"Hahaha,joke lang naman. Ano ba yan kaibigan mo?" umiling ako "E ano? kaklase?" umiling ulit ako.

"Nakisuyo lang ako,same condo nga kami nakikita ko lang madalas 'yan.

"Buti pumapayag ano?" tumango lang ako.

"Hindi ba hanapin 'yan ng magulang n'ya?" tanong ni mama na kumakain sa tabi ko.

"Hindi naman po siguro, galing daw s'ya dun kagabi sa kanila eh." tumango lang si mama bilang tugon.

"Rysee,una na muna ako may emergency lang." Napatingin naman ako rito na mukhang naiinis at halatang nagmamadali panay ang sulyap sa cellphone nito at nakayukom pa.

"Ma,hatid ko lang s'ya sa labas." paalam ko.

"Ingat hijo,salamat."si mama.

"Wala po yun." tugon naman nito,ngumiti lang ito at naunang lumabas sa'kin.


"Bakit?" tanong ko ng tuluyan akong nakalabas ng kwarto.

"Emergency nga" pag uulit nito.

"Hindi, I mean anong emergency?" tinapunan lang ako nito ng blankong tingin.

"Sa group activity namin yun, chinat ako ng mga kupal kong kagrupo. Andami kasing sinasabi,itext mo 'ko susunduin kita." napahinto ako sa paglalakad "Bumalik ka nalang dun" tumango lang
ako rito.

Hindi na ako muling nag salita at unti unti na itong nawala sa paningin ko. Kaya ko namang umuwi mag isa pinagkikitaan pa ako nun. Pwede naman kaseng 'wag na ulit kami magkita,tss. Bumalik na uli ako sa loob at umupo nalang sa sofa.

—————

Its already 9:00 pm na,tiningnan ko nalang ulit si kuya. Hanggang ngayon ay tulog parin ito. Si ate kristine at si mama naman ay umuwi at si ate jane ang andito ngayon pati si elisse.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong nito habang nakasandal sa upuan at nanunuod ng netflix.

"Uuwi narin ako,Mauna na ako." Kinuha ko na ang bag ko at tumayo.

"Baka naman may pera ka,impossible naman na pabayaan ka nina charlene dun?" nilingon ko ito na nakaabang ang palad.

Lumapit ako rito at tiningan 'to na masama ang tingin sa'kin.

"Ano magmamalaki ka na naman ba? Gipit lang ako ngayon rysee isasampal ko rin sa pagmumukha mo itong kakarampot mong pera pag ako nanalo sa lotto." pag hahamon nito.

"Magtrabaho ka nalang kesa umasa sa lotto, hindi inaasa sa swerte ang buhay ate."

"Wow,galing talaga sa'yo 'yan?" tumayo ito at dinuro ako. "Ano tingin mo sa buhay mo hindi swerte?"

Lumunok ako saka nagsalita "Hindi, pinaghihirapan ko ang kinakain ko ate. Lahat ng tulong nina tita ay binabalik ko."

"Talaga?" umupo ulit ito "Tingin mo hindi kami naghihirap para makahanap ng kakainin?" tumingin ito sa'kin ng masama "Ano rysee?
hindi mo man lang ba kami iniisip? Nung buhay pa ang tita mo lahat ng luho mo nakuha mo bakit hindi mo nalang kami inisip nun? selfish ka rysee? Pareho kayo ng nanay mo!" nabingi ako sa oras na iyon o mali lang talaga ang narinig ko.

"Ha?" nagulat ito sa naging reaksyon ko at sumama ulit ang tingin.

"Bibigyan mo ba ako ng pera o ano?" inilabas ko ang tatlong libo sa wallet ko hinablot naman n'ya ito.

"Ate ano ba!" saway ko.

"Isa,'wag mo 'ko sinusubukan rysee. Tingnan mo may sampung libo ka pa pala? Napaka walang kwenta mo talaga pinapakain ka naman sa bahay dati,oh" sabay bato sa wallet ko.

Kinuha ko nalang ito at nagpipigil sa galit.

"Lumalaking walang kwenta,pabigat!" hindi na ako nakapag pigil.

"Wow,ito"hinagis n'ya sa mukha ko ang pera na kinuha n'ya. "Parang nanghihiram lang eh makatulog ka sana kakaisip kung may kinakain pa ba pamilya mo!"

"'Wag mo isumbat sa'kin ang dapat ginagawa mo."

Susugurin na sana ako nito nang biglang pumasok si elisse para awatin kami.

"Ano ba tama na,kahit minsan naman 'wag kayo mag away. Umuwi ka na ate tatawagan ka nalang namin pag nagising na si kuya."

"'Wag na elisse isusumbat lang ng babaeng 'yan mga ginawa n'ya. Ayan kunin mo 'yang pera mo ang kapal ng mukha mo wala kang utang na loob." sigaw nito sa'kin.

Pinunasan ko lang ang mga luha sa pisngi ko. "Sana naisip mo rin yan nung pinamigay n'yo ko. Hindi ako kusang umalis pinamigay n'yo ko. Kaya 'wag n'yo isusumbat sa'kin na kasalanan ko lahat 'to o kung nakakatulog ba ako ng maayos kase lagi ko kayong iniisip nung panahong kinalimutan n'yo ko kapalit ng pera."

Napaupo nalang ako sa kalagitnaan ng hallway habang umiiyak. Bakit ba ang sama sama ng mundo sa'kin, masaya ako na pinalaki ako nina tita at ni charlene. Habang wala ako sa tabi ng mga magulang ko, pinalaki nila ako at binihisan. Kinalimutan nila ako at itinaboy kapalit ng pera na binigay ni tita dahil sa kagustuhang magkaanak nito. Hindi ako lumalaki sa luho sapagkat binabalik ko ng paunti unti ang tulong na binigay nila sa'kin. Natuto akong pahalagahan ang maliit na bagay at 'wag talikuran kung saan ako nagsimula. Hindi ko alam kung babalik pa ako kahit alam ko namang wala na akong dahilan para ituring silang pamilya, simula ng ipamigay nila ako dapat nung panahong yun si tita na ang tinuring kung bagong pamilya. Pati s'ya ay pinalayo ng pamilya ko dahil sa blacksheep daw ako at malas lang ang nabibigay.

"Here" pamilyar na boses ang narinig ko pero sa panyo lang ako nakatingin.

The day you said goodbyeWhere stories live. Discover now