EULII48

714 39 18
                                    

-

Sana, wala akong pagsisihan...

-

Third Person's POV

Tuloy parin sa paghikbi si Eul nang makapasok sa sasakyan ni Skyrus. Mariin pa siyang pumikit at gatol-gatol na huminga nang malalim.

Mabigat. Malalim. Masakit. Ang mga rebelasyong binulgar sa kaniya ni Spiro ay mas lalong nagpapahirap sa kaniya.

Sa limang taong pagdurusa at pagkamunghi niya kay Spiro, lahat pala ito ay dulot ng pagmamanipula ng kaniyang ama. Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng galit. Bahagya niya pang pinalo-palo ang kaniyang mga binti sa pagkayamot.

"Eul... it's okay... it's okay..." pagkuway na sabi ni Skyrus at hininto ang sasakyan upang yakapin ang matalik na kaibigan.

-

"Sa kabila ng biglaang pagpanaw ng pangunahing suspek na si Ruffo Gatchalian sa pagkamatay ng magasawang William at Jade Espinosa, tuloy na tuloy parin ang engrandeng kasal ng anak nilang si Eul Justine Espinosa."

"Siya ay ikakasal sa kaniyang long-time boyfriend na si Kean Josh Pangilinan sa nalalapit na dalawang araw. Ang nasabing kasal ay gaganapin sa Los Angeles, California."

"Nang tanungin tungkol sa honeymoon ng dalawang bigating negosyante, sinabi ng kanilang sikat na wedding planner na si Alex Laxamana na ito ay gaganapin sa Pilipinas---Mr. Espinosa chose the ME Group's owned island for their honeymoon---dagdag pa niya, pagtapos ng seremonya ay agad na uuwi sa Pilipinas ang bagong kasal dahil na rin sa rami ng inaasikaso sa sariling kompanya."

"Inaasahang dadalo ang lahat ng major and minor shareholders ng kumpanya at maging ang marami pang bigating personalidad tulad ng mga politikong kaalyado ng pinakamalaking kompanya sa Pilipinas---"

"Babe... in two days, kasal na tayo..." mahina at puno ng lambing na turan ni Kean sa nobyong nakasandal sa kaniya. Nakaakbay pa siya dito at mahigpit na hinawakan ang kamay nito habang nanonood ng telebisyon.

Tumingala si Eul at hinalikan ang nobyo. "Babe... I love you" marahan pang sabi ni Eul.

"I love you..." huling sabi ni Kean bago tumayo si Eul at dumiretso sa banyo upang maligo.

-

"Hindi tayo pwedeng magkamali..." panimula ni Miles sabay bigay ng malaking itim na bag sa misteryosong lalaki. Tinanggap naman ito ng huli at tumango.

"Isang pagkakamali lang, mawawalan ng silbe lahat ng pinagplanuhan natin..." sabi pa nito habang pinapanood ang misteryosong lalaking naglalakad palayo sa kaniya.

Kinuha niya ang telepono sa kaniyang bulsa at pumindot pa. Nang sagutin ang kaniyang tawag ay nagsalita siya.

"I've done my part... you should do yours..."

-

"Atty. Mendoza..." sabi ni Eul habang naglalakad mula sa kaniyang upuan patungo sa kaniyang couch. Hawak niya ang mga papeles na kinuha niya sa drawer ng kaniyang mamahaling lamesa.

"These are the papers and contracts my father and Gatchalian signed for the ME Group's ten billion peso donation to LPB, five years ago..." dugtong ni Eul.

"And these..." sabay abot ng panibagong papel at kontrata. "These were all the contracts, disclosures and fund distributions of LPB Party during the last five years..."

"As you can see, attorney... the ten billion peso donation isn't even indicated here." Sabay turo sa mga papeles na huling binigay. "But, clearly, they both signed here." Sabay turo naman sa unang mga papeles.

Napatango-tango pa ang abogado. Magtatanong pa sana ito nang maglapag ulit si Eul ng mga papeles na pinagtaka ng abogado.

"And lastly... these were the papers, contracts and agreements upon establishing the Vista Mining Company..." takang tumingin ang abogado kay Eul at akmang inayos pa ang kaniyang salamin.

"Oh... 'wag mo nang tanungin kung san ko nakuha 'yan... just look thoroughly." sabi nalang ni Eul na ginawa naman ng abogado.

"ten billion pesos..." mariing bigkas ng abogado sabay tingin muli kay Eul.

Nginitian siya ni Eul bago tumayo at lumabas ng kaniyang opisina.

"And that's what I want you to focus on..."

-

"Pasado alas dose ng tanghali ngayong araw ay kani-kaniya na ang paglipad ng malalaking personalidad na imbitado sa kontrobersyal na kasal ng mayari ng Madrigal-Espinosa Group of Companies---"

"Ayon sa ating trusted source, ang kasal ay gaganapin bukas, ika-sampu ng umaga sa oras ng Pilipinas."

"Samantala, private jet naman ng ME Group ang gagamitin ng magnobyong ikakasal mula sa Pilipinas patungo sa Los Angeles, California---"

-

"Babe... are you okay?" Tanong ni Kean sa nobyong ngayon ay katabi niya sa sasakyan. Pareho silang nasa back seat. Hinawakan niya pa ang kamay nito at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Mula nang sumakay sila sa sasakyan ay napansin na ni Kean ang pagtahimik ni Eul.

Tumango lamang si Eul at hinigpitan ang hawak sa kamay ng nobyo. Sila ay patungo na ngayon sa airport kung saan naghihintay sa kanila ang private jet ng ME Group na magdadala sa kanila sa ibang bansa.

Magkahawak-kamay nilang inakyat ang hagdan ng nasabing sasakyang panghimpapawid at diretsong umupo sa eleganteng mga upuan. Nasa likod pa nila sina Sheena at Mr. Ong.

Umupo si Eul sa tabi ng bintana ng eroplano at malalim na nagisip. Napansin muli iyon ni Kean ngunit pinagsawalambahala niya na lamang ito.

Mabilis na umandar ang nasabing eroplano at ilang saglit lamang ay nasa ere na sila. Tanaw pa ni Eul ang napakagandang tanawin mula sa kaniyang kinaroroonan. Saglit siyang napaisip sa pagtahak niya sa panibagong yugto ng kaniyang buhay.

Naalala niya lahat ng mga sinabi ni Spiro. Bumalik lahat ng bigat, hinanakit, panghihinayang at luhang nagbabadyang pumatak nanaman. Hindi niya mapigilang hindi isisi lahat iyon sa tadhanang pilit siyang sinasaktan. Maging ang kaniyang namayapang magulang ay hindi nakaligtas sa kaniyang poot na nararamdaman.

Mapait siyang ngumiti at mariing pumikit. Masakit man, ngunit wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang mapait na sinapit nila ni Spiro.

Tunay ngang hindi sapat ang pagibig para ipaglaban ito. Sa pagpasok niya sa panibagong yugto ng kaniyang buhay,  tanging kinakapitan nalang ay ang pagasa na tama ang kaniyang desisyon at nawa ay wala siyang pagsisihan.

Pinili niya kung saan ang alam niyang tama. Pinili niya kung sino yung sa tingin niyang mas mamahalin siya higit pa sa kaya niyang ibigay. Pinili niya si Kean kahit na alam niyang kay Spiro siya tunay na sasaya.

Tinakpan niya ang bintana at sumandal sa nobyo. Nagpakawala pa siya ng masakit na buntong hininga bago pumikit at magpaubaya sa antok.

Sana, wala akong pagsisihan...

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon