Chapter 13: Hidden Motive

Start from the beginning
                                    

Nakita na sumakay si Tito sa Bus at bigla naman ako nag tago dahil sa kaba.

Nag tago lang ako sa may dulo at kinumot ko ang sarili ko sa  kurtina ng bus kahit ang dumi

Yuck!

Nagpa tugtug na lang ako ng music sa akin Cellphone dala ko naman ang aking Earphone.

Makalipas ang 30 minutes at dahil traffic ay nakarating na kami sa School, Yun nga lang late kami

Ano ba yan!

Ito ang una kong late!

Nag park na ang Bus namin sa Parking Lot ako na una sanang bababa kaso naisip ko na nandito pala si Tito. Kaya pina una ko muna ang mga ibang estudyante tyaka si Tito bago ako bumaba.

Dahan dahan ako bumaba ng Bus dahil hindi naman alam ni Tito na mag ka bus kami ni Craig tyaka kung alam niya nahihiya pa rin ako noh.

Tiningnan ko muna ang paligid kung nakita ba ako ni Tito at buti na lang hindi.

Habang naglalakad ako papunta sa Entrance ng School ay nakita ko naman ang mga kaibigan ni Craig.

Itong mga mokong na ito ang dahilan bakit nawawala si Craig ngayon.

Kaya naman binilisan ko ang Lakad ko para maabutan ang mga ito.

Naglalakad silang magkakaibigan magkaka akbay pa kala mo naman mag jojowa  sa harap ko. Ako naman ang echoserang babae ay sinagi ko sila.

Napansin naman nila ako.

"Whoops!" sambit ko sabay hawak sa bibig ko na parang hindi ko sinasadya

Tiningnan lang naman ako ng mga ito.

"Aba! Ikaw pala yan!" hiyaw nung Jeff sakanila

Kilala ko lang sa Grupo ni Craig ay si Jeff at George dahil tinatatawag niya ito pag napag tritripan ako.

"Oo, Bakit?" taray kong tanong

"Bakit ka ba nandito?" tanong nung George

"Ikaw si George tama ba?" taray kong tanong ulit sabay taas kilay

Tumungo naman ito

"Pwede ko ba malaman pinag awayan niyo ni Craig?" tanong ko

Tumawa lang ang mga ito

Buti hinahahayaan lang kami ng mga tao

"Ikaw?? Makikialam sa away namin kay Craig?" pang aasar na tanong ni George

"Oo bakit?" taas noo kong tanong

"Excuse me Amy, Pero Labas ka na dun!" hiyaw naman ng isa sakanila

Sino ba tong ungas na ito?

"Sino ka bang ungas ka?" tanong ko dito

"Maka ungas ka ah!" saad nito

"Sino ka nga ba?" tanong ko

"Josh na lang tawag mo sa akin" ani nito

"Hindi ako labas sa away niyo ni Craig, Pati tito nito ay nag aalala." paliwanag ko

Nagulat naman ito

"Kilala mo si Tito?" tanong ni Jeff

Tumungo naman ako

"Isang araw na hindi nakikita si Craig!" ani ko

"Hindi siya umuwi sa bahay nila?" tanong nung Josh na mayabang kala mo naman ka pogi pogi

Umiling ako

"So, Ano ba ang problema?" tanong ko sa mga ito

"Ano—mahirap kasi iexplain." paliwanag nung isa na matangkad

I FELL INLOVE WITH A BADBOY ( Book #1 TRILOGY)Where stories live. Discover now