Kabanata 7

4.5K 130 4
                                    

Friend

I met Park's parents the other day. At ang maliit na salo-salo para iannounce ang engagement namin ni Park. Gusto niya kasi pamilya muna namin ang makaalam bago ang publiko. Dad was there too. Pati na si Ellaine at agad naman silang naging malapit ni Rain dahil nalaman na ng babae na siya ang dinedate ng pinsan niya. Sumunod ng araw na iyon ay ang pinapunta ako ni dad sa kompanya para itour ni Ellaine at para magkaroon ng kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo dahil nagplaplano na si dad na ilipat saakin ang pamamalakad nun.

Sobrang overwhelming ng mga nangyayare saakin these past few days. Nakakapagod pero masaya.

Ngayon araw ay nagpaparty na ang magulang ni Park para saamin at open iyon pati sa media. Hindi na daw silang makapaghintay na iannouce sa lahat ang kasal namin ni Park. At first akala ko ay hindi nila ako matatanggap. Kaya ang gaan sa pakiramdam na wala silang pagtutol ng ipakilala ako ni Park bilang fiancée niya. It is still feel surreal.

Hindi naman na nagulat ang mga pinsan niya sa anunsyo niya sa halip ay parang inaasahan na nila iyon at agad na kinatyawan ang pinsan nila. Park just laugh at them smoothly, nakikisakay sa mga kulitan ng mga pinsan niya.

We know each other for almost 3 months now. Hindi ko aakalain na sa ganoong kaikling panahon ay madaming mangyayare at mababag9 sa buhay ko. Now I'm engaged. Plano ni Park na pagkatapos ng 2 buwan ay magpapakasal na kami. Gusto niyang ibigay ang isang engradeng kasal pero hindi na niya kayang umabot pa ng ilang buwan o taon ang preperasyon. He said he want us to be wedded as soon as possible. But he will still give me the best wedding I deserve ayon sakanya.

But for me, kahit ano basta siya ang pakakasalan ko.

"I think this is too much, Park, for a dare. Aabot ka talaga dito?"I heard a familiar voice. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan at pigil ang hiningang lumakad papunta sa pinanggagalingan ng boses na naririnig ko, sa isang hallway iyon madilim sa bahagi na iyon at walang tao.

Unang nakita ko si Park may kausap.

"Labas kana dito,"umiling si Park."You've done your part, Cathy. Thank you."marahang tumango sakanya si Park at tumalikod na.

Doon nagtama ang mga mata namin. Wala akong nakitaang emosyon sakanya o pagkagulat dahil nakita niya ako.

"Crisha,"he called my name softly."Baby."aniya.

"H-Hi,"hindi ko alam kung anong ikikilos ko ngayong nakita ko silang dalawa ni Cathy. Ang babaeng umagaw kay Zane at ngayon...kay Park? Huwag naman sana! Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang sakit at this time dahil kay Park. I don't think I can.

"Ah. H-hinahanap ka ng mommy m-mo...kaya."nagpalipat-lipat ang tingin ko sakanilang dalawa.

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Wala akong nakita, wala akong maling narinig. Nag-uusap lang ako pero hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Maybe because I am insecure. Sa dami ng babae bakit si Cathy pa?

Maganda ang babae, curved na curved ang katawan, bukod doon sikat at magaling pang kumanta. Madaming lalaki na ang nalink sa babae pero 'ni isa doon ay wala siyang kinumpirma kung totoo ba o hindi. Maybe because it was really Zane all along. At hindi niya lang masabi iyon dahil ako ang kilala ng tao na girlfriend ni Zane.

"Chill, Crisha."ngumiti saakin si Cathy at lumapit."I don't really flirt with guys who's already taken. Specially kung ikakasal na. I'm just here to confirm it from Park. I'm a friend. I'm actually friend of Park. It means nauna ako bago ka niya nakilala."she winked. She also laughed at her last line.

Mas lalo akong natigilan. At nalilitong tumingin sakanilang dalawa.

She flirted with Zane. Paano niya nasasabi na hindi siya pumapatol sa lalaking may girlfriend na? E kitang-kita ko silang naghahalikan ni Zane at narinig ko din ang usapan nila ng gabi na iyon.

"Umalis ka na, Cathy."si Park.

"Oo. Aalis din naman ako. Hindi lang ako makapaniwala, Park. I thought you're just playing. Mauuna na ko."natatawang sabi ni Cathy kay Park. Tapos bumaling siya saakin."Congrats, Crisha."at tuluyan ng umalis.

"It's not what you think, baby. Huwag mo kong pag-isipan ng masama. Hindi ko gagawin ang ginawa sayo ng ex boyfriend mo. Not now that we're engaged at malapit ng ikasal."agad na paliwanag niya ng makaalis si Cathy.

Hindi tungkol doon na paliwanag niya ang gusto kong marinig ngayon.

"Cathy is your friend? She's your friend?"pagkukumpirma ko.

Napabuntong hininga siya na para bang alam na niya ang papupuntahan ng usapan.

"Yes."tumango siya.

"Bakit hindi mo sinabi saakin? Park, she's the girl I'm telling you about! Siya ang babaeng nakita kong kahalikan ni Zane, ng ex boyfriend ko."I feel betrayed. Namuo agad ang luha sa gilid ng mata ko.

All this time. Akala ko karamay ko siya. Akala ko kakampi ko siya. Tapos malalaman ko na ang babaeng umagaw kay Zane ay kaibigan niya at andito pa sa engagement party namin? What am I supposed to feel? Babalewalain ko na lang ba dapat ang nakaraan namin ni Cathy?

At anong pinag-usapan nila?

Usap lang ba talaga? Hindi ko mapigilang magduda lalo na kung si Cathy iyon, si Cathy na makati!

I don't want to be a bitch and insult the name of that woman but I can't help it!

"Because it doesn't matter anymore. Yes she's my friend pero hindi ibig sabihin na kukunsintihin ko na ang maling ginagawa niya."he shooked his head."At ayokong magkaroon ka ng dahilan para hindi ako pagkatiwalaan."

Parang nanikip ang dibdib ko at hindi ko alam ang gagawin ko o ang iisipin ko.

No! Ayokong mag-isip! Ayokong masira ang engagement party na hinanda ng magulang niya at ayokong mapahiya ang mga ito.

"I...I need to go."paalam ko sakanya.

"Where? Iiwan mo ko?"tanong niya sa malungkot na tono.

Mariin akong napapikit."No. Restroom lang ako, Park."I sighed.

"Sasamahan kita."

Umiling ako."Hindi na kaya ko naman. Mauna kana lang doon sa labas dahil hinahanap ka na ng mama mo."

Gentleman's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon