EULII29

778 40 24
                                    

-

"Aalagaan kita Eul... ikaw at ang mga magiging anak natin."

-

Third Person's POV

"It's a pleasure to finally meet you, Mr. Chairman" pagkuway na bungad ng nasa harap ni Eul. Nginitian lamang siya ni Eul at humarap kay Skyrus.

"He's Chief Attorney Calixtro Mendoza of ME Group Legal Department" pagpapakilala ni Skyrus sa abogado. Kinamayan nito si Eul at marahan naman itong tinanggap ng huli.

Tumayo si Eul at naglakad patungo sa couch at sinundan naman siya nina Skyrus, Sheena at ng abogado. Nang makaupo si Eul, tumingin siya sa ngayong nakatitig sa kaniya.

"Please, take a seat" walang ganang pagkakasabi ni Eul dahil na rin sa pagod. Ramdam pa ni Eul ang bigat ng katawan mula sa kagabing kaganapan at sa mga rebelasyong kaniyang nalaman papasimula palang ang kaniyang araw.

Si Sheena naman ay tumayo para kuhaan si Eul ng tubig. Nang makuha iyon ni Eul, ininom niya ito at sinenyasan si Skyrus na magsimula na sa sasabihin.

"We've searched all information regarding Miles Espinosa, and unfortunately, he's saying the truth---" panimula ni Skyrus. "Atty. Please continue" sabay baling sa abogado.

Si Eul ay sumandal sa kaniyang komportableng upuan at marahang hinimas ang sariling sintido upang pakalmahin ang sarili.

"---Miles Espinosa is a true Espinosa and is entitled to your father's assets---" pagtuloy naman ng abogado.

Mas lalong dumiin ang himas ni Eul sa kaniyang sintido dahil sa narinig sa abogado.

"His Chief-of-Staff submitted a letter of request to the ME Group Legal Department which seeks to have a formal reading of the Will and Testament of your father, Mr. William Espinosa." Dagdag pa nito.

"Do you think, he'll be given part of Espinosa's share to ME Group?" Mabilis na tanong ni Eul.

"I can't answer that, Mr. Chairman. Hence, the reading of the Will and Testament of your father must be urgent... several shareholders of ME Group expressed their side to have a formal reading." Mahabang paliwanag ni Atty. Mendoza.

Napatingin si Eul kay Skyrus na ngayon ay tinabihan siya at tinatapik-tapik upang pakalmahin. "Is there really a chance na makuha niya yung 50% ng Espinosa's share from me?" Hindi kumpyansadong tanong ni Eul.

"Yes... Mr. Chairman." Sagot lamang ng abogado.

"Eul... it's okay... you're the real Espinosa... we still don't know anything about tito William's will..." pagkuway na pagpapakalma ni Skyrus sa kaibigan.

"Atty... we'll send you the date nalang for that... for now, please make sure na hindi ito makakarating muna sa press." Pagpapaalala ni Skyrus sa abogado bago ito lumabas ng opisina ni Eul.

"Kumusta ka na ba?" Tanong ni Skyrus nang makalabas na ang abogado.

"I'm okay... ang dami lang talagang iniisip... dagdag pa 'yang Miles na 'yan." Pagrereklamo ni Eul.

"Kalat na sa media yung identity niya..." pagsingit ni Sheena sa usapan na ikinalingon ni Eul.

"Kagabi lang 'yon... ang bilis... may balak talaga siyang kalabanin ako..." sabi ni Eul sabay titig sa kawalan.

"Eul... you should know this... Espierre Group has established their real estate company here in the Philippines... yung 156 hectares na lupang matagal nang binibili ng ME Lands sa Cavite, dine-develop na nila---"

Sa narinig ay nagkuyom ang mga kamao ni Eul. Magsasalita pa ulit si Skyrus nang hindi ito natuloy dahil biglang tumunog ang telepono sa desk ni Eul.

Napalingon sila roon. Si Sheena naman ay agad na tinungo iyon at sinagot.

