Chapter 16

3.7K 166 29
                                    


PENELOPE ANDREA SMITH






"Parang gusto kong kumain ng ramen and sashimi." sambit ni Cassandra

"Bakit? Craving?" Selene asked her

Napailing na lang ako. Nasa klase kami pero ang isip niya, nasa pagkain. Ang galing din naman talaga.

"Sa labas tayo kumain mamaya. Gusto ko talaga ng ramen at sashimi." nakangusong saad niya

Umirap ako. "Malayo dito sa school ang Japanse restaurant." saad ko

Mas lalo namang sumama ang mukha niya. "Sige na. Please."

Napahinga ako ng malalim. Napaka spoiled brat naman talaga. Tss. "Fine."

"Yes! Isama natin ang iba." nakangiting sagot niya.

Napatingin naman ako sa mga kasama naming walang pakialam sa mundo. Himala ata at ang tatahimik nila. Hindi sila nagtatalo-talo. Akalain mong pwede pala mangyari ang ganun.

"Psst. Dike." I called her

"Hmm?"

"Anong ginagawa mo?" tanong ko

"Hindi mo ba nakikita? Nagbabasa ng libro." barumbadong sagot niya sakin.

Napairap ako. Ang taray ah. Sungit. "Ano ba 'yang binabasa mo?" usisa ko pa

Inis siyang tumingin sa'kin. "Bakit ba panay ang tanong mo?"

Mahina akong napatawa. "Bakit ba gigil na gigil ka? May regla?" pang-aasar ko pa.

"Tigil-tigilan mo ko Pen ah. Baka ihampas ko sa pangit mong mukha ang librong hawak ko."

Malakas akong napatawa. Grabe! "Ay pikon ka talaga sizt." natatawang tugon ko

Mas lalong lumaki ang pagkakangisi ko ng mapahilamos siya sa mukha niya gamit ang kamay niya. "Ano bang kailangan mo?" tanong niya

Napanguso ako. "Naboboring ako."

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ko. "Oh? Anong gagawin ko?"

Umirap ako. "Kwentuhan mo ko."

She shook her in disbelief. "Mabuti pa, tawagan mo na lang ang jowakels mo. Para naman siya ang binubwisit mo at hindi ako."

Napahinga ako ng malalim. Kung pwede lang talaga, ako pa ang pumunta sa kanya sa department nila, kaso hindi ee. "May klase si Odysseus." sagot ko

"Aww. Kawawa ka naman pala." nakangising tugon niya

Inirapan ko siya. Ang bilis talaga ng karma. Tss. "Kamusta kana pala? Kayo ni Larisa?" tanong ko

Hindi naman kasi mahilig magkwento si Dike. Magkukwento lang 'yan sa'min, kapag lasing. Lahat ng hindi namin alam, nasasabi niua dahil sa kalasingan.

"Okay lang naman kami." mahinang sagot niya

Napailing ako. Halata namang hindi sila okay, pero pinipilit niya parin sa'ming okay sila. "Tell me the truth Dike Owens."

She inhaled deeply. "Wala na kami."

My mouth shape an "O". Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya. Nagulat ako. Hindi ko 'man lang alam na wala na pala sila. "Kailan pa? Bakit?" tanong ko

"Isang buwan na." she simply said.

Mariin akong nakatitig sa kanya. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Napahinga ako ng malalim. "Sumuko ka?"

MistakeWhere stories live. Discover now