Kabanata 8

4.5K 128 1
                                    

Meet

I want to act normal, gusto kong kumilos na parang walang nangyare at kalimutan na ang mga nakita ko ng gabi na iyon but I just can't. I overthink again. Ayokong isipin na may nagbago pero alam kong meron.

Medyo umilag ako ng haplusin ni Park ang pisngi ko. Tipid lang akong ngumiti sakanya.

"Sorry. N-nagulat lang ako."I lied.

Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kama at nahiga.

It's been a week. Pero hindi ko pa din maiwasang isipin iyon. Park explained himself all over again. Pero pakiramdam ko may kulang. May mali. I just can't figure it out. Tapos dumagdag pa si Zane na kinukulit ako para makipagkita sakanya. Hindi ko alam kung pano niya nakuha ang number ko. I replied at sinabing matagal na kaming tapos. Ayoko ng kausapin pa siya sa personal gayong may iba pa kong iniintindi.

I know he deserve the closure. Pero hindi ko naman deserve na lokohin niya ako kaya huwag niya akong obligahin na para bang responsibility ko na makipagkita sakanya.

"Tungkol pa din ba kay Cathy, Crisha?"he asked.

Hindi ako sumagot. Naramdaman kong tumabi siya saakin at yumakap.

"I'm sorry if you feel betrayed. But I promise you I love you really really hard. Pag sinabi mong tumalon ako sa tulay para patunayan ang nararamdaman ko sayo without a second thought gagawin ko. If that's the only way for you to forgive me for lying."

Napasinghap ako at humarap na sakanya."That's too much! Hindi ko naman hihilingin sayo 'yon!"naiiling na sabi ko at hindi makapaniwala sa mga iniisip niya.

Mahina siyang natawa at pinatakan ang noo ko ng halik.

"I don't like it. Nagiging mailap ka. I don't like that kind of change, baby."parang bata siyang ngumuso at mas humigpit ang yakap saakin.

"Cathy is a friend. At pumunta siya dito para batiin tayo. But I told her that it would not be a good idea since hindi ko pa nasasabi sayo na kakilala ko siya."he explained.

Tumango ako.

"Bati na ba tayo? Napatawad mo na ba ko? I swear if not. Baka kailangan na nating ikasal bukas agad?"napapaisip na sabi niya.

"W-What!? Agad-agad?"

"Why? What's wrong with that? Si Deyron nga sa sobrang selos kinabukasan ay pinakasalan agad si Cassidy e."tumawa siya.

Talaga? Grabe naman pala magselos si Deyron? Naisip ko kung ganon din kaya siya? O kung lahat sila ay kakaiba magselos?

"Kaya siguro ako. Baka kung bukas galit ka pa din sakin itatali na agad kita sakin para wala ka na talagang kawala."he chuckled.

"Oo na! Hindi naman ako galit. Nag-iisip lang."I pouted.

"Then stop overthinking things again, baby. Wala kang dapat ikapangamba dahil hindi kita sasaktan. I maybe did some wrong things in life. But I have my reason. And I don't intend to hurt you. I just want to have you. And be mine."

The next day ay naging abala naman kami tungkol sa kasal. Madami kaming ginawa, kinausap, at pinuntahan.

Nagulat ako ng makita si Cathy. Nag-aya si Park sa isang restaurant para doon na magdinner.

"Relax, baby."Park whispered."I called her. Gusto kong magkausap kayo para mawala na ang lahat ng maling iniisip mo tungkol saakin at saamin."

"Park!Crisha!"bati saamin ni Cathy. Nakangiti siya pero hindi ko magawang suklian din ng mga ngiti iyon. Kaya tipid na tumango na lamang ako.

"Thank you for coming, Cathy. Alam kong busy ka dahil malapit na ang concert niyo."Park open up a topic as soon as we sat down.

"Yeah. No worries. Tapos naman na ang practice namin. Medyo magulo ngayon ang banda e. You know...Zane."sumulyap saakin si Cathy parang may gustong iparating at nakuha ko agad ang sinasabi niya."Sayang nga e kasabay ng kasal niyo ang concert namin kaya baka hindi ako makapunta. Ipapaabot ko na lang siguro ang regalo ko sainyo."she smiled.

Noong kasa-kasama ako ni Zane sa mga gigs at concert ng banda nila ay hindi ako kinakausap ni Cathy at hindi din ako pinapansin. Kaya nakakapanibago ang sitwasyon namin ngayon.

"That's fine. I understand."si Park.

"Of course. Maintindihin ka naman e."tawa ni Cathy.

Natawa na din si Park at umiling sa kaibigan.

Madami pa silang pinag-usapan mostly tungkol sa paghahanda sa kasal namin.

Hanggang sa...

"Speaking of that. I'm sorry, Crisha. I really did not know that you are there."lumungkot ang tono ni Cathy na parang nagsisisi."Matagal na kasi kaming tinutukso ng mga kaibigan at kabanda namin I guess hindi lang namin naiwasan ang isa't isa. Alam kong mali pero nangyare na. Hindi ko hinihingi na mapatawad mo ko pero sana ay huwag mong pagbawalan si Park na makita ako o kahit makausap man lang. Huwag kang mag-alala hindi ko naman siya aagawin sayo tho it's easy but I won't."

Hindi ko alam kung gumaan ba ang pakiramdam ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Cathy o mas lalo lang akong binagabag noon.

She explained her side. Nadala lang din siya at natukso. Umamin naman siya sa nagawa niya at walang itinanggi sa lahat ng paratang ko.

I somehow forgive her. Na tinutulan naman ni Ellaine pagkatapos kong maikuwento sakanya ang pag-uusap namin ni Cathy.

Andito ako ngayon sa Malgovha Furniture, sa office.

"Gaga ka, girl! Ang bilis mong magpatawad. Uto-uto? Naniniwala ka naman sa babae na yan? Naku! Once a flirt always a flirt! Alam na alam ko ang galawan ng Cathy na iyan dahil malandi din naman ako!"panenermon niya saakin."Baka di mo mamalayan na imbis na ikaw ang kinakasal kay Park e ang Cathy na 'yan ang maging asawa ng fiancee mo."

"Hindi naman siguro. May tiwala ako kay Park."I said as I bite my lower lips unconsciously.

"O e sa babae na 'yon meron ba?"she asked.

Hindi ako nakasagot.

Gentleman's GameWhere stories live. Discover now