Usok

352 2 0
                                    


Nagising ako, isang umaga, mula sa pagkakahimbing ko dahil nakita ko sa aking panaginip ang isa sa mga estudyante ko, kasama ang kaibigan niyang out-of-school. Humihithit sila ng sigarilyo sa kalye, na animo'y tanggap na iyon ng kanilang mga magulang at kapitbahay. Halos mabugahan pa ako ng usok. Itinago naman ng estudyante ko ang yosi niya nang makilala ako.

Walang lumabas na salita sa aking bibig. Tiningnan ko lang sila nang matalim. Nalungkot ako.

Grabe! Pabata nang pabata na ngayon ang naaakit magsigarilyo. Naisip ko tuloy, hindi pa ba sapat ang litrato sa kaha ng sigarilyo upang matakot sila? Hindi pa ba iyon nakakasindak na nakikita na nila ang magiging epekto ng paninigarilyo? O mas lalo yatang dumami ang bilang ng mga yosi-kadiri? Wala na rin yatang edad, kasarian, at social status ang paggamit nito. Dapat yatang ang gobyerno na ang kusang magtanggal nito sa merkado. Di bale na ang sin tax. Di bale na ang kikitain ng pamahalaan, kung magdudulot lamang sa samu't saring sakit sa mga tao, nagsisigarilyo man o hindi.

Nakakabahala ang ganitong problema. Kahit sa panaginip ko, hindi ko ginusto ang bisyong ito. Lalo na sa totoong buhay, hindi ko talaga kayang maatim ang kahungkagang ito.

Kung may magagawa lamang ako para matigil na ang pagkaadik ng tao sa sigarilyo, gagawin ko... Ngunit tila usok lamang ngsigarilyo ang kagustuhan kong maapula ang adiksiyong ito. 

Sanaysay is EssayWhere stories live. Discover now