☢️CHAPTER 2☢️

Start from the beginning
                                    

“Sige po alis na po ako.” Awtomatikong nabuhay ang diwa ng pagka-radtech ko. Tumakbo agad ako paloob ng building at hindi ko na hinintay pa ang ibang sasabihin ni Mr. Ferrante, kung meron man.

“May parating na VA.” Sabi ko agad kina Mika at Alee pagkabalik ko sa Radiology Department.

“Ilan?” tanong ni Alee at agad tumayo para ihanda ang mga makina sa x-ray room.

“Isa lang naman.” Kumuha na din ako ng gloves at sinuot sa kamay ko.

Maya-maya pa ay dumating na ang nakitang kong duguan na ipinasok sa ER. May mga galos ang katawan at natanggal na ang t-shirt. May cervical collar sa leeg, may splint sa isang hita at may tama sa may balakang na siyang pinanggagalingan ng dugo.

Inilipat muna namin siya sa radiographic table at sinimulan ng kunan ng x-ray images. Toxic man kasi mabilisan dapat, nakakaya naman namin. We’ve been trained for this kind of work and seeing blood is not new to me anymore.

Pagkatapos lahat ng x-ray niya, nilipat ulit namin siya sa stretcher at nilabas ng x-ray room. I watch as the nurse attendant wheel the patient back to the ER. Babalik na sana ako sa loob para tumulong kina Alee na linisin ang dugo sa radiographic table nang mamataan ko ang isang pamilyar na anyo.

Si Mr. Ferrante.

Saktong tumalikod siya at naglakad palayo at sumunod naman ang assistant nito.
Shems, how long has he been standing there?

***
Palapit na ang 11 PM kaya nagsidatingan na ang ibang kasama namin na papalit sa duty. Tinapos na namin lahat ng endorsements at nagpaalam sa kanila.

Paglabas namin, nakaabang na ang kuya ni Mika para sunduhin ang kaibigan namin.

“Bye! See you tomorrow!” kaway ni Mika at umalis na sila.

“Ay shocks!” biglang sabi ni Alee. “Wait lang naiwan ko ang phone ko sa staff room.”

“Wait na kita sa parking.”

“Sige, sige.” Sabi niya bago siya tumakbo pabalik sa loob.

Naglakad na ako papunta sa parking sa may likod ng building kung saan nakapark ang sasakyan ko. This has been my parents’ gift nung pumasa ako sa board exam and two years ko nang ginagamit hanggang ngayon.

Dahil medyo madilim sa kinaroroonan ko, lumapit ako sa may wall kung saan medyo maaliwalas para hanapin ang susi sa bag ko.

“Twilight.”

Napahinto ako sa pagkalkal sa bag ko. Napalingon ako at nakita kong nakatayo si Krypton na nakatingin sa akin. Kahit medyo madilim, namukhaan ko ang anyo niya. Aissh. Ano na namang problema nito? Bakit siya andito?

Naglakad siya palapit sa akin at napaatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa may pader.

“I couldn’t sleep so I came back.” Sabi niya at huminto sa harap ko with just a few inches between us. Ah so that explains kung bakit naka casual wear na siya at hindi na naka suit. “Hindi mapapanatag ang loob ko hanggang sa masabi ko ito sa iyo, Twilight”

I frown. Pinagsasabi nito? Akmang aalis ako dahil nakaka-intimidate ang lapit niya sa akin pero biglang niyang itinaas ang dalawang kamay niya at ipinatong sa pader sa likod ko trapping me in between his arms.

Sinubukan kong itulak siya sa dibdib pero mabilis niyang hinawakan ang mga kamay ko at itinaas ang mga ito.

“Now that I’ve found you, Twilight Dane,” naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa may leeg ko. “hinding-hindi na kita pakakawalan pa.”

Kinilabutan ako sa sinabi niya at gusto kong kumawala pero mas lalong niyang hinigpitan ang pagkahawak niya sa mga kamay kong nakataas sa may ulo ko.

“Bitiwan mo nga ako!” nagpumiglas  ako pero sadyang malakas talaga ang kapit niya.

