Mukha ng Pera

818 6 0
                                    

Maraming mukha ang pera. Pero, ang sabi ng iba, ang tao ay sadyang mukhang pera. 

Sa kabilang banda, may katotohanan ito. Hindi man lahat, ay karamihan. Tingnan na lang sa gobyerno at politika. Hindi ba pera ang ugat ng korupsyon? Kakambal na ng politiko ang pagkamal ng salapi kapag nasa puwesto. Kaya kahit may mangilan-ngilang mabubuti at tapat sa tungkulin ay nadadamay sila sa konklusyon na sila ay trapo at mandarambong.

Mukhang pera nga ang tamang tawag sa taong ang hilig ay magparami ng pera sa maling paraan. Lahat naman tayo ay kailangan ang pera. Pero, kung pati ang sa iba ay kinukuha mo pa, ibang usapan na 'yun!

Sanaysay is EssayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon