Special Chapter, Pt. 1: KrisxLouis

Start from the beginning
                                    

"Lou--is" Napahina 'yong sabi ko ng si Eleanor ang bumungad sa akin

"Hi Kris! Boobear is not here, he went out to buy some foods for our anniversary. What's that?" Nakangiting tanong niya

"Uhh nothing. Just saying hello. Bye" Sabi ko at naghung-up na

Aray! Bakit ba nakalimutan ko na may girlfriend pala siya? Bakit hindi ko naisip na baka makasira ako sa kanila? At ano ba nasa isip ko para isipin na may pag-asa ako kay Louis? Masaklap anniversary pa nila. Howkay T_T

Andito ako, nasa London siya. Fangirl ako, popstar siya. At ano panama ko kay Eleanor? Andon siya kasama si Louis at isa rin siyang model. Wala. Wag ka na umasa.

Napatingin ako sa paper ko, 'Ano akala mo? Kapag napataas mo 'yang grade mo tataas na rin chance na maging kayo ni Louis?' Sabi ng isip ko

Pinunit ko 'yong papel tutal may copy naman nito sa Dean's office.

Bwisit. Dahan dahan ng tumulo 'yong luha ko.

~

Another flashback XD

"Magna Cumlaude, Kristen Santos." Sabi 'nong EmCee

Tumayo naman ako galing sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa stage, naluluha ako.

Oo, magna cumlaude ako. Paano? Simple lang, nag-aral ako ng mabuti, sinubukan kong abutin 'yong lebel ni Louis pero malabo parin ata.

Sinabitan ako ng medalya, pinarangalan ng napakaraming awards at nagsalita sa harap ng entablado

"Maraming salamat po sa lahat ng tumulong sa akin ngayon para maabot ang lugar na 'kong nasaan man ako ngayon. Kung wala sila ay wala rin ako dito." Simula ko "Nagpapasalamat ako sa nag-iisang tao na naging inspirasyon ko para mag-aral ng mabuti, isa siya sa mga taong nagtulak sa akin para makatapos dahil naisip ko, kapag ba nakatapos ako, mapapansin na niya ako? May pag-asa bang maging magkalebel kami? Kahit alam kong hindi mangyayari 'yon ay pinagpatuloy ko kaya narito ako ngayon sa harapan ninyo. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanya, at sa mga taong nakapaligid sa akin. 'Yon lang po at salamat." Pagkatapos ng huling salita ay pumatak na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan

Nagpalakpakan naman 'yong mga tao.

"You did a great speech, Be." Sabi ni Clare at Ally, oo pala, nakauwi na sila dahil kailangan ng umuwi ni Ally

Nakwento na nila 'yong nangyari at napagtanto ko na bestfriends pala kami talagang tatlo, nagmahal sa mga idols namin at nasaktan parepareho

(A/N: Wala na si Harry at Ally neto.)

Natapos na 'yong graduation ceremony kaya naman nagpicture picture kami, inupload ni Clare sa twitter 'yong picture naming tatlo.

Dahil sa may kanya kanyang lakad kami kasama ang pamilya namin ay nauna akong umuwi, hinablot ko 'yong phone ko kasi may nagtweet

@Louis_Tomlinson: @KristenSantos Hi there! Congratulations :) I've heard that you're a Magna Cumlaude. I'm so proud of you xx Hope to see you soon.

@KristenRamos @Louis_Tomlinson Thank you so much, Louis. Couldn't done it without your help :)

Nagreply ako, ngayon na lang ulit ako nakipag-usap sa kanya since 'nong si El sumagot sa tawag, ayoko naman makasira sa kanila no.

~

L O U I S' P O V

Flashback....

I saw her name on my skype contacts and clicked the call button, Calling Kristen Santos

After a few rings, she picked it up. She looked so stressed

One Direction: When She Turned 18 (TAGALOG)Where stories live. Discover now