"Eul... you should watch this." Simpleng pagsabi nalang ni Sheena matapos ibaba ang telepono at binuksan ang TV ng opisina ni Eul.

"---ME Group will no longer support LPB Party---matigas na pagkakasabi ni Senate President Ruffo Gatchalian sa isang press conference na naganap kaninang umaga." Balitang bumungad sa kanila.

"Ayon pa sa senador, hindi na tatanggap ang LPB Party ng pondo mula sa Madrigal-Espinosa Group of Companies. Ito ay ang pagtatapos ng higit dalawang dekadang ugnayan nito---" hindi na pinatapos ni Eul ang balita at minabuting senyasan si Sheena upang patayin ito dahil dumadagdag lamang sa kaniyang iisipin.

Naglakad siya pabalik sa kaniyang desk at umupo sa sariling upuan.

"He's really testing me..." maikling saad lamang ni Eul.

-

Matapos ang pagpirma sa mga papeles, mabilis na tumayo ang isang matanda at malugod na nagsalita.

"Thank you for trusting me... Mr. Espinosa" pagbati ni Senator Gatchalian sabay lahad ng kaniyang kamay sa kaharap na si Miles. Tinanggap naman iyon ni Miles at hinigpitan ang pakikipagkamay dito.

"I am giving my full trust on you... don't disappoint me, senator." May pagbabantang sabi ni Miles at binitawan ang hamay ng senador.

Malapad ang ngiti sa kaniyang labi, lumabas si Senator Gatchalian kasama ang kaniyang Chief-of-Staff sa opisina ni Miles.

Si Miles ay tinanaw ang labas ng kaniyang opisina, tulad ng kaniyang opisina sa ibang bansa, tanaw niya mula sa kaniyang pwesto ang sangkatutak na matatayog na mga buildings. Lumapit sa kaniya si Paulo na kaniyang Chief-of-Staff na hawak ang iPad na naglalaman ng mahahalagang schedule at appointments ni Miles.

"ABC News has invited you for an exclusive interview" sabi ni Paulo.

Ang kaninang ngiti sa labi ni Miles as mas lalong lumaki. Hindi niya maiwasang hindi matawa dahil sa mga magagandang nangyayari.

"What a perfect timing!"

-

"Babe..." malambing na bungad ni Kean sa nobyo pagpasok nito sa kanilang kwarto. Halata pa niya sa mukha ni Eul ang pagod kaya't mabilis niyang sinalubong si Eul at maingat niya itong niyakap.

"I love you..." mahinahon  at marahan niyang bulong kay Eul na ngayon ay napapikit sa bisig ng nobyo.

Inalalayan ni Kean si Eul patungo sa kanilang kama upang makapagpahinga na. Tinulungan niya pa ang huli na hubarin ang mga suot nito. Nang makapaghubad na si Eul, agad namang sumalampak sa higaan si Kean upang yakapin nang mahigpit ang nobyo.

"I love you..." ulit na bulong ni Kean. Hindi na nagsalita si Eul, bagkus ay pinasadahan na lamang ng halik sa labi ang nobyo. Nang bumitaw si Eul sa halik, inalalayan ng mga kamay ni Kean ang ulo ni Eul upang isandal ito sa kaniyang dibdib.

Huminga nang pagkalalim-lalim si Kean at tumitig sa kisame ng kanilang kwarto.

"Malapit na tayong ikasal babe... hindi na ako makapaghintay!" Masayang sabi ni Kean habang hinihimas-himas ang malambot na buhok ni Eul.

"Dati... pangarap lang natin 'to... ngayon, halos abot-kamay na natin..." segunda pa niya.

Sa sandaling pagtitig sa kawalan, inalala niya ang mga masasayang pangyayari sa buhay nila ni Eul noong mga bata pa sila. Masaya. Makulay. Walang problema.

Sa mga naaalala, tuluyan na siyang nagpaubaya sa antok na kanina pa siya hinihikayat. Hinalikan niya pa ang nobyo sa noo bago magsalita.

"Aalagaan kita Eul... ikaw at ang mga magiging anak natin."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon