Karma Sutra

486 3 0
                                    

Gumawa ka ng mabuti sa kapwa dahil kabutihan din ang iyong matatanggap. Ito ang tinatawag na karma.

Ang lahat ng nanakit sa'yo ay makakaranas ng sakit, katulad ng naranasan mo sa kanya. Kapag nagkataon, ipapakita pa sa'yo ng Panginoon, kung paano siya masaktan.

Ang karma ay walang palugit. Darating at darating. Babalikan at babalikan ka. Ito ay hindi mahahadlangan ninuman. Kapag kailangan, darating sa'yo, harangin mo man ng sibat.

Tandaan mo na sa isang puno ay makakagawa ng milyong posporo at ang isang posporo ay makakasunog ng milyong puno.

Sabi nga, "People who create their own drama deserve their own karma." Tama! Ikaw kasi ang gumagawa ng iyong aksiyon. Kung ano ang iyong ginawa, iyon ang mangyayari. Kaya nga, wala namang masama sa karma. Kung gagawa ka ng mabuti sa kapwa, aani ka rin ng kabutihan. Kabaligtaran naman, kapag masama ang iyong ginawa. Kapag naghagis ka ng bato sa kalawakan, bato pa rin naman ang babagsak. Kaya, hunghang lang ang taong sinisisi ang sarili dahil sa karmang kanyang natanggap.

Ang masamang ginawa mo ay mananatili sa'yo, ngunit ang mabuting ginawa mo ay babalik sa'yo. Kapag may nagkasala sa'yo, patawarin mo siya at ang kanyang masasamang ginawa. Huwag mong hayaang manaig ang galit sa puso mo. Pakawalan mo ito at hintayin mo na lang na maunawaan niya ang tunay na kahulugan ng karma. Kapag gumanti ka, lalong dadami ang iyong kalaban at ikaw pa ang masama. Minsan, kailangan mo lang lumayo sa isang giyera. Karma na ang bahala. Hindi naman karuwagan ang pagtanggi sa pakikipagtunggali.

Ang karma ay pangkalahatang batas ng sanhi at bunga. Kung ano ang iyong itinanim, siya mong aanihin.

You are what you eat, 'ika nga. Wala itong menu list. Hindi ka puwedeng mamili ng ihahain sa'yo.

Upang maging positibo ang karma sa'yo, ikaw ay maging mabuting tao. Magpatawad ka. Mahalin mo ang iyong kapwa. 

Sanaysay is EssayWhere stories live. Discover now