EPILOGUE

1.7K 38 0
                                    

ONE MONTH LATER

GABBY'S POV

Isang buwan na rin ang nakakalipas ngunit sariwa pa rin sa aking isipan ang lahat.

What an unexpected love?

Nalaman ko sa parents ni Cherie-- I mean ni Jhessa na na-coma pala ito nung naaksidente sila ng tiyahin niya. Kaya pala nag-iba ang hitsura niya at hindi niya ako kilala. Actually, hindi ko rin inakala na si Cherie pala si Jhessa. Na ang matagal ko ng hinahanap ay nasa harapan ko lang pala.

Akala ko talaga patay na siya pero buhay pa pala at lagi 'kong nakakasama at nakakausap. 'Di ko halos maisip na ang babaeng inaasar-asar at ginagalit ko noon ay ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng pinaglinis ng tatlong araw ng buong university ay si Jhessa na aking iniingatan.

At ngayon, masaya na kaming nag-aaral at naninirahan sa unibersidad na naging parte ng aming pagkikitang muli, ang ALVA UNIVERSITY. Akala ko noon, isa lang itong paaralan na magiging lugar kung saan magagawa ko ang mga gusto ko pero hindi ko akalain na dito ko pala mahahanap ang babaeng pinakagusto ko sa lahat.

Magaling na rin ang tama ng bala sa tiyan niya na ako ang nagsanhi. Halos mabaliw ako nung araw na magawa ko yun. Nakakainis naman kasi si Sheena e, saka niya sinabi nung naiputok ko na yung baril pero buti na lang at dininig ng Panginoon ang panalangin ko na iligtas siya at hayaan akong makasama siya ng matagal na panahon nang sa gayon ay mabawi namin ang mga oras na nasayang lang.

"Babe, let's go?" Nakangiti 'kong tanong sa kaniya habang ala-alalay siya paitaas ng stage kung saan nakahanda ang aming date.

Akin siyang pinaupo at pagkatapos nun ay umupo na ako sa akin.

Napangiti siya kaya napangiti na rin ako.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Babe salamat. Salamat sa effort na  binuhos mo para dito." Sabi niya habang lilinga-linga sa mga dekorasyon  na aking isinabit sa aming paligid.

"Wala yun babe. Kulang pa yan para mapatunayan ko ang pagmamahal ko sa'yo."

Humigpit ang kaniyang hawak. "Hindi mo kailangang patunayan sa akin iyon  sapagkat sa iyo pa lamang mga mata ay kitang-kita ko na ang kislap ng pagmamahal mo sa akin."

Napangiti na lang ako.

Napakalambing napakabait mo pa rin...

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at walang ano-ano na hinalikan siya.

Sumagot siya sa aking halik hanggang sa naging mapusok kaming dalawa. Lumalim ng lumalim hanggang sa napahawak ako sa kaniyang bewang at ipinatong naman niya ang kaniyang dalawang kamay sa aking balikat at pinagsiklob doon.

Napatigil lang kami ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Nagtext si kuya.

*text from Gabriel D. Monreal:

I'm watching you, kissing?

Napailing na lang ako.

Si kuya talaga.

"Babe ano yan? Bakit parang natatawa ka?" Curious na tanong ni Jhessa habang sinisilip ang aking cellphone.

Aking inaro sa kaniya ito at ipinakita ang text ni kuya. Bigla niya itong inagaw sa akin sabay sabing, "Let me."

Ibinalik niya ito sa  akin ng may ngising may binabalak.

Napatingin ako sa aking cellphone at tiningnan ang inireply niya sa text ni kuya.

Yup, with the girl he love the most.

Napangisi ako saka tumingin muli sa kaniya na abot tenga ang ngiti, nagpapacute pa hays haha.

Nanggigil ako sa kaniya kaya naman pinisil ko ang magkabilang pisngi niya tapos bigla siyang umaray.

"Ah!"

Napalakas ata...

Walang ano-ano na niyakap ko siya sabay halik sa kaniyang noo na ikinangiti niya ng husto.

"I love you babe."

"I love you too babe."

ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now