Chapter 6

4.1K 164 27
                                    


PENELOPE ANDREA SMITH





Nakangiting pumasok ako sa room ko. Hindi ko mapigilan. Mula ng maging close kami ni Ody, napapansin ko lang na ang saya saya ko. Gosh! Nababaliw na talaga ko.

"Sa tingin ko nga nababaliw kana talaga." paninira ni Dike sa araw ko.

I rolled my eyes at her. "Ano ka pa." sagot ko

Ang ganda-ganda ng mood ko sinisira niya. Tss. "Mukhang masaya ka. Si Odysseus na naman ba dahilan niyan?" Juno asked

Napaiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko kayang tapatan ang mapang-asar tinging pinupukol nila sa'kin.

"What's the real score between the two of you?" Vi asked me.

I gulped hard. Sa lahat sa'ming magkakaibigan, si Ianthe ang hindi mo basta-basta maloloko. Alam na alam niya pag nagsisinungaling ka. "We're friends Vi." I uttered.

She raised her left brow at me. "Friends ha." she paused "Persy called me, sinabi niyang sinundo ka daw ni Ody." pagpapatuloy niya

Napairap ako. Ang daldal talaga ng babaeng 'yun. Sarap putulin ng dila. Tss. "Yes, sinundo niya ko. May masama ba dun?" tanong ko

She shrugged her shoulder. "Is she courting you?" she asked

My eyes widened. What the hell?! "Ofcourse not! We're just friends Vi! Ang showbiz niyo ah."

Cassandra smirked at me. "So defensive girl."

Inirapan ko na lang sila. Ang issue nilang lahat. Porke't sinundo ako ni Ody, nanliligaw agad? Hindi ba pwedeng sinundo niya ko dahil friends kami?

Natapos lang ang diskusiyon namin ng pumasok na si prof. Mabuti naman at dumating na siya, makakaiwas ako sa mga sasabihin nila. Tssk.

Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang makinig sa wantosawang discussion. Hay, sana naman makagraduate na ko. Gusto ko nang magtrabaho para matulungan si mommy.

Natapos lang ang mahabang discussion ni sir na paganun-ganun lang. Napahinga ako ng malalim. Nakakatamad kaya ang mag-aral lalo na kung nakakatamad ang nagtuturo. Sana naman kasi nagpaquiz si Sir o kaya activity. Tssk.

"Ako lang ba ang naboboring o kayo din?" Dike asked

Napatawa ako ng mahina. Pareho lang pala kami ng naiisip. "Same Dick. Ang boring. Gosh." sagot ni Cassandra.

Napailing na lang ng makitang nagiirapan sila. Minsan talaga napapaisip ako, siguro nagkulang sila sa buwan dahil parang mga bata parin sila kung umasta. Bigla akong napangiti ng maalala ako. Tutal mamaya pa naman ang sunod naming klase. "Girsl! Laro tayo." nakangiting saad ko

Kunot noo silang napatingin sakin. "Laro? Ano? Bata lang?" Dike said

I just rolled my eyes at her. "Kahit naman hindi tayo maglaro ngayon, isip bata ka parin."

She made a face. Napailing na lang ako sa loob loob ko. See? Ang childish niya. Tss. "Anong laro Penelope?" Selene asked all of sudden.

Mataman akong napatingin sa kanya. Ngayon lang siya kumibo buhat kanina. "10 questions?" alanganing tugon ko

"10 questions? Saan mo naman nalaman ang larong 'yan?" Cassandra asked

I smiled. "Secret. Laro na lang tayo." sagot ko

Ianthe rolled her eyes. "Fine. Let's play a game." walang gana niyang sagot

My jaw dropped. Wow. Seriously? "Palibhasa absent si Jeremiah kaya sasali ka." Dike said

MistakeWhere stories live. Discover now