CHAPTER 21

1.1K 43 0
                                    

KINABUKASAN

Habang masayang nag-uusap kami ni Gabby dito sa may bench ay hindi ko maiwasang mapangiti ng sobra.

Napatingin ako sa kaniya na abot tenga ang ngiti sa mga biro na aking pinapakawala.

Napakamasiyahin niyang tao na 'di mo akalain na bahagi pala ng pagkatao ng isang masungit na lalaki na gaya niya.

Naalala ko tuloy ng una kaming magkakilala. Napakainit ng dugo namin sa isa't-isa at para ba kaming mga aso't pusa na hinding-hindi magkasundo.

Bigla akong natigilan ng mapansing nakatingin na pala siya sa akin habang inaagaw ang aking atensyon.

"Wuy! Ayos ka lang?" Tatawa-tawa niyang tanong na ikinatawa ko ng mahina.

"Haha oo. Ayos lang ako." Nakangiti 'kong sabi na ikinataas ng kilay niya.

"Bakit ganiyan ka makatingin?"

"Wala, naisip ko lang na ang swerte ko kasi naging kaibigan kita." Nahihiya 'kong sabi na ikinangisi niya.

"Talaga! 'Di lang maswerte, maswerteng maswerte pa!"

Napahagalpak na lang kami sa walang kwenta niyang joke na iyon.

Actually, hindi naman talaga ako natatawa sa jokes niya e. Dun ako natatawa sa tawa niya. Haha para kasing loko.

*phone rings...

Bigla kaming natahimik ng biglang may tumawag sa cellphone ni Gabby.

Kunot noo niya itong tiningnan at saka ibinaling ang tingin sa akin.

"Excuse lang Cherie ha." Pagpapaalam niya at mabilis na tinanguhan ko naman siya.

Lumakad ito palayo sa akin at saka sinagot ang tawag.

Habang siya ay may kausap ay ibinaling ko na lang muna sandali sa mga estudyanteng nagsasayaw sa may stage ang aking pansin.

Nagsasayaw sila habang ang babae at lalaki ay magkahawak ang kamay. Nagsasayaw habang ninanamnam ang saliw ng musika. Kasabay ng saliw ang kanilang mga katawan na sabay na umiindak.

Napangiti na lang ako habang sila ay pinapanood.

Biglang nawala sa kanila ang aking tingin ng muling umupo sa aking tabi si Gabby na todo-todo ang ngiti.

Nawirduhan ako sa kaniya kaya napatawa na lang ako.

Hinawakan niya ang aking mga kamay at mahigpit iyong hinawakan na parang ayaw niyang bitawan.

Tinitigan niya ako sa mga mata at saka nagsalita.

"Cherie, maraming-maraming salamat sa lahat-lahat. Lalo na kapag dinadamayan mo ako sa lahat ng bagay, salamat. Hindi man maganda ang una nating pagkakilala, gumanda naman sa padulo at napaka memorable para sa'kin nun." Nakangiting sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Parang ang cheesy naman niyang mga sinasabi mo." Natatawa 'kong sabi tapos bigla siyang napatungo. Kapagkuwan ay agad ding tumunghay pero bigla akong natigilan ng may makita na akong mga luhang namumuo mula sa magaganda niyang mga mata.

"Cheesy na kung cheesy. Ikaw na ang bahalang humusga. Hindi na ako magpapaka arte pa at sasabihin ko na ang lahat." Humigpit lalo ang hawak niya sa aking mga kamay. "Cherie, kailangan na nating tapusin ang pagpapanggap natin." Biglang nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Biglang namuo ang luha sa aking mga mata.

"Bakit?" Naiilang 'kong tanong habang pigil-pigil ang pagpatak ng luha na namumuo sa aking mga mata.

"Aalis na kasi ako e. Nakapag paalam na din ako kanina kina Tito Isaac." Napatawa siya ng pilit kasabay ng pagbalisbis ng luha sa kaniyang pisngi. "Salamat sa lahat ha. Salamat sa pagiging mabuting kaibigan at higit sa lahat, salamat sa pagtulong sa akin na makalimot at makapag move-on kay Ivy."

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at naluha na din at kumawala ang mga hikbi sa aking labi.

"Aaminin ko, napamahal ka na  rin sa akin. Gusto ko mang ituloy ang pagpapanggap na  ginagawa natin at gawing totoo pero kailangan ko na talagang umalis. Nakapagpaalam na ako kina Tito Isaac kaya wala ng atrasan 'to." Ngumiti siya ng malapad. "Malapit ko ng makita ang babaeng pinakamamahal ko. Gusto ko pag nahanap siya ng mga tauhan ko, ako ang una niyang makita nang sa ganun...malaman niya na hindi ako tumigil sa paghahanap sa kaniya. Na kahit kailan ay hindi siya nawaglit sa  aking isipan." Bumuntong hininga siya at hinawakan ang aking mukha. "Sana...natupad ko ang pangako ko sa'yo noon. Na ako ang magiging best boyfriend mo kahit fake lang." Bumalisbis muli ang luha sa aking pisngi pero agad niya iyong pinunasan gamit ang kaniyang kamay. "Cherie, masarap 'kang kasama. Napakasaya ko at nakakilala ako  ng tulad mo. Sa maiksing panahon na naging magkaibigan tayo, naranasan 'kong muli ang umibig. Alam 'kong nag-aalangan ka noon pero pumayag ka. Maraming-maraming salamat. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako o magkikita pa tayong muli pero susubukan ko." Ngumiti siya. "Paalam." Humakbang siya paatras at saka unti-unting tumalikod sa akin.

Para akong naging bato na walang magawa para siya ay pigilan. Kumawala ang malalakas na hikbi na kanina ko pang pinipigilan. Bumalisbis ang mga luhang 'di magkamayaw sa aking mga mata. Kumirot ang puso 'kong nasasaktan na kanina pa.

Gabby...

Bigla siyang huminto na naging dahilan para mabuhayan ako ng loob.

Dali-daling nilapitan ko siya habang isinisigaw ang kaniyang pangalan.

Humarap siya sa akin at walang ano-ano na niyakap ko siya.

Kapagkuwan ay kumalas na din ako at siya'y hinarap.

"Kakainis ka naman e!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya. "Bigla-bigla kang umalis hindi pa nga ako nakakapagpasalamat."

"Pasensya na, ayaw ko kasing maging sobrang emosyonal."

"Gabby, salamat din ha. Salamat sa lahat. Sa pag-aalaga, sa pagiging kaibigan at higit sa lahat sa pagiging...best boyfriend ko. Gabby, masaya ako na mahahanap mo na si Jhessa. Ipakilala mo ako sa kaniya ha. Gusto ko siyang maging kaibigan." Kumirot ang puso ko ng lumabas iyon sa bibig ko.

Hindi iyon ang nais 'kong sabihin, hindi yun.

Ngumiti siya kaya hindi ko na binawi pa ang sinabi ko. Ayaw 'kong mawala ang ngiti sa labi niya sa huling pagkakataon na makita ko siya. Gusto ko nakangiti siya at yun ang babaunin ko sa bawat na araw na maalala ko na siya'y wala na dito.

Nagyakap kaming muli at nabalot kami ng hagulhol.

Mamimiss kita Gabby....

ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon