Eighteenth

70 9 4
                                    

Joerish

"Mag-e'eighteen na siya. 2 days nalang. Ayieee!"

Irene kept on teasing me. Sa aming tatlo, siya ang pinaka-excited sa amin. Palibhasa, siya kasi ang nauna kaya siya na ang may pinakamalaking experience sa amin ng pagiging adult. Sunod diyan si Jessica kaya excited din siya para sa akin. Ako ang bunso kaya medyo may kaba akong nararamdaman kahit papaano.

Of course, I am very happy cause I'll be turning 18 na!

But a part of me keeps on telling na, hey! You are now entering the real world! Ready ka na ba? Kakayanin mo ba? Mas malalaki na ang responsibilities mo. Hindi ka na bata kaya you have to be more careful to everything you do kasi liable ka na sa bawat faults and mistakes mo.

Things like that are the ones bothering my mind at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang problemahin yun.

I am still young kahit papaano.

I should be enjoying. I should be at least having fun! Hindi na madali ang adulthood kaya hindi ko na dapat pahirapan.

"I know right! I'm so excited but I don't know. I'm a little bit nervous."

"Shunga! You're not old when you're 18. You're still young but the different thing is, dapat mas responsible ka na sa mga actions mo." Irene reminded.

"True. Don't pressure yourself too much girl. Isipin mo nalang na magagawa na natin ang mga bagay na hindi natin magawa noon." Sabi naman ni Jess.

"Yeah right! We can party in the bar na tapos we can hang out with boys!" Irene chuckled.

"Eww. I'm not like that. Loyal ako, duh!" I said.

"Oo na. Ikaw na ang may boyfriend! And speaking of which, since magiging 18 ka na. Does that mean secret love song no more?"

I smiled and nod to Jessica's question. Ryseann and I both promised na yun ang unang gagawin namin kapag nag-18 na ako. We were both excited about that kasi alam kong ang tagal na rin niyang inaantay ang mangyari ang bagay na yan. On September, we'll be having our anniversary na. That's our first at hindi pa rin ako makapaniwalang narating namin ang puntong ito ng aming relationship.

I am so proud of myself.

I am so proud of us.

"Oh my gosh! Does that mean, ready na kayong dalawa to enter another level of your relationship?" Irene asked.

"Yes, we are."

"Shet! Sana all nalang talaga. Napaka-swerte mo kay Ryseann besh. Sarap niyong sakalin." Sabi ni Jess.

"Truth. Akalain mo yun, nung una stalker ka lang. But look at you now. Ayiee! Proud ako bilang President ng Rishan."

"Oo na Irene. Wag mo munang batiin. Magce-celebrate palang kami ng first anniversary niyan but I am looking forward to more years with him." I smiled.

"Basta. We're just here for you, no matter what happen." Jess said kaya niyakap ko silang pareho.

I'm so proud that I had these two girls beside me. Palagi silang nandiyan and they never left me through my brightest and darkest days. They always supported me and made me laugh kapag mapangit ang araw ko. I know how annoying I am at times but they understood me.

I have a very few friends pero proud akong sabihin na kahit konti lang sila, at least they are true to me.

"Uy! Bago magkalimutan. Here's your invitation na! Be there okay. I am expecting you both."

The Way You Look At Me (VA Series 2)Where stories live. Discover now