“I have no plans to let you go, Twilight so you better be ready.”

“Gago ka ba?” Nakakainis na talaga siya, hindi ko na tuloy napigilan ang sarili kong napatanong ng ganon.

Mas inilapit pa niya ang mukha niya hanggang sa isang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga labi. Napatigil ako at napasinghap. One wrong move and I will regret it.

“Hindi ako gago, Twilight. I’m just a man who found my woman.”

My woman.

Biglang bumilis ang takbo ng puso ko sa sinabi niya pero hindi ko na pinansin yun.

“I’m not anybody’s woman.” Matatag kong sabi. Syempre hindi ako papatalo dito. May paEnglish English pa siyang nalalaman. Hindi ako papayag na isang estranghero ang bigla na lang magdeklara ng pagmamay ari niya sa akin.

“Yes you are, Twilight. You’re my one and only woman.” Napalunok ako sa matinding emosyon sa mga mata niya. “And I’ll make sure you’ll be mine soon.”

Ilang segundo akong napatigil at tinignan lang siya sa mata. He looks so serious and it’s disturbing. Iba ang determinasyon sa mga mata niya and there’s a daunting firmness in his voice.

Maya-maya pa ay lumuwag ang hawak niya sa mga kamay ko at dahan-dahan niya akong pinakawalan at umatras siya.

“I-I’m sorry. Nasaktan ba kita?” Napayuko siya at hinimas ko ang kanang pulsuhan ko. Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang boses ni Alee.

“Twilight? Okay ka lang?” kunot noo siyang lumapit sa kinaroroonan namin at tumingin kay Krypton. “Mr. Ferrante, bakit ka andito ulit?”

“Mauna na ako. Good night, Twilight Dane.” Sabi ni Krypton with a knowing smile plastered on his face bago tumingin kay Alee. “I just had a small talk with her.  Now, excuse me, I’ll get going.”

He gave me one last look bago siya tumalikod at naglakad papunta sa sasakyan niya.

“Oh my gosh, Twilight!” sabi agad ni Alee nang makaalis ang sasakyan ni Krypton. “Anong problema nun? Bumalik pa talaga?”

I sigh. “Kaya nga, nakakastress.” Binuksan ko na ang sasakyan ko at pumasok na kami ni Alee.

“So paano kayo nagkakilala?” tanong agad ni Alee pagka-start ko ng sasakyan.

“Siya yung nakwento ko sayo na nabangga ko sa CR.”

“Ay oh? Siya yun?”

“Ano pala pinag-usapan niyo kanina at kailangan pa niya ng privacy kuno?”

Busy kami kanina sa dami ng pasyente kaya hindi ko nakwento sa kanya.

“Nagtatanong siya tungkol sa kwintas ko. Tapos kanina lang para siyang baliw,” Sagot ko sa kanya. “Bigla ba namang sabihin na I’m his daw.”

“Ay, baka nakadrugs.”

“Ang creepy nga eh. Pero pogi siya in fairness.”

Sa peripheral view ko, nilingon agad ako ni Alee at napatawa ako. I know she’s glaring at me right now.

“Seriously, Twilight?”

I shrug at huminto muna kasi naka-red light. Natatawang lumingon ako sa kanya. “Joke lang syempre, Alee. Wala pa ring tatalo sa mga asawa ko sa South Korea.”

Alee rolls her eyes and she has that there-you-go-again-with-your-oppa-fantasies face. Nag-green light na kaya bumalik ang tingin ko sa kalasada. “Oo na, Alee. Alam kong hindi ka nanonood ng Kdramas.”

Bitter kasi siya at allergic sa salitang forever kaya hindi siya addict sa Kdrama kagaya ko.

“Pero seryoso, Twilight. Mag-ingat ka sa Mr. Ferrante na yun.”

“Oo naman, Alee. Hindi ko hahayaang basta-basta na lang siyang makapasok sa buhay ko. And Krypton Knight pala first name niya.”

“Ay taray.”

“I know right.”

---

Pandagdag kaalaman sa mga hindi nakakaalam:😅

☢️VA: Vehicular Accident

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now