EULII14

5.6K 168 40
                                    

-

"Sheena, anong gagawin ko?"

-

Third Person's POV

Nagising si Eul kinabukasan sa bisig ni Kean na hanggang ngayon ay matindi parin ang kapit sa kaniya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kapit ng braso ni Kean.

Tanging kumot lamang ang nagtatakip sa dalawa. Ang pareho nilang mga damit ay nakakalat sa sahig.

Umupo mula sa pagkakahiga si Eul at umalis siya sa kumot na nakasaklob sa kanila ni Kean. Dahan-dahang naglakad paalis sa kaniyang pwesto.

Naglakad siya upang tahakin ang banyo ng kaniyang kwarto upang maligo.

Matapos maligo, tanging bathrobe lamang ang kaniyang soot paglabas ng banyo. Naglakad patungo sa higaan kung saan nakahiga parin si Kean.

"Kean, gising ka na..." marahang pag-gising niya sa nobyo kasabay ng mahihinang tapik sa pisngi nito. Tila sanggol na nagkusot ng mga mata si Kean at ngumiti nang makita ang nobyo na basa ang buhok at nakatitig sa kaniya. "Wet" sa isip-isip niya sabay ngisi. Napansin naman iyon ni Eul kaya't agad itong nagkunot-noo at tumalikod sa nobyo.

Si Kean naman ay agad na lumapit kay Eul at binigyan ito ng mararahang halik sa kaniyang batok na naging dahilan ng kiliti na naramdaman ni Eul.

"Babe, another round?" Mapang-asar na sabi ni Kean.

"Shut! Umayos ka nga Kean... maligo at magbihis ka na... may trabaho ka pa" pag-papaalala ni Eul sa nobyo.

"Sige na... isa pa, please?" Pagpapa-cute ni Kean ngunit hindi tumalab kay Eul at binigyan lang ito ng isang buong kamay upang takpan ang bibig ni Kean. "Babe... pag namilit ka, hindi ka na makaka-ulit" pagbabanta ni Eul.

Kumakamot sa ulong umalis si Kean sa pagkakahiga. Tumayo pa siya sa harapan ni Eul na kinainis ni Eul dahil wala ni isang saplot si Kean at nakaharap pa ang naghuhumindig nitong alaga.

"Pumasok ka na sa loob!" Sigaw ni Eul sa makulit na nobyo.

-

"Opisyal na ipinahayag ni Sheena Serrano, bagong Chief-of-Staff ni Eul Espinosa na CEO at owner ng ME Group na kumpirmado na ang kasal nina Mr. Espinosa at Kean Pangilinan."

"29th of July ang confirmed date ng wedding nina Mr. Pangilinan and Mr. Espinosa."

"Sinabi pa niyang elegante at hindi pangkaraniwan ang kasal kahit na saglit lamang ang paghahanda."

"The preparation will only last for a month... sinisigurado po ng Staff ni Ms. Laxamana na kahit konting oras lamang ang magagamit para sa preparation, this wedding will be the dream wedding for all times---"

-

"Grabe naman kasi Eul! Isang buwan lang yung preparation" reklamo ni Sheena kay Eul sa sasakyan. Si Mr. Ong ay napatingin sa dalawa gamit ang salamin at ganoon din ang driver.

"Bakit ba kasi madaling-madali 'yang si Kean? Kala mo hinahabol eh" dugtong pa ni Sheena.

Hindi na tinugunan ni Eul ang pahayag ng kaibigan. Nanatili lamang siyang tahimik na minamasid ang daan.

"By the way, may Executive Meeting ngayon..." sabi ni Sheena sabay kunot-noong tinignan ulit ang schedule. "Ano to? Ngayon lang sinabi?" Pagtataka ni Sheena dahil ngayon niya lang natanggap ang ganoong ka-importanteng meeting.

"Kailan mo lang ba natanggap?" Pagkuway na tanong ni Eul sa kaibigan dahil narin sa pagtataka.

"Ngayon lang... tignan mo" at pinakita sa kaibigan ang iPad. "Ngayon lang... wala pang isang minuto. Baka urgent?" Takang sabi ni Sheena.

"Wag mo nalang intindihin... malalaman naman natin mamaya" sabi nalang ni Eul at binalik ang tingin sa daan.

-

Sa Conference Room ng ME Center Building, pinagbuksan ni Mr. Ong sina Eul at Sheena.

Nang makita ng mga tauhan sa loob ng silid ang pagdating ni Eul, lahat sila ay nagsitayuan.

"Good morning Chairman..." sabay-sabay na sabi ng lahat sabay bigay ng yuko upang magpakita ng paggalang.

Ngumiti lang si Eul at pasimpleng umupo sa nag-iisang upuan sa dulo ng lamesa. Sa kaniyang posisyon, kitang kita niya ang lahat ng mga tauhan sa loob.

"Meeting for Board of Executives pala ito" pasimpleng bulong ni Sheena sa kaibigan. Tumango lamang si Eul at binalik ang tingin sa mga tauhan.

"So what's the urgent matter?" Tanong ni Eul at inilapag ang kaniyang mga palad sa lamesa ng pasimple na sinabayan ng malalim na paghinga.

"Mr. Chairman, The ME Resorts President and a Minor Shareholder of the company, Mrs. Ruby Villafuerte, will pass all her assents and stake to her son, Mr. Spiro Villafuerte---" mahabang panimula ng babaeng nasa isang gilid upang pangunahan ang pagtitipon.

"And also Mr. Ronald Villafuerte, as his wife stepping down, he also passes his all assets and stake to Mr. Spiro Villafuerte. Combining all the assets of individual investors such as Mr. And Mrs. Villafuerte, Mr. Spiro Villafuerte is now a Major Shareholder with 1% stake" sunod pa na sabi ng babae.

Sa isang banda, natahimik bigla si Eul sa narinig, ni hindi niya naisip na madadawit sa usapan pati sa trabaho si Spiro.

"And here he is, the newest Major Shareholder of ME Group, Mr. Spiro Villafuerte!" Masayang turan muli ng babae.

Sa narinig ay hindi agad na nakapag-react si Eul dahil narin sa gulat. Nagsitayuan ang lahat doon at naiwan si Eul na tanging naka-upo.

Si Spiro naman ay pumasok sa Conference Room at isa-isang nilapitan ang mga malalaking tauhan sa loob ng silid at kinamayan ito. Nang madako ang tingin niya kay Eul, ngumiti siya roon nang pasimple at tinuloy muli ang pakikipag-kamayan.

Umupo si Spiro sa medyo may kalayuan kay Eul dahil narin sa liit ng pursyento na mayroon siya ngunit, hindi parin maikakaila na malaki rin ang parte niya kahit na sabihing 1% lamang ang hawak niya.

Nanatiling nakangisi at hindi maitago ni Spiro ang sayang nararamdaman dahil sa wakas ay napagtagumpayan niyang makaupo sa pwestong ni minsan naman ay hindi niya ninais kung hindi lang dahil kay Eul.

Nanatili paring tikom ang bibig ni Eul sa kaniyang pwesto. Hindi alam ang gagawin. Ni hindi niya binibigyan ng kahit na sulyap si Spiro.

"Sheena, anong gagawin ko?" Mahina at pasimpleng bulong ni Eul sa kaibigan na nasa kaniyang likod. Hinawakan lang siya nito sa braso at marahang tinapik.

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon