Kabanata 9

4.4K 131 0
                                    

Bonding

"Crisha, may point si Ellaine."

Nasa mansion kami ngayon nila Rain. They invited me here. Sinabi daw sakanila ni Park na nagdadalawang isip na ko sa kasal namin at iiwan na siya. Kaya to the rescue sila para daw magbago ang isip ko. Although I find it funny dahil hindi naman totoo iyon. Si Park talaga!

"I want to see that Cathy girl. Sikat? Hmm I really don't know her. Mas sikat ba iyan kaysa kay Cassidy?"tanong ni Rain.

"Of course not."si Cassidy na nakaismid."Pero magkaiba kami ng ginagalawang mundo so maybe she's popular."kibit-balikat na sabi niya.

Nakakarelax silang kasama. At masaya. Siguro kaya ako pinayagang pumunta din dito ni Park para maiwasan ko ang mag-isip ng mag-isip.

Medyo naiistress na din siguro ako kakaisip sa lahat. Mabuti nga at hindi sumasabay ang kompanya ni dad. Sinabi niya na makakapaghintay naman ang paglipat saakin ng pamamahala sa kompanya. Siguro sabi ni dad ay after ng honeymoon at kapag nakapagadjust na ako sa buhay may asawa ay doon ko na aasikasuhin ang pagaannounce ng paglipat saakin ng authority at pamamahala sa Malgovha Furniture. Pumayag na ako dahil wala namang ibang magmamana ng kompanya kundi ako dahil ako lang naman ang nag-iisa niyang anak. Si Ellaine naman ay hindi daw niya matatanggap ang kompanya ni dad dahil para naman daw talaga iyon saakin at pupuwede naman siyang tumulong na lang daw saakin sa pamamahala pero hindi niya gusto ang posisyon ng presidente.

"Popular or not that's not the problem here. She's a slut!"pairap na sabi ni Sapphy.

"Let's not judge Cathy. Hindi naman Nakikipagkaibigan si Park sa mga ganoong klaseng tao. Siguro nagmahal lang siya we can't really judge someone, Sapphy."Zoey sighed.

"Fine. Okay. Pero just stop thinking about everything, Crisha. At huwag kang magtatangkang umatras sa kasal! Naku! I already want you in our club noh! Corrins Wife slash wives!"ngumisi si Sapphy.

"That's why we are here. Para maging busy ka at wag ng mag-isip ng kung ano-ano. Two months from now ikakasal na kayo. Huwag mong hayaang siraain iyan ng babae na 'yon."naiiling na payo ni Cassidy.

"T-Thank you. Sorry sa abala. Hindi naman ako nag-iisip ng ganon. Advance lang siguro si Park mag-isip."I said.

"You're welcome, Crisha. Any time for you. We are always here you know. Pamilya ka na din noh!"Rain said, smiling happily.

"Oo nga. Don't hesitate to call one of us. Or group video call. Maybe it's time to make a group chat! Iyong tayo-tayo lang na mga asawa ng mga Corrins."suhestyon ni Cassidy.

"Well, why not?"Sapphy grinned.

"I'd like that!"sang-ayon ni Rain.

"Count me in of course."Zoey smiled.

Pagkatapos tumingin naman silang lahat saakin na parang naghihintay ng sagot saakin.

"A-ah o-ok?"

Napapalakpak silang lahat at niyakap ako.

"Group hug!"we all giggled.

Pag-uwi ko sa mansion ay si Park agad ang sumalubong saakin. Nakangiti siya at agad na humalik sa labi ko.

"Did you had fun?"he asked.

"Oo. Thank you, Park."

Tumango siya at kumindat."Any thing for my baby!"

"Kumain kana ba? What do you want to eat? Ipagluluto kita. Or you want a massage?"he wiggled his eyebrows.

Napalunok ako at namula.

"Ah..."

"I'll cook for you first."tapos dinala na niya ako sa kitchen.

Naupo lang ako at pinanuod siyang magluto dahil hindi naman niya ako pinakilos.

"Nagkita nga pala kami ni..."

Sumulyap siya saakin.

"Ni Zane."

"What? W-what happened? I'm sorry, Park. Hindi ko siya pinagbigyan sa gusto niya kaya ikaw ang kinukulit niya ngayon."I feel guilty.

Umiling siya at ngumiti."It's fine. I'm your fiancee kaya damay ako. Hindi naman siya nanggulo. He said he wants to talk to you. At akala niya pinipigilan o pinagbabawalan kita sa bagay na iyon."

I bite my lower lips."I'm sorry. Aasikasuhin ko iyon. Uh sa susunod na araw siguro. Madami lang akong iniisip kaya..."

"It's fine. Kung ayaw mo siyang kausapin then don't. I can handle him. You know. But if you want to talk to him it's also fine with me."

"Thank you,"

"I told you, baby."nilapag na niya ang ulam na niluto sa table."Anything for my one and only girl."then he winked.

Gentleman's GameWhere stories live. Discover now