CHAPTER 15

1.2K 38 0
                                    

KINABUKASAN

Habang naglalakad ako papunta sa aking klase ay bigla na lamang may mga lalaking estudyante ang lumalapit sa akin sabay bigay ng kani-kaniyang rose.

Napaisip ako.

Teka, naguguluhan ako. Anong meron? Ba't ganto?

Maya-maya pa lamang ay nakita ko si Gabby na naglalakad papalapit sa akin habang may dala-dalang bouquet of roses.

Myghad sa akin ba yun? Pota self! Wag assuming!

At nang makalapit na siya sa akin ay abot tengang ngiti na inabot niya sa akin ang bulaklak.

Napangiti ako. Kapagkuwan ay bumalik din ang pagtataka.

"Anong meron?" Kunot noo 'kong tanong.

"Hi babe" malambing na sabi sa akin na ikinataas ng kilay ko.

"Huh?"

Imbis na sagutin niya ako ay bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi tapos bigla akong nakaramdam ng kaba na hindi ko maipaliwanag.

Halos pinagtitinginan ako ng lahat ng mga estudyanteng dumadaan sa aming tabi tapos yung ibang babae naman ay masama ang tingin sa akin kaya naman ako ay napatungo na lang.

Habang nakatungo ako ay hindi ko maiwasang mapangiti.

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan 'to. Gabby is my first ever boyfriend.

Inihatid niya ako sa classroom na pagkaklasehan namin at ako'y inintay niya sa labas. Iintayin niya daw kasi ako.

...

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkaklase ay hindi ko maiwasang mapatingin sa labas ng bintana at siya'y silipin.

Naabutan ko itong nakatingin sa akin habang nakangiti pa.

Bigla niya akong kinindatan na naging dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

Bigla akong nakaramdam ng kilig na agad ko ding kinontra.

Myghad! What is happening to me?

Bago pa kung ano-ano ang maisip ko ay ibinalik ko na lang muli ang aking tingin at pansin sa gurong nagkaklase sa unahan.

"Good Morning Ma'am." Napatingin kaming lahat ng may isang babae ang nagsalita mula sa pintuan. "May I excuse Ms. Cherie May Jaco?"

Nanlaki ang mga mata ko sa pagtutuloy na sinabi niya.

Huh? Bakit ako?

Napatingin ako sa gurong nasa unahan na hindi man lamang tumutugon sa mga sinabi nung babae.

"Ordered by Mr. Isaac." Sabi nung babae na ikinagulat nung guro.

Dali-daling pinayagan ako nito at pinalabas.

Pagkalabas ko ay bigla kaming sinabayan ni Gabby sa paglalakad.

Nagtatakang napatingin ako sa kaniya.

"Bakit daw?" Tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam. Let see..."

...

Pagkapasok namin ni Gabby sa loob ng Conference Room ay nabigla ako ng makita ko si Ms. Ivy na nakaupo sa isang upuan sa may mahabang mesa.

Mas lalo akong nabigla ng makita ko pa ang dalawang babae na kamukhang-kamukha niya.

ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon