Chapter 15

3.6K 151 3
                                    


PENELOPE ANDREA SMITH




Mahigit isang linggo na din ang lumipas mula ng sinagot ko si Ody. Masaya. Sobrang saya ko dahil pakiramdam ko, kumpleto ako.

Kaya mahigit isang linggo na din, mula ng naging trending kami sa buong Brandon. Grabe lang ang talaga. Ang bilis nilang kumalap ng balita.

"Ano na Penny? Nakatulala ka na naman diyan. Inlove na inlove ang gaga." pang babasag ni Cassandra sa iniisip ko.

Inirapan ko siya. "Ano ba kasi 'yang tinatanong mo?" naiinis kong tanong

"Kung nagsex na kako kayo ni Ods."

Bigla naman akong nasamid dahil sa sinabi niya. Grabe. One week palang kami, sex agad? Saka, ang bastos talaga ng bunganga ng isang 'to.

Inilibot ko naman ang tingin sa loob. Baka kasi may nakarinig sa kanya, nakakahiya diba. Tss.

"Ang baboy mo talaga Cass." sagot ko

"Baboy? Bakit? Nakita mo ba kong kumakain ng feeds?" barumbado niyang sagot sa'kin.

Inirapan ko ulit siya. Nakakaubos talaga ng dugo kausap ang isang 'to. Nakakapuno ng pasensya, grabe!

"Gaga ka talaga." mahinang sagot ko

Malakas siyang tumawa kaya nakuha niya ang atensyon ng mga kaklase namin. Inirapan ko na lang sila dahil napaka chismosa lang talaga. "Ang pabebe mo Penelope ah." nakangising saad niya

"Wala kang paki." sagot ko

"Sagutin mo na lang kasi. Ano? Naka-score na ba si Ods?" nakangising tanong niya

I smiled sweetly at her before I raised my middle finger to her. "Woah! Ang galing ka ah!" manghang sagot niya

Natawa na lang din ako. Para kaming tanga sa totoo lang. Kunot noong tiningnan naman kami ni Vi at Juno. Malamang nagtataka sa'min kung bakit kami tawang tawa.

"What's funny?" Ianthe asked

"Si Penelope kasi, ayaw pa aminin kung nagsex na sila ni Ods."

I smack her head. Bahala na kung makalog ang utak niya. Napaka daldal. "Ang bastos talaga ng bunganga mo kahit kailan." madiing sagot ko

"Iniiba mo lang usapan sizt ee."

Inirapan ko siya. Pinapahamak niya ko ee. Mamaya may makarinig sa kanya dito, edi may bago na namang pagpipyestahan ang mga chismosa.

"Hindi pa kayo nagsex ni Odysseus, Penelope?" singit naman ni Dike.

Lihim kong kinurot si Cassandra sa hita niya. Magsisimula na sila! Nakakainis talaga!

"Hindi. Bakit naman namin gagawin 'yun?" tanong ko

"Kasi mag jowa kayo." barumbadong sagot sakin ni Cassandra.

Kinurot ko ulit siya sa tagiliran niya. "Pero hindi kami mag-asawa."

"Bakit si Vi and Jeremiah? Si Dike and Larisa? Si Selene and Achi?" nakangising sagot ni Cassandra.

"Hoy! Bruha ka! Isasali mo 'ko diyan!" biglang sigaw ni Selene

Cassandra crossed her arms over her chest. "Bakit? Hindi pa ba?" nakangising tanong niya

"Ofcourse! Mabait kasi kami." she answered with a pride.

"Pero nahuli ko kayo sa unit mo, nakaupo ka pa nga sa lap niya." hindi parin nawawala ang ngisi sa mukha ni Cassandra

Selene raised her brow to her. "Naghahalikan pa lang kami nun. Dumating ka kasi agad kaya naudlot. Paepal ka din ee."

MistakeWhere stories live. Discover now