Chapter 23

4.3K 144 1
                                    


PENELOPE ANDREA SMITH





Matapos ang pag-uusap naming 'yun ni Damon nakahinga na ko ng maluwag. Pakiramdam ko pa nga nawala na ang tinik na nakatusok sa dibdib ko. Ang sarap sa pakiramdam na napagtagumpayan ko ang sarili kong problema.

Kaya buong klase ko, nakangiti lang ako. Panay na nga ang tanong sa'kin ng mga kaibigan ko pero hindi ko sila pinapansin. Ayaw ko lang pumanget ang mood ko.

"Class dismissed."

Mabilis ang pagkilos na ginawa ko at tinago lahat ng gamit sa bag ko. Nag ayos lang ako ng mukha bago humarap sa mga kaibigan ko.

"Tara na. Nagugutom na ko." nakangiting saad ko

"Alam mo, nahihiwagaan talaga ko ee. Ano bang nangyari sa pag-uusap niyo ni Damon at naging ganyan ang mood mo." Selene said

"Ngiting inlove ang gaga." segunda naman ni Cass

Napatawa naman ako ng mahina. Maganda mood ko ngayon at ayaw kong masira 'yun nino man.

"Tara na sa canteen." nakangiting sagot ko

Saglit pa nilang tinitigan bago tumango. Napailing naman ako. Ang kukulit nila. Sabay-sabay kaming lumabas ng room. Dike put her arms in my shoulder. "Nice couz. Pinili mo ang baluktot na tawad." she smile.

I smile too. "Aanhin ko naman ang tuwid na daan kung hindi ako masaya, hindi ba?"

She nodded while smiling. "Talagang dalaga kana."

Umirap ako. "Ano tingin mo sa'kin? Nene? Tss."

Malaka siyang natawa dahilan para makuha namin ang atensyon nung apat. I just smile at them.

Natanaw namin sina Venus na nandito din sa canteen kaya sa kanila na lang kami tumabi. Nagpahuli na lang ako dahil pakiramdam ko, kailangan ko pumunta sa restroom.

Hindi pa ko nakakarating sa pupuntahan ko ng may biglang humila sa'kin papalayo sa lugar na 'yun. Sa sobrang gulat ko, hindi agad ako nakapag react.

Jusko po! Baka nagkakamali siya ng hinila.

Hingal na hingal ako ng tumigil kami sa pagtakbo. Napahawak pa ko sa magkabilang tuhod ko habang hinahabol ang paghinga ko. Damn it! Sino ba ang bwisit na humila sa'kin?!

"Ms. Smith."

Mabilis na napatingin ako sa kanya. Gulat ang rumehistro sa'kin ng makita ang taong ito na nasa harap ko ngayon.

"Orpheus" gulat na sagot ko

"How are you?" she asked

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko ba nasabi sa inyo na para siyang si Tita Jupiter kung tumingin. Pakiramdam ko, nakikita niya ang kaloob-looban ko dahil sa tinging pinupukol niya sa'kin.

"Okay lang ako." sagot ko "Bakit mo ba ko dinala dito?" napatingin pa ko sa dito sa lugar na pinagdalhan niya sa'kin. Sa tingin ko, nasa likod kami ng school.

"I just wanna talk to you." she plainly said. "About my sister, Odysseus." she added

Napahinga ako ng malalim. Tama nga ang hula ko. "Okay. Let's talk." sagot ko

"Kayo na ulit." Hindi 'yun tanong kundi statement.

I nodded at her. "Yes."

"I don't like you for her." prangkang sagot niya sa'kin

Para akong sinaksak ng libo-libong punyal sa dibdib ng marinig ko mula sa kanya 'yun. Ang sakit! Damn it!

"I don't trust you anymore." dagdag niya.

MistakeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu