know that you and Dale are in a relationship?  Geezz. Alam naman natin na tayo lang ang nakaka alam.  Even your parents and Dale's parent doesn't know your relation." nagtatakang tanong ni Jen.

Fix YouWhere stories live. Discover now