Chapter 15

8 0 0
                                    

***
Jastine

"Tine, may gown ka na ba?"

Andito kami sa canteen at kumakain. Walang klase kaya wala kaming ibang ginawa kundi magdaldalan. Pinag-uusapan na rin namin ang mga susuotin namin sa debut ni Kayna sa Saturday.

"Wala pa sis." sabi ko sabay inom ng lemonade ko.

Kumunot ang noo ni Kayna habang nakatingin sakin habang kumakain ng pasta. Pasta and lemonade ang in-order namin. Wala lang, trip e.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko sa kanya.

"I saw you and Kirt." sabi nya. Kinabahan aki bigla.

"Huh?" nagkukunwaring hindi ko sya maintindihan.

Ano bang nakita neto??

"I saw you together. Nung nag walwal tayo kina Dona. He hugged you." sabi nya kaya nasamid ako. Agad kong ininom ang lemonade ko.

"Talaga? Nakita mo yun?" singit naman ni Jen. "E, lasing ka nun diba?"

"Excuse me, sis. I maybe drunk but I know to myself what Im doing." sabi nya sabay irap kay Jen.

"Edi, alam mo pala na yakap yakap mo si Dylan that time?" asar naman ni Venice sa kanya.

Namula si Kayna dahil sa sinabi ni Venice. Halatang guilty.

"H-hoy, hindi no! T-tsaka si Tine ang issue dito! Wag nyo ko isali!" sigaw nya kay Venice.

Tumingin naman sila sakin at nginisian ako.

"Landi mo te. Kaka break lang may  ka-date na agad." sabi ni Dona sakin sabay kurot sa tagiliran ko.

Pinalo ko ang kamay nya at tinawanan lang ako.

"Hindi kami nagde-date boi. Alam nyo naman na kaka-break lang namin ni Dale e." sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Oww? E, anong meron sa inyo?" nagtatakang tanong ni Kayna.

"Wala sis. Hindi naman kami close e." sabi ko na lang sa kanila.

Hindi sila naniniwala sa sinabi ko. I know them. Ayokong lang sabihin sa kanila na umamin sakin si Kirt dahil alam kong hindi naman totoo yun. Nakakadalang maniwala agad.

Pumunta na kami sa building namin para sa klase pero may meeting daw lahat ng teacher. Buti naman para nakaka pahinga kaming lahat.

"Sis, sama ka sakin mamaya ha." sabi ni Venice habang nilalaro ang buhok ko.

"Huh? Where?"

"Sa Mall. I want to know your impression in the gown that I want to wear in Kayna's debut." nakangiting sabi nya sakin.

"Ikaw na lang ba ang wala?" tanong ko sa kanya.

"No. Actually, Jen and Dona is undecided on the gown that they have." sabi nya.

Tumango na lang ako at nag-isip.
Inilabas ko ang phone ko at tinawagan ang head fashion designer ng company ni Dad.

Fix YouWhere stories live. Discover now