Nang makapasok sa elevator ay huminga pa ito nang malalim. "Spiro... gawin mo nalang best mo... hanggang dito lang yung kaya kong ibigay na tulong." Sagot ni Sheena at ngumiti.

Hindi naman maiwasan ni Spiro na mapakita ang tuwa dahil sa wakas ay nakuha niya na ulit ang buong suporta ng mga matatalik na kaibigan ni Eul.

Nang makarating sa pinakatuktok na palapag, nagulat pa ang mga empleyado na nakadestino doon dahil sa nakikitang sikat na modelo. Tumango lang si Sheena at ngumiti naman si Spiro sa mga tao. Diretso nilang tinahak ang opisina ni Eul.

Nakita pa ni Spiro si Mr. Ong na nakabantay sa labas ng pinto ni Eul. Tinanguan rin ito ni Sheena at sinabihan. "He has an appointment" bulong niya kay Mr. Ong.

"Kaya mo 'to... Spiro." Pagpapalakas pa ni Sheena sa kaibigan bago kumatok at pumasok sa pinto.

-

Narinig ni Eul ang marahang katok at sunod na pagbukas ng pinto. Nakita niya si Sheena na nakangiting bumungad sa kaniya.

Nginitian niya ito ay muling binaling ang atensyon sa mga papeles na binabasa.

"Eul... may bisita ka..."

Napalingon si Eul sa sinabi ni Sheena at nagulat sa sunod na iniluwa ng kaniyang pinto. Hindi agad siya nakapagsalita dahil sa gulat.

"Magusap kayo... baka may gusto kayong klaruhin sa isa't isa..." huling sinabi ni Sheena bago isarado ang pinto ng opisina ni Eul.

-

"What are you doing here?" Seryosong sita ni Eul kay Spiro. Nang marinig ang boses ni Eul, agad na nakaramdam ng kaba si Spiro.

"Stop wasting my time... anong kailangan mo sakin?" Seryoso muling tanong nito.

"We need to talk." Sa wakas ay nakapagsalita na si Spiro.

"About what?" Nakataas na kilay ni Eul.

"Us..." sabi ni Spiro sabay lapit kay Eul.

"Us? What us?" Maang-maangang tanong ni Eul kahit na sa kaibuturan niya ay alam niya ang nais na iparating ni Spiro.

"Wala tayong dapat na pagusapan..." sabi lang ni Eul sabay tayo. "Get out." Dagdag pa ni Eul ngunit hindi ito sinunod ni Spiro.

"No Eul... alam kong mahal mo parin ako..." mabilis na lumapit si Spiro kay Eul at hinawakan ito sa kamay. Pumiglas naman si Eul at akmang pipindutin na ang telepono nito upang tawagin si Mr. Ong nang hindi ito matuloy dahil mahigpit siyang niyakap ni Spiro.

"Eul... please... magusap tayo..." malambing na pagkakasabi ni Spiro ngunit di nagpatinag si Eul, bagkus ay pumiglas ito. "Bitawan mo 'ko." Sabi pa niya.

"Eul... sabihin mong mahal mo parin ako..." mas humigpit ang yakap ni Spiro kay Eul. "Alam kong mahal mo parin ako... sabihin mo... sabihin mo Eul..." malakas ngunit may halong lungkot na bigkas ni Spiro.

"Hindi na kita mahal..." mariin ngunit walang emosyong bwelta ni Eul.

Mabilis na bumitaw si Spiro sa yakap kay Eul at hinawakan ito sa magkabilang braso at tinitigan. Sa ngayon ay namumuo na ang luha sa mga mata ni Spiro at ilang sandali lang ay nagbabadya na itong pumatak.

"Sabihin mo sa mga mata ko na di mo na ako mahal." Warak na pagkakasabi ni Spiro habang nakatitig kay Eul. Hindi magawa ni Eul na tumitig sa mga mata ni Spiro na nangungusap kaya't nilihis niya ang kaniyang tingin.

"Umalis ka na..." mariing utos ni Eul ngunit di ito sinunod ni Spiro.

"Titigan mo 'ko at sabihin mong di mo na ako mahal..." sabi pa ulit ni Spiro ngunit di parin siya sinunod ni Eul.

"Eul! Sabihin mong di mo na ako mahal!" Sa inis ay napuno ng sigaw ni Spiro ang buong opisina ni Eul na narinig naman nina Sheena at Mr. Ong sa labas nito. Agad namang pumasok ang dalawa at nakita ang lagay ni Spiro na hawak ang magkabilang balikat ni Eul.

Namumula na ang buong mukha ni Spiro dahil sa pinipigil na iyak. "Binabaliw mo 'ko!" Sigaw muli nito. Sa pagkakataong ito ay hawak na ni Mr. Ong ang katawan ni Spiro at hinihila ito palayo kay Eul. Si Sheena naman ay lumapit kay Eul ngunit nakatingin sa nakakaawang si Spiro.

"Yun nalang eh! Sabihin mong di mo na ako mahal pero di mo magawa! Ginagawa mo akong tanga!" Sigaw muli nito habang pumipiglas. Mabilis nang dumadaloy ang luha mula sa kaniyang mga mata. Nakita ito ni Eul at nakaramdam siya ng bigat at kirot sa pakiramdam.

"Alam kong may kasalanan ako sa'yo pero kahit kailan hindi nawala nararamdaman ko sa'yo! Hanggang ngayon mahal parin kita!" Buong lakas niyang naitulak si Mr. Ong at nagsalita pa muli na gumising kay Eul sa reyalidad.

"Mahal mo pa ako pero hindi mo maamin kasi ayaw mo 'kong patawarin!"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon