CHAPTER 10

1.3K 36 0
                                    

Pilit 'kong pinatutulog ang aking sarili habang nakahiga pa rin dito sa aking kama.

Umaga na pero ayaw ko pa ring bumangon.

Ayaw ko dahil pag bumangon ako ay tiyak na katapusan ko na sa impyernong 'to. Ayaw 'kong maging alipin ng impakto!

Pero wala, pikit lang ako habang gising ang diwa.

Napabuntong hininga ako saka walang ngiting iminulat ko ang aking mga mata.

Napatingin ako sa kisame habang iniisip ang mga pwedeng mangyari kapag naging alipin ako ni Gabby.

Inis na napairap na lang ako sa hangin at tinakluban ng kumot ang aking mukha.

Kapagkuwan ay agad ko ding tinanggal.

Hindi ako makahinga e. Pake?!

Napaupo ako sa gilid ng aking kama at saka tumingin sa kawalan.

Mukhang wala na nga talaga akong pamimilian. Ito na talaga ang simula ng pinakamatinding bangungot sa buhay ko.

Tangina bahala na.

...

Binuksan ko ang pintuan nitong dorm ko tapos bigla akong napalundag sa gulat ng makita ko si Gabby sa harap ko.

Iniintay niya ba ako?

"Unang araw pa lang, palpak na agad tsk tsk." Pailing-iling na sabi nito na ikinairap ko. "Tinatarayan mo ako?" Taas kilay niyang tanong na mas lalong ikinairap ko.

"Oo. Ano ba sa palagay mo?" Bait-baitang tanong ko pero sadyang pinahalata ko ang pagmamatapang sa aking tono.

Naging seryoso ang kaniyang mukha. "Sinasagot mo ako?"

Unti-unting nabuo ang pagkainis sa aking loob. "Nagtatanong ka e!" Pagtataas ko ng boses.

Tapos bigla siyang lumapit ng isang hakbang sa akin. "Sinisigawan mo ako?"

"Ewan ko sa'yo. Bobo mo!" Inis na sigaw ko sabay talikod pero bigla niya akong hinila sa aking kaliwang kamay kaya nawala ako sa balanse at napapikit.

Nagmulat na lamang ako ng mapagtanto 'kong nakahawak pala ako sa dibdib niya.

Nakaramdam ako ng kaba kaya hindi ko nagawang bumitaw pa.

Bigla akong napaupo sa semento ng bigla akong itulak ni Gabby na may inis sa mukha.

"Kababaeng tao, manyak." Sabi nito sabay talikod sa akin at tangkang aalis.

"Hoy! Para sabihin ko sa'yo! Hinila mo ako kaya napa--"

"Shh! Ingay mo!" Pagpuputol niya sa aking sasabihin na ikinanganga ko. "Sumunod ka sa'kin, bilisan mo."

Hindi ako kumibo sa aking tayo bagkus ay tinitigan lamang ang kaniyang likuran na unti-unting lumalayo sa akin pero bigla akong natigilan ng ako ay kaniyang lingunin.

"Hindi ka susunod?"

Napairap na naman ako sabay padabog na tumayo mula sa pagkakaupo sa semento. Pinagpagan ko ang aking sarili at saka nakabusangot na lumapit kay Gabby na naghihintay sa akin ilang hakbang lang ang layo.

Napatawa ito sa aking inasta na ikinainis ko.

Potek! Sarap itulak!

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

Medyo nakakaramdam ako ng pagkailang habang patagal ng patagal. Pinagtitinginan kasi kami ng mga estudyanteng dinadaanan namin.

Oo sanay ako ng pinagtitinginan pero hindi naman gaya nito na kulang na lang ay matunaw kami sa mga tingin nila.

Napatingin ako kay Gabby na nasa aking unahan na dinededma lamang ang mga estudyanteng aming dinadaanan.

Umayos ako ng tayo at ginaya ang kaniyang asta pero bigla akong nauntog sa kaniyang likuran.

Tumigil pala, hindi nagsasabi!

Sinamaan ko siya ng tingin ng ako ay kaniyang lingunin.

Napangisi ito sabay sabing, "Tsk tsk bobo talaga e."

Pinagtawanan ako ng lahat  na naging dahilan para mabuo ang galit at inis sa aking loob.

Pilit 'kong pinipigilan ang aking sarili na huwag mainis kasi baka kung ano ang magawa ko.

Nginisihan muli ako ni Gabby saka tuluyang tumalikod sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.

Sumunod ako ngunit sa pagkakataong ito, alisto na.

Ayoko nang mauntog. Takte!

...

Bigla akong napahinto sa paglalakad ng makita ko siyang huminto dito sa tapat ng isang pintuan ng building na aking hinahangaan.

Nandito kami sa gitnang pintuan.

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Thina noon.

"Ahh...office kasi 'yan nina Sir Isaac at Madam Amanda. Yung sa may kanan, kay Madam Amanda at yung sa may kaliwa, kay Sir Isaac. Tapos yung nasa  gitna, yun yung Conference Room."

Gitna...gitna.

Papasok ba siya sa Conference room?

Bigla akong nagising sa aking mga iniisip ng hilahin niya ako paloob.

Nabigla ako ng makita ko dito ang mga school officials namin pati na rin si Mr. Ivhan na kasa-kasama si Karen.

Maya-maya pa lamang ay nagsimula na rin ang meeting nila habang nakaupo kami ni Karen sa may sofa dito sa sulok.

Bawal daw kasing umupo ang mga gaya namin sa upuan doon sa mahabang mesa dahil wala daw kaming karapatan at naiintindihan naman namin iyon.

...

"We have a problem. Diba nung isang araw ay biglang tumunog ang alarm? Inakala ng lahat na dumating na ang mga De Alva pero ang totoo ay may walang utak na pumindot nun." Kunot noong sabi ng isang opisyal sa may dulo.

"Wala pa tayong lead para hanapin ang taong yun. Pero sinisigurado daw ng mga guards natin na hahanapin nila ito sa abot ng kanilang makakaya." Dagdag pa nung isa.

"Well...nagpaabot na rin ng tulong ang Skalva, tutulong din daw sila."

Habang nakikinig ako sa kanilang usapan ay hindi ko maiwasang mapaisip.

Siguro mahihirapan silang makita yun lalo pa at walang cctv dito sa university. Sa pagkakaalam ko kasi ayaw ng mga De Alva ng ganun, hindi ko lang alam kung bakit.

Napatingin ako kay Gabby na nakatitig lamang sa kanila. Nilingon ko rin si Ivhan at ganun din ang kaniyang asta.

Napanganga na lang ako sa dalawa.

Kailangan ba sila dito? Hindi man lamang sila umiimik. It seems like they don't care about this issue.

Napabuntong hininga na lamang ako at saka umayos ng upo.

Tapos biglang pumasok sa isip ko ang mga pangyayari nung isang araw.

Muntik na akong magahasa. Akala ko katapusan ko na pero...buti na lang at may pumindot nung alarm.

Kung sino man siya, maraming-maraming salamat sa kaniya. Gusto ko siyang makilala. Gusto ko siyang maging kaibigan.

ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now